Tagalog Contemporary Bible

Genesis 1:1-31

Ang Paglikha

1Nang pasimula, nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. 2Ang mundo noon ay wala pang anyo at wala pang laman. Ang tubig na bumabalot sa mundo ay balot ng kadiliman. At ang Espiritu ng Dios1:2 Espiritu ng Dios: o, kapangyarihan ng Dios; o, hanging mula sa Dios; o, malakas na hangin. ay kumikilos sa ibabaw ng mga tubig. 3Sinabi ng Dios, “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga ng liwanag. 4Nasiyahan ang Dios sa liwanag na nakita niya. Pagkatapos, inihiwalay niya ang liwanag sa kadiliman. 5Tinawag niyang “araw” ang liwanag, at “gabi” naman ang kadiliman. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang unang araw.

6Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng pagitan na maghihiwalay sa tubig sa dalawang bahagi.” 7At nagkaroon nga ng pagitan na naghihiwalay sa tubig sa itaas at sa tubig sa ibaba. 8Ang pagitang itoʼy tinawag ng Dios na “kalawakan.” Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikalawang araw.

9Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magsama sa isang lugar ang tubig sa mundo para lumitaw ang tuyong bahagi.” At iyon nga ang nangyari. 10Tinawag niyang “lupa” ang tuyong lugar, at “dagat” naman ang nagsamang tubig. Nasiyahan ang Dios sa nakita niya.

11Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magsitubo sa lupa ang lahat ng uri ng halaman, ang mga tanim na nagbubunga ng butil, at ang mga punongkahoy na namumunga ayon sa kani-kanilang uri.” At iyon nga ang nangyari. 12Tumubo sa lupa ang lahat ng uri ng halaman, ang mga tanim na nagbubunga ng butil, at ang mga punongkahoy na namumunga ayon sa kani-kanilang uri. Nasiyahan ang Dios sa nakita niya. 13Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikatlong araw.

14Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng mga ilaw sa kalangitan para ihiwalay ang araw sa gabi, at magsilbing palatandaan ng pagsisimula ng mga panahon,1:14 mga panahon: Ang mga panahon ng kapistahan, pagtatanim, pag-aani, at iba pang mahahalagang araw. araw at taon. 15Magningning ang mga ito sa kalangitan para magbigay-liwanag sa mundo.” At iyon nga ang nangyari. 16Nilikha ng Dios ang dalawang malaking ilaw: ang pinakamalaki ay magliliwanag kung araw, at ang mas malaki ay magliliwanag kung gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin. 17-18Inilagay ng Dios ang mga ito sa kalangitan para magbigay-liwanag sa mundo kung araw at gabi, at para ihiwalay ang liwanag sa dilim. At nasiyahan ang Dios sa nakita niya. 19Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikaapat na araw.

20Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng ibaʼt ibang hayop sa tubig at magsilipad ang ibaʼt ibang hayop1:20 ibaʼt ibang hayop: Ang salitang Hebreo nito ay nangangahulugang ibon, mga insektong lumilipad, at ng iba pang uri ng mga hayop na lumilipad. sa himpapawid.” 21Kaya nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang lahat ng uri ng hayop na nakatira sa tubig, at ang lahat ng uri ng hayop na lumilipad. Nasiyahan ang Dios sa nakita niya. 22At binasbasan niya ang mga ito. Sinabi niya, “Magpakarami kayo, kayong mga hayop sa tubig at mga hayop na lumilipad.” 23Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikalimang araw.

24Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng ibaʼt ibang uri ng hayop sa lupa: mga hayop na maamo at mailap, malalaki at maliliit.” At iyon nga ang nangyari. 25Nilikha ng Dios ang lahat ng ito at nasiyahan siya sa nakita niya.

26Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Likhain natin ang tao ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa lahat ng uri ng hayop: mga lumalangoy, lumilipad, lumalakad at gumagapang.” 27Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya. 28Binasbasan niya sila at sinabi, “Magpakarami kayo para mangalat ang mga lahi ninyo at mamahala sa buong mundo. At pamahalaan ninyo ang lahat ng hayop.”

29Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Ibinibigay ko sa inyo ang mga tanim na namumunga ng butil pati ang mga punongkahoy na namumunga para inyong kainin. 30At ibinibigay ko sa lahat ng hayop ang lahat ng luntiang halaman bilang pagkain nila.” At iyon nga ang nangyari. 31Pinagmasdan ng Dios ang lahat niyang nilikha at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikaanim na araw.

Persian Contemporary Bible

پيدايش 1:1-31

داستان آفرينش

1در آغاز، هنگامی كه خدا آسمانها و زمين را آفريد، 2زمين، خالی و بی‌شكل بود، و روح خدا روی توده‌های تاريکِ بخار حركت می‌كرد. 3خدا فرمود: «روشنايی بشود.» و روشنايی شد. 4خدا روشنايی را پسنديد و آن را از تاريكی جدا ساخت. 5او روشنايی را «روز» و تاريكی را «شب» ناميد. شب گذشت و صبح شد. اين، روز اول بود.

6سپس خدا فرمود: «توده‌های بخار از هم جدا شوند تا آسمان در بالا و اقيانوسها در پايين تشكيل گردند.» 7‏-8خدا توده‌های بخار را از آبهای پايين جدا كرد و آسمان را به وجود آورد. شب گذشت و صبح شد. اين، روز دوم بود.

9‏-10پس از آن خدا فرمود: «آبهای زير آسمان در يكجا جمع شوند تا خشكی پديد آيد.» و چنين شد. خدا خشكی را «زمين» و اجتماع آبها را «دريا» ناميد و خدا اين را پسنديد. 11‏-12سپس خدا فرمود: «انواع نباتات و گياهان دانه‌دار و درختان ميوه‌دار در زمين برويند و هر يک، نوع خود را توليد كنند.» همينطور شد و خدا خشنود گرديد. 13شب گذشت و صبح شد. اين، روز سوم بود.

14‏-15سپس خدا فرمود: «در آسمان اجسام درخشانی باشند تا زمين را روشن كنند و روز را از شب جدا نمايند و روزها، فصلها و سالها را پديد آورند.» و چنين شد. 16پس خدا دو روشنايی بزرگ ساخت تا بر زمين بتابند: روشنايی بزرگتر برای حكومت بر روز و روشنايی كوچكتر برای حكومت بر شب. او همچنين ستارگان را ساخت. 17خدا آنها را در آسمان قرار داد تا زمين را روشن سازند، 18بر روز و شب حكومت كنند، و روشنايی و تاريكی را از هم جدا نمايند. و خدا خشنود شد. 19شب گذشت و صبح شد. اين، روز چهارم بود.

20سپس خدا فرمود: «آبها از موجودات زنده پر شوند و پرندگان بر فراز آسمان به پرواز درآيند.» 21‏-22پس خدا حيوانات بزرگ دريايی و انواع جانوران آبزی و انواع پرندگان را آفريد. خدا از اين نيز خشنود شد و آنها را بركت داده، فرمود: «موجودات دريايی بارور و زياد شوند و آبها را پُر سازند و پرندگان نيز روی زمين زياد شوند.» 23شب گذشت و صبح شد. اين، روز پنجم بود.

24سپس خدا فرمود: «زمين، انواع جانوران و حيوانات اهلی و وحشی و خزندگان را به وجود آوَرَد.» و چنين شد. 25خدا انواع حيوانات اهلی و وحشی و تمام خزندگان را به وجود آورد، و از كار خود خشنود گرديد.

26سرانجام خدا فرمود: «انسان را شبيه خود بسازيم، تا بر حيوانات زمين و ماهيان دريا و پرندگان آسمان فرمانروايی كند.» 27پس خدا انسان را شبيه خود آفريد. او انسان را زن و مرد خلق كرد 28و ايشان را بركت داده، فرمود: «بارور و زياد شويد، زمين را پُر سازيد، بر آن تسلط يابيد، و بر ماهيان دريا و پرندگان آسمان و همهٔ حيوانات فرمانروايی كنيد. 29تمام گياهان دانه‌دار و ميوه‌های درختان را برای خوراک به شما دادم، 30و همهٔ علفهای سبز را به حيوانات و پرندگان و خزندگان بخشيدم.»

31آنگاه خدا به آنچه آفريده بود نظر كرد و كار آفرينش را از هر لحاظ عالی ديد. شب گذشت و صبح شد. اين، روز ششم بود.