传道书 9 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

传道书 9:1-18

1我仔细思想、探究这些事,就知道义人、智者及他们的行事为人都由上帝掌管,人无法知道前面等待自己的是爱还是恨。 2义人和恶人、好人和坏人、洁净的和污秽的、献祭的和不献祭的、行善的和犯罪的、敢于起誓的和不敢起誓的人,最终的命运都一样。 3在日光之下有一件可悲的事,就是人最终的命运都一样。再者,人内心都充满邪恶,活着的时候行事狂妄,最后都步入死亡。 4有生命就有希望,一条活狗总比一头死狮子强。 5因为活着的人还知道自己终有一死,但死了的人什么都不知道,再也得不到任何赏赐,他们被忘得一干二净。 6他们的爱、恨和嫉妒早已不复存在,他们再也无法参与日光之下的事。

7去欢欢喜喜、快快乐乐地吃喝吧!因为上帝已经悦纳你所做的。 8你的衣服要经常保持洁白,头上也不要缺少膏油。 9在你虚空的人生中,就是在上帝所赐、日光之下虚空的岁月里,你要与爱妻快乐度日,因为这是你一生在日光之下的劳碌中所当得的。 10凡你的手能做的,都要尽力去做,因为在你要去的阴间没有工作,没有计划,也没有知识和智慧。 11我又发现,日光之下,跑得快的未必能得奖,强大的未必能得胜,智者未必得温饱,聪明人未必有财富,博学者未必受爱戴,因为时机和境遇左右众人。 12再者,人无法知道何时大难临头。祸患突然临到时,人根本无法摆脱,就像鱼落入险恶的网中,又像鸟儿陷入网罗。 13我看见日光之下有一种智慧,对我来说意义深远。 14有一个势力强大的君王来攻击一个人口不多的小城,他建造营垒围困这城。 15这城里有一个贫穷的智者,他用智慧拯救了这城,但事后人们却把他遗忘了。 16我认为智慧胜过武力,然而那位穷人的智慧却被轻视,他所说的话也无人理会。 17智者的细语胜过官长在愚人中的喊叫。 18智慧胜过兵器,但一个罪人却能破坏许多善事。

Tagalog Contemporary Bible

Mangangaral 9:1-18

1Inisip kong mabuti ang lahat ng bagay at nalaman kong nasa patnubay ng Dios ang matutuwid at marurunong, pati na ang kanilang mga ginagawa. Pero hindi nila alam kung ang kasasapitan ba nila ay pag-ibig o poot. 2Iisa lang ang kasasapitan ng lahat ng klase ng tao – ang matuwid at ang masama, ang tama at ang mali,9:2 at ang mali: Wala ito sa Hebreo, pero makikita sa ibang mga lumang teksto. ang malinis at ang marumi,9:2 ang malinis at ang marumi: Ang mga karapat-dapat at hindi karapat-dapat makisama sa mga seremonyang pangrelihiyon ng Israel. ang naghahandog at ang hindi naghahandog. Pareho lang ang matuwid at ang makasalanan at pareho lang din ang sumusumpa at hindi sumusumpa. 3Ito ang hindi maganda sa lahat ng nangyayari rito sa mundo: iisa lang ang kasasapitan ng lahat. At hindi lang iyan, kundi pawang kasamaan at kamangmangan ang iniisip ng tao habang nabubuhay, at pagkatapos ay mamamatay din siya. 4Habang may buhay ang tao, may pag-asa. May kasabihan nga, “Mas mabuti pa ang buhay na aso kaysa sa patay na leon.” 5Ang totoo, alam ng buhay na tao na mamamatay siya. Pero ang patay ay walang nalalaman. Wala na rin siyang gantimpalang matatanggap at makakalimutan na. 6Ang pag-ibig nila, poot at inggit noong nabubuhay pa ay wala na. At wala na rin silang malay sa lahat ng nangyayari rito sa mundo.

7Sige, magpakasaya ka sa pagkain at pag-inom dahil iyan ang gusto ng Dios na gawin mo. 8Palagi ka sanang maging maligaya.9:8 Palagi … maligaya: sa literal, magsuot ka ng puting damit at pahiran mo ng langis ang ulo mo. 9Magpakasaya ka kasama ang minamahal mong asawa, sa buhay mong walang kabuluhan na ibinigay ng Dios dito sa mundo. Sapagkat para sa iyo naman iyan, para sa pagpapagal mo rito sa mundo. 10Gawin mo ng buo mong makakaya ang iyong ginagawa, dahil wala ng trabaho roon sa lugar ng mga patay na patutunguhan mo. Wala ng pagpaplano roon, wala ring kaalaman at karunungan.

11Mayroon pa akong nakita rito sa mundo: Hindi lahat ng mabibilis ay nananalo sa takbuhan, at hindi lahat ng malalakas ay nananalo sa labanan. Hindi rin lahat ng matatalino ay nagkakaroon ng hanapbuhay, hindi lahat ng marurunong ay nagiging mayaman at hindi rin lahat ng may kakayahan ay nagtatagumpay. Dahil ang bawat tao ay may kanya-kanyang kapalaran. 12Pero hindi niya alam kung kailan darating ang takdang oras. Tulad siya ng isang ibong nabitag o ng isdang nahuli sa lambat. Biglang dumarating sa tao ang masamang pagkakataon na para siyang nahuli sa isang patibong.

Mas Mabuti ang Karunungan Kaysa Kamangmangan

13Mayroon pang isang halimbawa ng karunungan na aking nagustuhan. 14May isang maliit na lungsod na kakaunti lang ang mga mamamayan. Nilusob ito ng makapangyarihang hari kasama ng kanyang mga kawal at pinalibutan. 15Sa lungsod na iyon ay may isang lalaking marunong pero mahirap. Maaari sana niyang iligtas ang lungsod sa pamamagitan ng kanyang karunungan pero walang nakaalala sa kanya. 16Sinabi kong mas mabuti ang karunungan kaysa sa kapangyarihan, pero ang karunungan ng isang taong mahirap ay hindi binibigyang halaga at ang mga sinasabi niyaʼy hindi pinapansin. 17Ang marahang salita ng marunong ay mas magandang pakinggan kaysa sa sigaw ng isang pinunong hangal. 18Mas makapangyarihan ang karunungan kaysa sa mga sandata ng digmaan. Pero ang isang makasalanan ay makakasira ng maraming kabutihan.