Jonas 3 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Jonas 3:1-10

Pumunta si Jonas sa Nineve

1Muling nagsalita ang Panginoon kay Jonas. 2Sinabi niya, “Pumunta ka agad sa Nineve, ang malaking lungsod, at sabihin mo sa mga taga-roon ang ipinapasabi ko sa iyo.” 3Pumunta agad si Jonas sa Nineve ayon sa sinabi ng Panginoon. Malaking lungsod ang Nineve; aabutin ng tatlong araw kung ito ay lalakarin.

4Pumasok si Jonas sa Nineve. Pagkatapos ng maghapong paglalakad, sinabi niya sa mga taga-roon, “May 40 araw na lamang ang natitira at wawasakin na ang Nineve.”

5Naniwala ang mga taga-roon sa pahayag na ito mula sa Dios. Kaya lahat sila, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakaaba ay nagsuot ng damit na panluksa3:5 damit na panluksa: sa Hebreo, sakong damit. Ganito rin sa talatang 6 at 8. at nag-ayuno upang ipakita ang kanilang pagsisisi. 6Sapagkat nang mapakinggan ng hari ang mensahe ni Jonas, tumayo siya mula sa kanyang trono, inalis ang kanyang balabal, nagsuot ng damit na panluksa at naupo sa lupa upang ipakita ang kanyang pagsisisi. 7At nagpalabas siya ng isang proklamasyon sa Nineve na nagsasabi, “Ayon sa utos ng hari at ng kanyang mga pinuno, walang sinumang kakain at iinom, kahit ang inyong mga baka, tupa o kambing. 8Magsuot kayong lahat ng damit na panluksa pati na ang inyong mga hayop, at taimtim na manalangin sa Dios. Talikdan ninyo ang masamang pamumuhay at pagmamalupit. 9Baka sakaling magbago ang isip ng Dios at mawala ang kanyang galit sa atin at hindi na niya tayo lipulin.”

10Nakita ng Dios ang kanilang ginawa, kung paano nila tinalikuran ang kanilang masamang pamumuhay. Kaya nagbago ang kanyang isip, at hindi na niya nilipol ang mga taga-Nineve gaya ng kanyang sinabi noon.

Persian Contemporary Bible

يونس 3:1-10

يونس در نينوا

1آنگاه خداوند بار ديگر به يونس فرمود: 2«به شهر بزرگ نينوا برو و همانطور كه به تو گفتم، به آنها هشدار بده كه سرنوشت شومی در انتظار آنهاست!»

3يونس اطاعت كرده، به نينوا رفت. نينوا شهر بسيار بزرگی بود به طوری كه سه روز طول می‌كشيد تا كسی سراسر آن را بپيمايد. 4يونس وارد شهر شد و پس از طی يک روز راه شروع به موعظه كرده، گفت: «بعد از چهل روز نينوا ويران خواهد شد!» 5اهالی شهر حرفهايش را باور كرده، به همه اعلان كردند كه روزه بگيرند؛ و همه، از بزرگ تا كوچک، پلاس پوشيدند.

6هنگامی كه پادشاه نينوا شنيد كه يونس چه گفته است از تخت خود پايين آمده، لباس شاهانه را از تن درآورد و پلاس پوشيده، در خاكستر نشست. 7پادشاه و بزرگان دربار او اين پيغام را به سراسر شهر فرستادند: «نه مردم و نه حيوانات، هيچكدام نبايد چيزی بخورند و حتی آب بنوشند. 8همهٔ مردم بايد پلاس پوشيده، به درگاه خداوند التماس كنند و از راههای بد خود بازگشت نموده، از اعمال زشت خود دست بكشند. 9كسی چه می‌داند، شايد خداوند از خشم خود برگردد و بر ما ترحم كرده، ما را از بين نبرد.»

10وقتی خدا ديد آنها از راههای بد خود دست كشيده‌اند بر آنها ترحم كرده، بلايی را كه گفته بود بر ايشان نفرستاد.