Pahayag 4 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Pahayag 4:1-11

Ang Pagsamba sa Langit

1Pagkatapos nito, nakita kong nabuksan ang pinto sa langit. At narinig kong muli ang tinig na parang trumpeta. Sinabi niya, “Umakyat ka rito at ipapakita ko sa iyo ang mga mangyayari sa hinaharap.” 2Bigla na lang akong napuspos ng Banal na Espiritu. At nakita ko roon sa langit ang isang trono na may nakaupo 3na nagniningning tulad ng mamahaling mga batong jasper at kornalina. At nakapaikot sa trono ang bahagharing kakulay ng batong esmeralda. 4Nakapaligid sa trono ang 24 pang trono kung saan nakaupo ang 24 na namumuno na nakaputi at may mga koronang ginto. 5Mula sa tronoʼy kumikidlat, kumukulog at may umuugong. Sa harap ng tronoʼy may pitong nakasinding ilawan. Ito ang pitong Espiritu ng Dios.4:5 pitong Espiritu ng Dios: Tingnan ang “footnote” sa 1:4-5. 6Sa harap ng trono ay mayroon ding parang dagat na salamin na kasinglinaw ng kristal.

Nakapaligid sa trono ang apat na buhay na nilalang na punong-puno ng mga mata sa harap at likod. 7Ang unang nilalang ay parang leon, ang pangalawa ay parang guya,4:7 guya: sa Ingles, “calf.” ang pangatlo ay may mukha na parang tao, at ang pang-apat ay parang agilang lumilipad. 8Tig-aanim ang mga pakpak nila at punong-puno ng mata ang buong katawan. Araw-gabi ay wala silang tigil sa pagsasabi ng:

“Banal! Banal! Banal ang Panginoong Dios nating makapangyarihan sa lahat.

Siya ang Dios noon, ngayon, at sa hinaharap.”

9Habang nagbibigay sila ng parangal, papuri at pasasalamat sa nakaupo sa trono na nabubuhay magpakailanman, 10lumuluhod at sumasamba sa kanya ang 24 na namumuno. Iniaalay nila ang mga korona nila sa harap ng trono, at sinasabi,

11“Karapat-dapat po kayo Panginoon naming Dios na tumanggap ng parangal, papuri at kapangyarihan,

dahil kayo ang lumikha sa lahat ng bagay.

At ginawa ninyo ang mga ito ayon sa inyong kagustuhan.”

Persian Contemporary Bible

مکاشفه 4:1-11

رؤيای آسمان

1سپس، همانطور كه نگاه می‌كردم، ديدم كه در آسمان دروازه‌ای گشوده شد. آنگاه همان آوايی كه قبلاً نيز شنيده بودم، به گوش رسيد؛ آن آوا كه همچون صدای شيپوری نيرومند بود، به من گفت: «بالا بيا تا وقايع آينده را به تو نشان دهم.»

2‏-3ناگهان روح خدا مرا فرو گرفت و من خود را در آسمان ديدم. وه كه چه باشكوه بود! تختی ديدم؛ كسی بر آن نشسته بود كه همچون سنگهای قيمتی يشم و عقيق می‌درخشيد. گرداگرد تخت او را رنگين كمانی تابان چون زمرد، فرا گرفته بود. 4دور آن تخت، بيست و چهار تخت كوچكتر قرار داشت؛ بر آنها بيست و چهار رهبر روحانی نشسته بودند كه همه لباسی سفيد بر تن و تاجی از طلا بر سر داشتند. 5از آن تخت بزرگ، رعد و برق برمی‌خاست و غرش رعد طنين‌افكن بود. در مقابل آن تخت، هفت چراغ نيز روشن بود. اين هفت چراغ همان روح هفتگانهٔ خدا هستند. 6در برابر تخت، دريايی از بلور درخشان به چشم می‌خورد. چهار موجود زنده نيز در چهار گوشهٔ تخت ايستاده بودند كه در جلو و پشت سر خود، چشم داشتند. 7نخستين موجود زنده، به شكل شير بود؛ دومی شبيه گاو، سومی به صورت انسان و چهارمی به شكل عقابی در حال پرواز بود. 8هر يک از اين موجودات زنده، شش بال داشت، و ميان بالهايش پر از چشم بود. ايشان شبانه روز، بدون وقفه نام خدا را ذكر نموده، می‌گفتند: «قدوس، قدوس، قدوس است خداوند خدای قادر مطلق كه بود و هست و می‌آيد!»

9هنگامی كه اين موجودات زنده به آنكه بر تخت نشسته بود و تا ابد زنده است، جلال و حرمت و سپاس فرستادند، 10آن بيست و چهار رهبر نزد او سجده نمودند و او را كه تا ابد زنده است، پرستش كردند، و تاجهای خود را پيش تخت او انداخته، 11اين سرود را خواندند: «خداوندا، جلال و حرمت و قدرت، برازندهٔ توست؛ زيرا تو آفرينندهٔ تمام موجودات هستی و همه چيز به ارادهٔ تو بوجود آمد.»