Mangangaral 6 – TCB & LCB

Tagalog Contemporary Bible

Mangangaral 6:1-12

1May nakita pa akong isang hindi magandang pangyayari rito sa mundo na nagpapahirap sa mga tao. 2May mga taong binibigyan ng Dios ng kanilang mga hinahangad tulad ng karangalan, ari-arian at kayamanan. Pero hindi niya hinahayaang pakinabangan nila ito, sa halip, ibang tao ang nakikinabang nito. Hindi ito maganda at walang kabuluhan. 3Masasabi kong mas mabuti pa ang isang sanggol na ipinanganak na patay kaysa sa taong nabuhay nga nang matagal at nagkaanak pa ng marami, pero hindi naman nagkaroon ng kasiyahan sa buhay at hindi nailibing nang maayos. 4Kahit walang saysay ang pagkakapanganak sa sanggol, at kahit na siya ay nasa lugar ng mga patay at hindi na maaalala pa, 5at kahit hindi siya nakakita ng liwanag ng araw o nalaman ang buhay, mas may kapayapaan pa siya kaysa sa taong iyon 6na walang kasiyahan sa mga magagandang bagay na kanyang natanggap at kahit na mabuhay pa ang taong iyon ng ilang libong taon. Ang totoo ay iisa ang hahantungan ng lahat.

7Nagtatrabaho ang tao para may makain, pero hindi pa rin siya nasisiyahan. 8Kaya ano ang lamang ng marunong sa mangmang? Ano ang mapapala ng mahirap kahit alam niya ang pasikot-sikot sa buhay? 9Wala itong kabuluhan! Para siyang humahabol sa hangin. Kaya mas mabuting masiyahan ka sa mga bagay na mayroon ka, kaysa sa maghangad ka nang maghangad ng mga bagay na wala sa iyo. 10Lahat ng pangyayari sa mundo at mangyayari sa isang taoʼy nakatakda na noon pa. Kaya walang saysay na makipagtalo pa tayo sa Dios na higit na makapangyarihan kaysa sa atin. 11At habang nakikipagtalo tayo, dadami lang ang sasabihin nating walang kabuluhan. Kaya ano ang pakinabang nito? 12Walang sinumang nakakaalam kung ano ang mabuti para sa isang taong maikli at walang kabuluhan ang buhay – lumilipas lang ito na parang anino. Sino ang makapagsasabi sa kanya kung ano ang mangyayari sa mundo pagkamatay niya?

Luganda Contemporary Bible

Omubuulizi 6:1-12

Obutaliimu bw’Obugagga n’Ettiibwatiibwa

1Waliwo ekibi ekirala kye ndabye wansi w’enjuba era kibuutikidde abantu. 26:2 a Zab 17:14; Mub 5:19 b Mub 5:13Katonda awa omuntu obugagga, n’amuwa ebintu ebingi awamu n’ekitiibwa, na buli mutima gwe kye gwetaaga n’akifuna; naye Katonda n’amumma okubisanyukiramu, kyokka omugwira n’ajja n’abisanyukiramu. Kino butaliimu era kya bubalagaze!

36:3 a Yob 3:16; Mub 4:3 b Yob 3:3Omuntu ayinza okuba n’abaana kikumi, n’awangaala; bw’atasanyukira mu bugagga bwe, era n’ataziikwa mu kitiibwa, ne bw’aba ng’awangadde nnyo, omwana afiira mu lubuto ng’agenda okuzaalibwa amusingira wala. 4Omwana oyo ajja nga taliiko ky’amanyi n’agendera mu butamanya era n’erinnya lye ne libulira mu butamanya. 5Newaakubadde talabye njuba, wadde okubaako ky’amanya, kyokka awummula bulungi okusinga omusajja oyo: 6omusajja oyo ne bw’awangaala emyaka enkumi bbiri, naye n’atasanyukira mu bya bugagga bwe. Bombi tebalaga mu kifo kye kimu?

76:7 Nge 16:26; 27:20Buli muntu ateganira mumwa gwe,

naye tasobola kukkuta by’alina.

86:8 Mub 2:15Kale omuntu omugezi asinga oyo omusirusiru?

Omwavu bw’amanya okwefuga mu maaso g’abalala,

agasibwa ki?

96:9 Mub 1:14Amaaso kye galaba

kisinga olufulube lw’ebirowoozo.

Era na kino nakyo butaliimu,

na kugoberera mpewo.

10Buli ekibaawo ky’ateekebwateekebwa dda,

n’omuntu kyali kyamanyibwa,

tewali muntu ayinza kulwana n’oyo amusinza amaanyi,

n’amusobola.

11Ebigambo gye bikoma obungi,

gye bikoma n’obutabaamu makulu;

kale ekyo kigasa kitya omuntu?

126:12 a Yob 10:20 b Yob 14:2; Zab 39:6; Yak 4:14Kale ani amanyi ekirungi eri omuntu, mu nnaku ezo entono z’amala mu bulamu bwe obutaliimu, obuli ng’ekisiikirize? Ani wansi w’enjuba ayinza okutegeeza ekirimubaako ng’avudde mu bulamu buno?