傳道書 3 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

傳道書 3:1-22

萬物有時

1天下萬物都有定期,

凡事都有定時。

2出生有時,死亡有時;

耕種有時,拔出有時;

3殺戮有時,醫治有時;

拆毀有時,建造有時;

4哭泣有時,歡笑有時;

哀傷有時,雀躍有時;

5拋石有時,堆石有時3·5 拋石有時,堆石有時」意義不明,有猶太拉比說是「同房有時,分房有時」。

擁抱有時,避開有時;

6尋找有時,遺失有時;

保存有時,丟棄有時;

7撕裂有時,縫合有時;

沉默有時,發言有時;

8愛慕有時,憎惡有時;

爭戰有時,和好有時。

9那麼,人勞碌做工有什麼益處呢? 10我察覺上帝給世人重擔,使他們忙碌不休。 11祂使萬事各按其時變得美好,又把永恆的意識放在人心裡,人卻不能測透上帝從始至終的作為。 12我認識到,人生在世沒有什麼比歡樂、享受更好。 13人人都該吃喝、享受自己勞苦的成果,這是上帝的恩賜。 14我知道,上帝所做的都會存到永遠,誰也不能增減。祂這樣安排是叫人敬畏祂。 15現在的事並不是新事,未來的事也早已發生過。上帝使過去的事再次出現。

世間的不公

16我又看到日光之下,即使在公道和正義之地也有邪惡。 17我心裡想:「不論義人或惡人,上帝必審判,因為萬事萬務都有受審之時。」 18我又想:「至於世人,上帝試驗他們,是要他們知道自己與獸類無異。 19因為人和獸的際遇並無分別,兩者都難逃一死,活著都靠一口氣。人並不比獸強,一切都是虛空。 20兩者都同歸一處,出於塵土,也歸於塵土。 21誰知道人的氣息3·21 氣息」或譯「靈」,本節同。會向上升,獸的氣息會降到地下呢?」 22因此,我覺得沒有什麼比人享受工作之樂更好,因為這是人當得的。人死後,誰能使他看到世間的事呢?

Tagalog Contemporary Bible

Mangangaral 3:1-22

May Kanya-kanyang Oras ang Lahat

1May oras na nakatakda para sa lahat ng gawain dito sa mundo:

2May oras ng pagsilang at may oras ng kamatayan;

may oras ng pagtatanim at may oras ng pag-aani.

3May oras ng pagpatay at may oras ng pagpapagaling;

may oras ng pagsira at may oras ng pagpapatayo.

4May oras ng pagluha at may oras ng pagtawa;

may oras ng pagluluksa at may oras ng pagdiriwang.

5May oras ng pagkakalat ng bato at may oras ng pagtitipon nito;

may oras ng pagsasama3:5 pagsasama: sa literal, pagyayakapan. at may oras ng paghihiwalay.

6May oras ng paghahanap at may oras ng paghinto ng paghahanap;

may oras ng pagtatago at may oras ng pagtatapon.

7May oras ng pagpunit at may oras ng pagtahi;

may oras ng pagtahimik at may oras ng pagsasalita.

8May oras ng pagmamahal at may oras ng pagkagalit;

may oras ng digmaan at may oras ng kapayapaan.

9Kung ang mga oras na ito ay itinakda na ng Dios, ano ngayon ang kabuluhan ng pagsisikap ng tao? 10Nakita ko ang mga gawaing itinakda ng Dios para sa tao. 11At lahat ng ito ay itinadhana ng Dios na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas. 12Naisip ko na walang pinakamabuting gawin ang tao kundi magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay. 13Gusto ng Dios na kumain tayo, uminom at magpakasaya sa mga pinaghirapan natin dahil ang mga bagay na itoʼy regalo niya sa atin. 14Alam kong ang lahat ng ginagawa ng Dios ay magpapatuloy magpakailanman at wala tayong maaaring idagdag o ibawas dito. Ginagawa ito ng Dios para magkaroon tayo ng paggalang sa kanya. 15Ang mga nangyayari ngayon at ang mga mangyayari pa lang ay nangyari na noon. Inuulit lang ng Dios ang mga pangyayari.

16Nakita ko rin na ang kasamaan ang naghahari rito sa mundo sa halip na katarungan at katuwiran. 17Sinabi ko sa sarili ko, “Hahatulan ng Dios ang matutuwid at masasamang tao, dahil may itinakda siyang oras sa lahat ng bagay. 18Sinusubok ng Dios ang mga tao para ipakita sa kanila na tulad sila ng mga hayop. 19Ang kapalaran ng tao ay tulad ng sa hayop; pareho silang mamamatay. Pareho silang may hininga, kaya walang inilamang ang tao sa hayop. Talagang walang kabuluhan ang lahat! 20Iisa lang ang patutunguhan ng lahat. Lahat ay nagmula sa lupa at sa lupa rin babalik. 21Sino ang nakakaalam kung ang espiritu ng taoʼy umaakyat sa itaas at ang espiritu ng hayop ay bumababa sa ilalim ng lupa?” 22Kaya naisip ko na ang pinakamabuting gawin ng tao ay magpakasaya sa pinaghirapan niya, dahil para sa kanya iyon. Walang sinumang makapagsasabi sa kanya kung ano ang mangyayari kapag siya ay namatay.