Jonas 2 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Jonas 2:1-10

Nanalangin si Jonas

1Nanalangin si Jonas sa Panginoon na kanyang Dios sa loob ng tiyan ng isda. 2Sinabi niya,

Panginoon, sa paghihirap ng aking kalooban at kalagayan humingi po ako ng tulong sa inyo,

at sinagot nʼyo ako.

Sa bingit ng kamatayan,2:2 bingit ng kamatayan: sa literal, sa kailaliman ng lugar ng mga patay. humingi ako ng tulong sa inyo,

at pinakinggan nʼyo ako.

3Inihagis nʼyo ako sa pusod ng dagat.

Napalibutan ako ng tubig at natabunan ng mga alon na ipinadala ninyo.

4Pinalayas nʼyo ako sa inyong presensya,

pero umaasa pa rin akong makakalapit muli ako sa inyo roon sa inyong banal na templo.

5Lumubog po ako sa tubig at halos malunod.

Natabunan ako ng tubig at ang ulo ko ay napuluputan ng mga halamang-dagat.

6Lumubog ako hanggang sa pinakailalim ng dagat,

at parang ikinulong sa kailaliman ng lupa magpakailanman.

Pero kinuha nʼyo ako sa kailalimang iyon, O Panginoon kong Dios.

7Nang parang mamamatay na ako,2:7 Nang parang mamamatay na ako: o, Noong pagod na pagod na ako; o, Noong nawalan na ako ng pag-asa. tumawag ako sa inyo, Panginoon,

at pinakinggan nʼyo ang dalangin ko roon sa inyong banal na templo.

8Ang mga taong sumasamba sa mga walang kwentang dios-diosan ay hindi na tapat sa inyo.

9Pero maghahandog ako sa inyo nang may awit ng pasasalamat.

Tutuparin ko ang pangako ko na maghahandog sa inyo.

Kayo po, Panginoon, ang nagliligtas.”

10Kaya inutusan ng Panginoon ang isda, at iniluwa nito si Jonas sa dalampasigan.

Persian Contemporary Bible

يونس 2:1-10

دعای يونس

1آنگاه يونس از شكم ماهی نزد خداوند، خدای خود دعا كرده گفت:

2«به هنگام سختی، خداوند را خواندم و او مرا اجابت فرمود. از عالم مرگ فرياد برآوردم و تو ای خداوند، به داد من رسيدی! 3مرا به اعماق دريا انداختی. در سيلابها غرق شدم و امواج خروشانت مرا پوشانيد. 4به خود گفتم كه مرا از نظر خود دور انداخته‌ای و ديگر نمی‌توانم خانهٔ مقدست را ببينم.

5«در امواج دريا فرو رفتم. مرگ بسيار نزديک بود. آبها مرا احاطه كردند و علفهای دريا دور سرم پيچيدند. 6تا عمق كوهها فرو رفتم. درهای زندگی به رويم بسته شد و در ديار مرگ زندانی شدم. ولی ای خداوند، خدای من، تو مرا از چنگال مرگ رهانيدی!

7«وقتی كه تمام اميد خود را از دست داده بودم، بار ديگر تو را ای خداوند به ياد آوردم و دعای قلب من در خانهٔ مقدست به حضور تو رسيد.

8«كسانی كه بتهای باطل را می‌پرستند از پيروی تو برگشته‌اند، 9ولی من با سرودهای تشكر برای تو قربانی خواهم كرد و نذر خود را به تو ادا خواهم نمود. نجات فقط از جانب خداوند است.»

10آنگاه خداوند به ماهی امر فرمود كه يونس را از دهان خود به ساحل بيفکند و ماهی چنين كرد.