传道书 8 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

传道书 8:1-17

1谁像有智慧的人呢?

谁知道事情的原委呢?

智慧能使人容光焕发,

使冷酷的面孔柔和。

2我劝你遵守王的命令,因为你曾在上帝面前这样发誓。 3不要在王面前鲁莽行事,也不要参与恶行,因为王可以随意行事。 4况且,王的命令至高无上,谁敢质问他呢? 5遵从王命的必免遭祸患,因为智者心里懂得做事的时机和方法。 6尽管人面临重重困难,但做任何事都有时机和方法。 7无人知道未来的事,谁能告诉人将来的事呢? 8无人能掌管生命8:8 生命”也可译作“风”或“气息”。,留住生命,也无人能掌管死期。无人能免于这场争战,邪恶也救不了作恶者。 9这一切我都见过了,我用心思考日光之下的一切事。有时人欺压人、伤害人。 10我看见恶人生前出入圣所,死后安葬,还在他们作恶的城中受到称赞,这也是虚空。 11对犯罪者的刑罚不迅速执行,世人便尽情作恶。 12虽然罪人作恶多端仍得长寿,我却认为敬畏上帝的人必亨通。 13然而,恶人得不到祝福,他们必像幻影一样不能长久,因为他们不敬畏上帝。 14世上有一件虚空的事,就是义人遭受了恶人当受的报应,恶人却享受了义人该享的福乐。我认为这也是虚空。 15因此,我便赞赏享乐,因为在日光之下没有什么比吃喝快乐更好。这是人在上帝所赐的年日里,从劳碌中当得的享受。 16我全心去寻求智慧,观察世上所发生的事,甚至昼夜不眠, 17思想上帝所做的一切,便知道人无法理解日光之下所发生的事。尽管人努力不懈地去寻找,也不能明白;即使智者自以为明白,他其实仍不能参透。

Tagalog Contemporary Bible

Mangangaral 8:1-17

1Walang katulad ang taong marunong na kayang magpaliwanag ng mga bagay. Ang karunungan ng taoʼy nakapagpapasaya ng mukha, at ang simangot ay nawawala.

Sundin ang Hari

2Sundin mo ang utos ng hari, dahil ipinangako mo sa Dios na gagawin mo ito. 3Huwag mong pababayaan ang tungkulin mo sa hari, at huwag kang sasama sa mga nagpaplano ng masama laban sa kanya,8:3 Huwag kang … sa kanya: o, Huwag kang aalis sa harapan ng hari; huwag kang pumunta sa delikadong lugar. dahil kayang gawin ng hari ang anumang gustuhin niya. 4Makapangyarihan ang utos ng hari at walang makakatutol dito. 5Ang sinumang sumusunod sa kanyang utos ay hindi mapapahamak. Alam ng taong marunong kung kailan at kung paano gagawin ang isang bagay. 6Dahil ang bawat bagay ay may kanya-kanyang tamang oras at pamamaraan ng paggawa gaano man kabigat ang kinakaharap ng tao.

7Dahil walang sinuman ang nakakaalam ng hinaharap, walang makapagsasabi kung ano ang mangyayari. 8Kung paanong hindi mapipigilan ng tao ang hangin,8:8 hangin: o, kanyang espiritu kapag itoʼy umaalis. hindi rin niya mapipigilan ang kanyang kamatayan. Tulad sa isang labanan, hindi siya makakaatras. At ang kasamaan niyaʼy hindi makapagliligtas sa kanya sa kamatayan.

9Pinagmasdan ko ang mga bagay na nangyayari rito sa mundo, nakita kong ang mga tao ay may kakayahang saktan ang isaʼt isa. 10Nakita ko ring ibinuburol ang masasama. Sila ang laging pumapasok sa banal na lungsod ng Jerusalem at doon gumagawa ng kasamaan. At pinupuri8:10 pinupuri: Ito ang nasa Septuagint at ibang tekstong Hebreo. Pero karamihan sa tekstong Hebreo, kinakalimutan. pa sila ng mga taong taga-roon mismo sa lugar na ginagawan nila ng kasamaan. Wala itong kabuluhan.

11Kapag ang taong nagkasalaʼy hindi agad pinarusahan, naiisip din ng iba na gumawa ng kasalanan. 12Kahit ang isang taoʼy magkasala ng isandaang beses at mabuhay pa nang matagal, alam kong mas mabuti pa rin ang kahihinatnan ng taong may takot sa Dios. 13Hindi magtatagal ang buhay ng taong masama na walang takot sa Dios. Magiging parang anino ang buhay niya, sandali lang at agad mawawala. 14Ang problema lang sa mundong ito ay kung minsan ang mga taong matuwid pa ang siyang napaparusahan ng parusang para sana sa masasama. At ang masasama naman ang siyang tumatanggap ng gantimpalang para sana sa mga matuwid. Ito man ay walang kabuluhan.

15Kaya para sa akin, mas mabuting magpakasaya ang tao sa buhay. Walang mas mabuti para sa kanya dito sa mundo kundi ang kumain, uminom at magsaya. Sa ganitong paraan mararanasan niya ang kasiyahan habang nagpapakapagod siya sa buong buhay niya na ibinigay ng Dios sa kanya dito sa mundo.

16Habang pinagsisikapan kong intindihin ang mga nangyayari rito sa mundo, nalaman ko kung gaano kaabala sa trabaho ang mga tao araw at gabi. 17Nakita ko rin ang mga ginagawa ng Dios dito sa mundo. Walang sinuman ang makakaintindi nito. Kahit ano pa ang gawin ng tao para intindihin ito, hindi pa rin niya ito maiintindihan. Kahit sabihin pa ng marunong na naiintindihin niya, pero ang totoo, hindi niya talaga naiintindihan.