傳道書 2 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

傳道書 2:1-26

1我心裡想:「來吧,不如盡情享樂,好好享受!」唉!結果這也是虛空。 2我說:「歡笑只不過是一陣狂妄,享樂又有什麼用!」 3於是,我決意用酒使自己快樂,在體驗愚昧的同時仍然保持理智,直到我明白在短暫的人生歲月中做何事才有益。 4我大動工程,為自己建造房屋,栽種葡萄園, 5開墾花圃園囿,種植各種果樹, 6開鑿池塘,澆灌茂林。 7我買了僕婢,又有生在家中的僕婢,擁有的牛羊遠超過有史以來耶路撒冷的任何人。 8我為自己積聚金銀,搜羅列王和各省的奇珍異寶,得到男女歌優及許多妃嬪——都是世人所想望的。 9這樣,我便財勢日增,享譽盛名,超過耶路撒冷歷來所有的人。然而,我仍然保持智慧。 10凡我眼睛愛看的、心裡渴慕的,我都隨心所欲,盡情享受。我的心從勞碌中得到歡樂,這是我勞碌所得的回報。 11然而,當我回顧雙手辛勤經營的一切成就時,唉,卻發現都是虛空,都是捕風;日光之下的一切都毫無益處。 12於是,我轉念思考什麼是智慧、狂妄和愚昧。其實以後接替君王的人除了重演歷史之外,還能做什麼呢? 13我領悟到智慧勝過愚昧,如同光明勝過黑暗。 14智者高瞻遠矚,愚人卻在黑暗中摸索。但我知道兩者終必有同樣的命運。 15於是,我想:「既然愚人的命運也將是我的命運,我有智慧又怎麼樣呢?我只能說,『這也是虛空。』」 16因為智者和愚人一樣,不過被人記得一時,日後都會被遺忘。兩者都難逃死亡。 17所以,我憎惡生命,因為在日光之下所做的一切都令我愁煩。唉!這一切都是虛空,都是捕風。 18我憎惡自己在日光之下勞碌得來的一切,因為這些必留給後人。 19誰知道那人是智者還是愚人呢?然而,他卻要接管我在日光之下用智慧辛勤經營的產業。這也是虛空。 20因此,我對自己在日光之下一切的勞碌感到絕望。 21一個人用智慧、知識和技能所得來的一切,卻要留給不勞而獲的人享用,這也是虛空,是極大的不幸! 22世人在日光之下勞心勞力,究竟得到什麼呢? 23他們一生充滿痛苦,勞碌中盡是愁煩,即使夜間心裡也不安寧。這也是虛空。 24對人而言,沒有什麼比吃喝並享受勞碌之樂更好,我看這也是出自上帝的手。 25離了上帝,誰還能吃喝享受呢? 26上帝把智慧、知識和喜樂賜給祂喜悅的人,卻讓罪人忙於積攢財富,然後把他們的財富賜給祂喜悅的人。這也是虛空,也是捕風。

Tagalog Contemporary Bible

Mangangaral 2:1-26

Ang Kasayahan ay Walang Kabuluhan

1Sinubukan kong magpakasaya sa mga layaw ng buhay. Pero nakita kong wala rin itong kabuluhan. 2Kamangmangan ang sobrang pagtawa at ang pagpapakasaya ay wala ring kabuluhan. 3Sinubukan kong magpakasaya sa pag-inom ng alak. Kahit na marunong ako, sinubukan kong gumawa ng kamangmangan. Naisip ko lang na baka iyon ang pinakamabuting gawin ng tao sa maikling buhay niya dito sa mundo.

4Gumawa ako ng mga dakilang bagay: Nagpagawa ako ng mga bahay at nagtanim ng mga ubas. 5Nagpagawa ako ng mga taniman at pinataniman ko ito ng sari-saring puno na namumunga. 6Nagpagawa ako ng mga imbakan ng tubig para patubigan ang mga pananim. 7Bumili ako ng mga lalaki at babaeng alipin, at may mga alipin din ako na ipinanganak sa aking bahay. At ako ang may pinakamaraming kawan ng hayop sa lahat ng naging mamamayan ng Jerusalem. 8Nakaipon ako ng napakaraming ginto, pilak at iba pang mga kayamanang galing sa mga hari at mga lugar na aking nasasakupan. Marami akong mang-aawit, lalaki man o babae at marami rin akong mga asawa2:8 mga asawa: Hindi malinaw ang ibig sabihin nito sa Hebreo. – ang kaligayahan ng isang lalaki. 9Ako ang pinakamayaman at pinakamarunong na taong nabuhay sa buong Jerusalem.

10Nakukuha ko ang lahat ng magustuhan ko. Ginawa ko ang lahat ng inakala kong makapagpapaligaya sa akin. Nasiyahan ako sa lahat ng pinaghirapan ko. Ito ang gantimpala sa lahat ng pagsusumikap ko. 11Pero nang isipin kong mabuti ang lahat ng ginawa at pinaghirapan ko, naisip ko na walang kabuluhan ang lahat ng pinagsikapan ko rito sa mundo. 12Ano pa ba ang magagawa ng susunod na hari? Ano pa nga ba, kundi iyong nagawa na rin noong una.

Ang Karunungan at Kamangmangan ay Walang Kabuluhan

Sinubukan ko ring ihambing ang karunungan at ang kamangmangan. 13At nakita kong mas mabuti ang karunungan kaysa sa kamangmangan, gaya ng liwanag na mas mabuti kaysa sa kadiliman. 14Alam ng marunong ang patutunguhan niya, ngunit ang hangal ay lumalakad sa kadiliman. Pero nalaman ko ring pareho lang silang mamamatay. 15Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang sinapit ng mangmang ay sasapitin ko rin. Kaya anong kabutihan ang mapapala ng pagiging marunong ko? Wala talaga itong kabuluhan!” 16Lahat tayo, marunong man o mangmang ay pare-parehong mamamatay at makakalimutan.

Walang Kabuluhan ang Pagsusumikap

17Kaya kinamuhian ko ang buhay, dahil kahirapan ang dulot ng lahat ng ginagawa rito sa mundo. Ang lahat ng ito ay walang kabuluhan, para ka lang humahabol sa hangin. 18Kinaiinisan ko ang lahat ng pinaghirapan ko dito sa mundo, dahil maiiwan ko lang ang mga ito sa susunod sa akin. 19At sino ang nakakaalam kung marunong siya o mangmang? Maging ano man siya, siya pa rin ang magmamay-ari ng lahat ng pinaghirapan ko ng buong lakas at karunungan. Wala rin itong kabuluhan! 20Kaya nanghinayang ako sa lahat ng pinaghirapan ko rito sa mundo. 21Dahil kahit magsikap ka gamit ang buo mong talino, isip at kakayahan, iiwan mo rin ang lahat ng pinaghirapan mo sa taong hindi naghirap para sa mga bagay na ito. Ito man ay wala ring kabuluhan at hindi makatarungan. 22Kaya ano ang makukuha ng tao sa lahat ng pagsusumikap niya rito sa mundo? 23Lahat ng pinagsumikapan niya sa buong buhay niyaʼy makapagpapasama lang ng kanyang kalooban. Kaya kahit sa gabi ay hindi siya makatulog. Wala rin itong kabuluhan!

24Ang pinakamagandang gawin ng tao ay kumain, uminom at pakinabangan ang mga pinaghirapan niya. Nalaman ko na galing ito sa Dios, 25dahil paano natin makakain at mapapakinabangan ang mga pinaghirapan natin kung hindi ito ibibigay ng Dios? 26Dahil ang taong nagbibigay-lugod sa Dios ay binibigyan niya ng karunungan, kaalaman at kagalakan. At ang makasalanan ay binibigyan ng Dios ng trabaho upang mag-ipon ng kayamanan para ibigay sa taong nagbibigay-lugod sa Dios. Kaya lahat ng pagsisikap ng makasalanan ay walang kabuluhan. Para siyang humahabol sa hangin.