Zacarias 14 – TCB & NUB

Tagalog Contemporary Bible

Zacarias 14:1-21

Darating ang Panginoon at Maghahari

1Darating ang araw na hahatol ang Panginoon. Paghahatian ng mga kalaban ang mga ari-ariang sinamsam nila sa inyo na mga taga-Jerusalem habang nakatingin kayo. 2Sapagkat titipunin ng Panginoon ang lahat ng bansang makikipaglaban sa Jerusalem. Sasakupin nila ang lungsod na ito, kukunin nila ang mga ari-arian sa mga bahay, at gagahasain nila ang mga babae. Dadalhin nila sa ibang lugar ang kalahati ng mga mamamayan ng lungsod, pero ang matitira sa kanila ay mananatili sa lungsod. 3Pagkatapos, makikipaglaban ang Panginoon laban sa mga bansang iyon, katulad ng ginawa niyang pakikipagdigma noon. 4Sa araw na iyon, tatayo siya sa Bundok ng mga Olibo, sa silangan ng Jerusalem. Mahahati ang bundok na ito mula sa silangan hanggang sa kanluran. Ang kalahati ng bundok ay lilipat pahilaga at ang kalahati naman ay lilipat patimog. At magiging malawak na lambak ang gitna nito. 5Dito kayo dadaan mga taga-Jerusalem sa inyong pagtakas, dahil ang lambak na ito ay aabot hanggang sa Azel. Tatakas kayo katulad ng ginawa ng inyong mga ninuno noong lumindol sa panahon ni haring Uzia ng Juda. At darating ang Panginoon kong Dios kasama ang lahat niyang mga anghel. 6Sa araw na iyon ay walang init o lamig. 7Magiging katangi-tangi ang araw na iyon, dahil walang gabi kundi panay araw lang. Ang Panginoon lamang ang nakakaalam kung kailan ito mangyayari.

8Sa araw na iyon, dadaloy ang sariwang tubig mula sa Jerusalem. Ang kalahati nito ay dadaloy sa Dagat na Patay14:8 Dagat na Patay: sa Hebreo, dagat sa silangan. at ang kalahati ay sa Dagat ng Mediteraneo.14:8 Dagat ng Mediteraneo: sa Hebreo, dagat sa kanluran. Patuloy itong dadaloy sa panahon ng tag-araw at tag-ulan. 9Ang Panginoon ang maghahari sa buong mundo. Siya lamang ang kikilalaning Dios at wala nang iba.

10-11Gagawing kapatagan ang buong lupain mula sa Geba sa hilaga hanggang sa Rimon sa timog ng Jerusalem. Kaya mananatiling mataas ang Jerusalem sa kinaroroonan nito. At titirhan ito mula sa Pintuan ni Benjamin hanggang sa lugar na kinaroroonan ng Unang Pintuan, at hanggang sa Sulok na Pintuan; at mula sa Tore ni Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari. Ang Jerusalem ay hindi na muling wawasakin, at ang mga mamamayan nito ay mamumuhay nang ligtas sa panganib.

12Ang mga bansang sumalakay sa Jerusalem ay padadalhan ng mga salot na ito: Mabubulok ang kanilang mga katawan, mata, at dila kahit buhay pa sila. 13-15Ganito ring salot ang darating sa lahat ng mga hayop sa kanilang kampo, pati na sa kanilang mga kabayo, mola, kamelyo, at asno.

Sa araw na iyon, lubhang lilituhin ng Panginoon ang mga taong iyon. Ang bawat isa sa kanila ay sasalakay sa kanilang kapwa, at sila mismo ay maglalaban-laban. Makikipaglaban din ang ibang mga lungsod ng Juda. Sasamsamin at titipunin nila ang mga kayamanan ng mga bansa sa palibot nila – ang napakaraming ginto, pilak at mga damit.

16Pagkatapos, ang lahat ng natitirang mga tao sa mga bansang sumalakay sa Jerusalem ay pupunta sa Jerusalem taun-taon para sumamba sa Hari, ang Panginoong Makapangyarihan, at para makipag-isa sa pagdiriwang ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol. 17Ang mga taong hindi pupunta sa Jerusalem upang sumamba sa Hari, ang Panginoong Makapangyarihan, ay hindi padadalhan ng ulan. 18Ang mga taga-Egipto na hindi pupunta sa Jerusalem ay padadalhan ng Panginoon ng salot na katulad ng salot na kanyang ipapadala sa mga bansang hindi pupunta para ipagdiwang ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol. 19Iyan ang parusa sa Egipto at sa lahat ng bansang hindi pupunta sa Jerusalem para ipagdiwang ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol.

20Sa araw na iyon na sasamba ang mga bansa sa Panginoon, isusulat sa mga kampanilyang palamuti ng mga kabayo ang mga katagang, “Itinalaga sa Panginoon.”14:20 isusulat … Panginoon: Ang ibig sabihin, ang mga kabayo ay hindi na gagamitin sa labanan sa halip ay gagamitin para sa pagdala ng mga tao sa pagsamba sa Panginoon. Ang mga lutuan sa templo ng Panginoon ay magiging kasimbanal ng mga mangkok na ginagamit sa altar. 21At ang bawat lutuan sa Jerusalem at Juda ay magiging banal para sa Panginoong Makapangyarihan. Gagamitin ito ng mga naghahandog para paglutuan ng kanilang inihahandog. At sa araw na iyon, wala nang mga negosyante sa templo ng Panginoong Makapangyarihan.

Swedish Contemporary Bible

Sakarja 14:1-21

Herren kommer och regerar

1Se, Herrens dag kommer! Då ska man plundra dig och fördela14:1 Syftar uppenbarligen på Jerusalem, se följande vers. bytet.

2Jag ska samla alla folk till strid mot Jerusalem. Staden ska intas, husen plundras, kvinnorna våldtas och halva staden föras bort i fångenskap, men resten av folket ska inte fördrivas.

3Då ska Herren dra ut och strida mot dessa folk, så som han stred på slagets dag. 4Hans fötter ska den dagen stå på Olivberget, som ligger mitt emot Jerusalem, i öster. Olivberget ska dela sig mitt itu från öster till väster, till en mycket stor dal. Halva berget ska falla åt norr och halva berget åt söder. 5Ni ska fly genom dalen mellan mina berg, för dalen mellan bergen ska sträcka sig ända fram till Asal. Ni ska fly som ni flydde för jordbävningen på judakungen Ussias tid.14:5 Grundtextens innebörd är osäker. Enligt Septuaginta börjar versen: Dalen mellan mina berg ska spärras…Den ska spärras som vid jordbävningen… Då ska Herren, min Gud, komma och alla heliga med honom.

6Den dagen ska det inte finnas något ljus, himlaljusen ska förmörkas.14:6 Eller: …inte längre finnas någon kyla eller frost.Grundtexten är svårförståelig. 7Det blir en unik dag, utan växling mellan dag och natt. När det blir kväll är det fortfarande ljust. Herren vet allt om hur den dagen ska bli.

8Den dagen ska friskt vatten rinna fram från Jerusalem, hälften mot östra havet, hälften mot västra havet, både sommar och vinter ska det bli så.

9Herren ska vara kung över hela jorden. På den dagen ska Herren vara en och hans namn det enda.

10Hela landet från Geva till Rimmon, söder om Jerusalem, ska förvandlas till en slätt. Men staden ska resa sig och bli kvar på sin höjd, från Benjaminporten till den plats där den förra porten stod, till Hörnporten, och från Hananeltornet till de kungliga vinpressarna. 11De ska få bo där, och det ska aldrig mer vigas åt förintelse. Jerusalem ska vara tryggt.

12Detta är den plåga Herren ska slå alla de folk med som stred mot Jerusalem: Deras kött ska ruttna bort medan de ännu står på sina fötter, deras ögon ska ruttna i sina hålor och deras tungor i deras mun. 13Herren ska den dagen skapa stor panik bland dem, så att man vänder sig mot varandra och slåss inbördes. 14Juda ska också strida i Jerusalem. Alla grannfolkens rikedomar ska samlas, stora mängder av guld och silver och kläder. 15En liknande plåga ska drabba hästar, mulåsnor, kameler, åsnor och alla andra djur i dessa läger.

16Men alla överlevande från alla de folk som anföll Jerusalem ska dra dit upp, år efter år, för att tillbe kungen, härskarornas Herre, och för att fira lövhyddefesten. 17Men om någon av jordens släkter inte drar upp till Jerusalem för att tillbe kungen, härskarornas Herre, ska de inte få något regn. 18Om egypterna inte drar dit upp och deltar, ska de inte heller få regn. Det är den plåga Herren låter drabba de folk som inte drar upp för att fira lövhyddefesten.14:18 Grundtextens innebörd är osäker. 19Detta är straffet för Egypten och straffet för andra folk som inte drar upp för att fira lövhyddefesten.

20Den dagen ska det stå på hästarnas bjällror: ”Helgad åt Herren”, och kokkärlen i härskarornas Herres hus ska vara som offerskålarna framför altaret. 21Varje kokkärl i Jerusalem och Juda ska vara helgat åt härskarornas Herre, och alla som kommer för att offra ska ta ett av kärlen och använda för tillredning. Den dagen ska det inte längre finnas någon kanané14:21 Eller köpman. i härskarornas Herres hus.