Tagalog Contemporary Bible

Micas 1:1-16

1Ito ang mensahe ng Panginoon tungkol sa Samaria at Jerusalem.1:1 sa Samaria at Jerusalem: Ang Samaria ay kabisera ng Israel at kumakatawan sa buong kaharian ng Israel. Ang Jerusalem ay kabisera ng Juda at kumakatawan sa buong kaharian ng Juda. Ipinahayag niya ito kay Micas na taga-Moreshet noong magkakasunod na naghari sa Juda sina Jotam, Ahaz at Hezekia.

Sinabi ni Micas: 2Makinig kayong mabuti, lahat kayong mga mamamayan sa buong mundo.1:2 mga mamamayan sa buong mundo: o, mga Israelita na nasa Israel. Sapagkat sasaksi ang Panginoong Dios laban sa inyo mula sa kanyang banal na templo.1:2 banal na templo: Maaaring ang kanyang templo sa Jerusalem o ang kanyang tahanan sa langit.

Parurusahan ang Israel at Juda

3Makinig kayo! Lalabas ang Panginoon mula sa kanyang tahanan. Bababa siya at lalakad sa matataas na bahagi ng mundo. 4Ang mga bundok na kanyang malalakaran ay matutunaw na parang mga kandila na nadikit sa apoy, at magiging lubak-lubak ang mga patag na kanyang malalakaran na parang dinaanan ng tubig na umagos mula sa matarik na lugar. 5Mangyayari ang lahat ng ito dahil sa mga kasalanan ng mga mamamayan ng Israel at Juda.1:5 Israel at Juda: sa Hebreo, Jacob at Israel. Ang mga taga-Samaria ang nag-udyok sa ibang mga mamamayan ng Israel para magkasala. At ang mga taga-Jerusalem naman ang nag-udyok sa ibang mga mamamayan ng Juda para sumamba sa mga dios-diosan. 6Kaya sinabi ng Panginoon, “Gigibain ko ang Samaria at tataniman na lang ito ng mga ubas. Pagugulungin ko ang mga bato nito papunta sa kapatagan hanggang sa makita ang mga pundasyon nito. 7Madudurog ang lahat ng imahen ng dios-diosan ng Samaria, at masusunog ang lahat ng ibinayad ng mga lalaki sa kanilang pakikipagtalik sa mga babaeng bayaran sa templo.1:7 ibinayad … templo: Sa templong ito, nakikipagtalik ang mga lalaki sa mga babaeng bayaran bilang bahagi ng kanilang pagsamba sa mga dios-diosan. Ang bayad sa mga babae ay ginagamit sa mga gawain sa templo. Nakapagtipon ng mga imahen ang Samaria sa pamamagitan ng mga ibinayad sa mga babaeng bayaran sa templo, kaya kukunin ng kanyang mga kalaban ang mga pilak at ginto na binalot sa mga imahen para gamitin din ng kanyang mga kalaban na pambayad sa mga babaeng bayaran sa kanilang templo.”

8Sinabi pa ni Micas: Dahil sa pagkawasak ng Samaria, iiyak ako at magdadalamhati. Maglalakad ako nang nakapaa at nakahubad para ipakita ang aking kalungkutan. Iiyak ako nang malakas na parang asong-gubat1:8 asong-gubat: sa Ingles, “jackal.” at tulad ng paghuni ng kuwago. 9Sapagkat ang pagkagiba ng Samaria ay parang sugat na hindi na gagaling, at mangyayari rin ito sa Juda hanggang sa Jerusalem na siyang kabisera na lungsod1:9 kabisera na lungsod: sa literal, pintuan. ng aking mga kababayan.

10Mga taga-Juda, huwag ninyong ibalita sa ating mga kalaban na mga taga-Gat ang tungkol sa darating na kapahamakan sa atin. Huwag ninyong ipapakita na umiiyak kayo. Doon ninyo ipakita sa bayan ng Bet Leafra1:10 Bet Leafra: Ang lugar na ito at ang iba pang lugar na nabanggit sa talatang 11-15 ay maaaring sakop ng Juda. ang inyong kalungkutan sa pamamagitan ng paggulong sa lupa.

11Mga mamamayan ng Shafir, bibihagin kayo at dadalhing nakahubad, kaya mapapahiya kayo. Ang mga mamamayan ng Zaanan ay matatakot lumabas sa kanilang bayan para tulungan kayo. Ang mga taga-Bet Ezel ay hindi rin makakatulong sa inyo dahil sila rin ay umiiyak sa kapahamakang dumating sa kanila. 12Ang totoo, ang mga taga-Marot ay matiyagang naghihintay sa pagtigil ng digmaan. Pero mabibigo sila dahil niloob ng Panginoon na makarating ang mga kalaban sa pintuan ng Jerusalem.

13Mga mamamayan ng Lakish, isingkaw ninyo ang mga kabayo sa karwahe at tumakas kayo. Ginaya ninyo ang kasalanang ginawa ng mga taga-Israel, at dahil sa inyoʼy nagkasala rin ang mga taga-Zion.

14Kayong mga taga-Juda, magpaalam na kayo1:14 magpaalam na kayo: sa literal, magbigay kayo ng regalo bilang pamamaalam. sa bayan ng Moreshet Gat dahil sasakupin na rin iyan ng mga kalaban. Sasakupin din ang bayan1:14 bayan: sa literal, bahay. ng Aczib, kaya wala nang maaasahang tulong ang inyong mga hari mula sa bayang iyon.

15Kayong mga mamamayan ng Maresha, padadalhan kayo ng Panginoon1:15 Panginoon: sa Hebreo, ko. ng kalaban na sasakop sa inyo.

Mga taga-Juda,1:15 Juda: sa Hebreo, Israel. Maaaring ang ibig sabihin nito ay ang bansa ng Juda. ang inyong mga pinuno ay magtatago sa kweba ng Adulam. 16Kukunin sa inyo ang pinakamamahal ninyong mga anak1:16 mga anak: Maaari ring ang tinutukoy nito ay ang mga bayan ng Juda na nabanggit sa talatang 11-15. at dadalhin sa ibang bayan, kaya magluluksa kayo para sa kanila at ipapakita ninyo ang inyong kalungkutan sa pamamagitan ng pagpapakalbo na parang ulo ng agila.1:16 agila: o, buwitre.

Persian Contemporary Bible

ميكاه 1:1-16

1در دوران سلطنت يوتام و آحاز و حزقيا، پادشاهان يهودا، خداوند اين پيام را دربارهٔ اورشليم و سامره، به صورت رؤيا به ميكاه مورشتی داد.

مجازات سامره و اورشليم

2ای تمام قومها بشنويد! ای همهٔ ساكنان زمين گوش دهيد! خداوند از خانه مقدس خود بر ضد شما شهادت می‌دهد.

3اينک خداوند تخت فرمانروايی خود را در آسمان ترک نموده و از فراز كوهها به زمين می‌آيد. 4كوهها در زير پاهايش مثل موم آب می‌شوند و مانند سيل از بلنديها به دره سرازير می‌گردند.

5تمام اينها به سبب گناهان مردم اسرائيل و يهودا اتفاق می‌افتد. بت‌پرستی و ظلم سامره و اورشليم را كه پايتختهای اسرائيل و يهودا هستند، پر ساخته است.

6خداوند می‌فرمايد: «شهر سامره را به صورت توده‌ای از خاک درمی‌آورم؛ آن را چنان شيار می‌كنم كه بتوان برای كشت انگور از آن استفاده كرد. حصار و قلعه‌های آن را خراب نموده، سنگهايش را به دره می‌ريزم تا بنيادش نمايان شود. 7تمام بتهايش خرد خواهند شد و بتكده‌های آراستهٔ آن كه از هدايای بت‌پرستان ساخته شده به آتش كشيده خواهند شد.»

گريه و ماتم

8من گريه می‌كنم و ماتم می‌گيرم، مثل شغال زوزه می‌كشم و مانند جغد شيون می‌كنم. از غصه و سرافكندگی با پای برهنه و تن عريان راه می‌روم، 9چون زخم قوم من عميقتر از آنست كه شفا يابد. خداوند نزديک دروازه‌های اورشليم آماده ايستاده است تا قوم مرا مجازات كند.

10اين را به شهر جت1‏:10 در اصل عبری در آيات 10‏ الی 15 بازی با کلمات ديده می‌شود، و بين اسم هر شهر و مطلبی که در مورد آن شهر آمده رابطه‌ای وجود دارد: «جت» به معنی «گفتن» است، «بيت‌عفره» به معنی «خانهٔ خاک»، «شافير» به معنی «زيبا»، «صعنان» به معنی «بيرون آمدن»، «بيت‌ايصل» به معنی «خانهٔ پهلويی»، «ماروت» به معنی «تلخی»، «لاکيش» به معنی «گروه (اسبان)»، «مورشت جت» به معنی «عروس جت»، «اکزیب» به معنی «فريب»، «مريشه» به معنی «مسلط».‏ نگوييد و مگذاريد اهالی آنجا گريهٔ شما را بشنوند! ای ساكنان بيت‌عفره از شدت درد و شرمندگی در خاک بغلتيد! 11مردم شافير عريان و سرافكنده به اسارت برده می‌شوند. اهالی صعنان جرأت نمی‌كنند از خانه‌هايشان بيرون بيايند. وقتی صدای ماتم مردم بيت‌ايصل را بشنويد، بدانيد كه در آنجا پناهگاهی نيست. 12ساكنان ماروت بی‌جهت در انتظار روزهای بهتری هستند، چون خداوند بر ضد اورشليم برخاسته و تلخی و مرارت در انتظار ايشان است.

13ای مردم لاكيش بشتابيد! بر سريعترين عرابه‌های خود سوار شده، فرار كنيد، چون شما اولين شهر يهودا بوديد كه گناه بت‌پرستی اسرائيل را دنبال كرديد و برای ساير شهرها سرمشق شديد.

14ای مردم يهودا، با شهر مورشت جت خداحافظی كنيد، زيرا اميدی برای نجات آن نيست. شهر اكزيب پادشاهان اسرائيل را فريفته است. 15ای مردم مريشه، دشمنانتان بر شما مسلط خواهند شد و بزرگان اسرائيل به غار عدولام پناه خواهند برد.

16برای بچه‌های خود گريه كنيد، چون آنها را از آغوشتان خواهند ربود و ديگر هرگز آنها را نخواهيد ديد. از غصه سرهای خود را بتراشيد، زيرا فرزندان عزيزتان را به سرزمينهای دور دست به اسارت خواهند برد.