Malakias 1 – TCB & NUB

Tagalog Contemporary Bible

Malakias 1:1-14

1Ito ang mensahe ng Panginoon para sa mga taga-Israel sa pamamagitan ni Malakias.

Mahal ng Dios ang mga Israelita

2Sinabi ng Panginoon, “Mahal ko kayo. Pero nagtatanong pa kayo, ‘Paano mo kami minahal?’ Alalahanin ninyo na kahit magkapatid sina Esau at Jacob, minahal1:2 minahal: o, pinili. ko si Jacob 3pero si Esau, hindi. Winasak ko ang kanyang mga kabundukan, kaya naging tirahan na lamang ng mga asong-gubat.

4“Maaaring sabihin ng mga Edomita na mga lahi ni Esau, ‘Kahit na winasak ang aming bayan, itoʼy muli naming itatayo.’ Ako, ang Panginoong Makapangyarihan ay nagsasabi: Kahit na itayo nilang muli ang kanilang bayan, gigibain ko pa rin ito. Tatawagin silang ‘masamang bansa’ at ‘mga mamamayang laging kinapopootan ng Panginoon.’ 5Makikita ninyo ang kanilang pagkawasak at sasabihin ninyo, ‘Makapangyarihan ang Panginoon kahit sa labas ng Israel.’ ”

Sinaway ng Panginoon ang mga Pari

6Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan sa mga pari, “Iginagalang ng anak ang kanyang ama at iginagalang ng alipin ang kanyang amo. Pero bakit ako na inyong ama at amo ay hindi ninyo iginagalang? Nilalapastangan ninyo ako. Pero nagtatanong pa kayo, ‘Paano ka namin nilalapastangan?’ 7Nilalapastangan ninyo ako sa pamamagitan ng paghahandog ng maruruming1:7 marurumi: Ang ibig sabihin hindi dapat ihandog sa Dios. handog sa aking altar. Pero nagtatanong pa kayo, ‘Paano naging marumi ang aming handog?’1:7 Paano … handog?: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, Paano ka namin nadungisan? Naging marumi ang inyong handog dahil sinasabi ninyo na walang kabuluhan ang aking altar. 8Kaya hinahandugan ninyo ako ng mga hayop na bulag, pilay o may sakit. Hindi tama iyan. Ganyan kaya ang ihandog ninyo sa inyong gobernador at tingnan nʼyo kung matutuwa at malulugod siya sa inyo.”

9Sinabi ni Malakias, “Kayong mga pari, hilingin ninyo sa Dios na kaawaan niya tayo. Pero sa ganyang klaseng mga inihahandog ninyo sa kanya, tiyak na hindi niya kayo kalulugdan. Iyan ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon.”

10Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “May isa sana sa mga pari nʼyo na magsara ng mga pintuan ng aking templo, upang hindi na kayo magsisindi ng walang kabuluhang apoy sa aking altar. Hindi ko tatanggapin ang inyong mga handog dahil hindi ako nalulugod sa inyo. 11Ang totoo, pinupuri ang aking pangalan ng mga bansa, mula silangan hanggang kanluran.1:11 mula silangan hanggang kanluran: sa literal, mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Kahit saan nagsusunog ang mga tao ng insenso at naghahandog1:11 pinupuri … nagsusunog … naghahandog: o, pupurihin … magsusunog … maghahandog. ng malinis1:11 malinis: Ang ibig sabihin, maaaring ihandog sa Dios. na handog sa akin na Panginoong Makapangyarihan. 12Pero kayo, nilalapastangan ninyo ako, dahil sinasabi ninyong marumi ang aking altar at walang kabuluhan ang mga inihahandog doon. 13Sinasabi pa ninyo na nagsasawa na kayo sa paghahandog at binabalewala ninyo ang aking altar.1:13 ang aking altar: o, ako. Kaya hinahandugan ninyo ako ng mga hayop na may sugat,1:13 may sugat: o, ninakaw. pilay o may sakit. Akala ba ninyoʼy tatanggapin ko iyan? 14Susumpain ko ang mga mandaraya sa inyo, na nangakong maghahandog ng pinakamabuting hayop pero ang inihahandog ay ang may kapintasan. Susumpain ko siya dahil ako ang makapangyarihang hari na kinatatakutan ng mga bansa. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

Swedish Contemporary Bible

Malaki 1:1-14

1Profetia.

Herrens ord till Israel genom Malaki.

Herren älskar sitt folk

2”Jag har älskat er, säger Herren. Men ni säger: ’På vilket sätt har du älskat oss?’ Var inte Jakob och Esau bröder? säger Herren. Jag älskade Jakob 3men hatade Esau. Jag gjorde hans berg till en ödemark och gav hans arv åt öknens schakaler.”

4Om Edom säger: ”Vi är krossade, men vi ska åter bygga upp ruinerna,” så säger härskarornas Herre: ”Låt dem bygga, jag kommer ändå att riva ner det. Det ska kallas ondskans land och folket som Herren vredgas på för evigt. 5Ni får se det med egna ögon, och då ska ni säga: ’Herren är stor, även bortom Israels gränser!’

Israels otrohet

(1:6—2:16)

Herren kräver felfria offer

6En son hedrar sin far och en tjänare sin herre. Om jag är en far, var är min heder? Och om jag är en herre, var är min respekt? Detta säger härskarornas Herre till er präster, som föraktar mitt namn.

Då frågar ni: ’På vilket sätt har vi föraktat ditt namn?’

7Genom att ni har burit fram oren mat på mitt altare.

Ni frågar: ’På vilket sätt har vi gjort dig oren?’

Genom att säga att Herrens bord kan föraktas. 8När ni bär fram ett blint offerdjur, är det inte något ont? När ni bär fram ett halt och sjukt offerdjur, är det inte något ont? Försök komma med sådana offer till din ståthållare! Skulle han gilla dig och ta emot dig välvilligt? säger härskarornas Herre.

9Nu vädjar ni till Gud att han ska vara nådig mot oss! Skulle han, när ni nu har sådant i era händer, vara välvilligt inställd mot er?” säger härskarornas Herre.

10”Om ändå någon av er ville stänga tempeldörrarna och låta bli att i onödan tända eld på mitt altare! Jag vill inte veta av er, säger härskarornas Herre, och jag kan inte ta emot era offer. 11Från öster till väster ska mitt namn bli stort bland folken. På alla platser ska man bära fram rökelse och rena offer åt mitt namn, för mitt namn är stort bland folken, säger härskarornas Herre.

12Ni däremot vanhelgar det och säger att Herrens bord är orent och hans mat är värd förakt. 13Ni säger: ’Så besvärligt!’ och fnyser bara, säger härskarornas Herre. Ni kommer med stulna, halta och sjuka djur för att offra. Skulle jag kunna ta emot sådant av er? säger Herren. 14Förbannad är den bedräglige som lovar att offra ett handjur från sin hjord och sedan ändå offrar ett missbildat djur åt Herren. För jag är en stor kung, säger härskarornas Herre, och mitt namn är fruktat bland folken.