Leviticus 15 – TCB & CCBT

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 15:1-33

Ang mga Lumalabas sa Katawan ng Tao na Itinuturing na Marumi

1Inutusan ng Panginoon sina Moises at Aaron 2na sabihin ito sa mga taga-Israel:

Kung may lumalabas sa ari ng lalaki dahil sa kanyang sakit, ang lumalabas na iyon ay itinuturing na marumi. 3At kahit na magpatuloy ang pagtulo o hindi, ituturing pa rin siyang marumi. 4At ituturing na marumi ang anumang mahigaan o maupuan niya. 5-7At ang sinumang makahipo sa kanya o sa kanyang hinigaan o inupuan ay kinakailangang maglaba ng kanyang damit at maligo,15:5-7 Tingnan ang “footnotes” sa 11:24-28. pero ituturing pa rin siyang marumi hanggang sa paglubog ng araw.

8Ang sinumang maduraan ng taong ito ay kinakailangang maglaba ng kanyang damit at maligo, pero ituturing pa rin siyang marumi hanggang sa paglubog ng araw. 9-10Ang anumang maupuan ng taong ito, katulad ng upuang ginagamit kapag sumasakay sa kabayo ay magiging marumi. Ang sinumang makahipo ng mga bagay na iyon ay kinakailangang maglaba ng kanyang damit at maligo, pero ituturing pa rin siyang marumi hanggang sa paglubog ng araw.

11Ang sinumang makahipo sa taong iyon habang hindi pa siya nakakapaghugas ng kanyang kamay ay kinakailangang maglaba ng kanyang damit at maligo, pero ituturing pa rin siyang marumi hanggang sa paglubog ng araw. 12Ang palayok na mahihipo ng taong iyon ay dapat basagin, at ang mga bagay na gawa sa kahoy ay dapat hugasan.

13-14Kung gumaling na ang may sakit na ito, maghihintay siya ng pitong araw. Pagkatapos, lalabhan niya ang kanyang damit at maliligo ng tubig na galing sa bukal. Sa ikawalong araw, kinakailangang magdala siya ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato sa presensya ng Panginoon malapit sa pintuan ng Toldang Tipanan. At ibibigay niya sa paring maghahandog noon. 15Ang isaʼy bilang handog sa paglilinis at ang isaʼy bilang handog na sinusunog. Ganito ang paraan na gagawin ng pari para maalis ang karumihan ng taong iyon dahil sa tumutulo sa ari niya; magiging malinis siya.

16Kung ang isang lalaki ay nilabasan ng kanyang binhi, kinakailangang maligo siya pero ituturing pa rin siyang marumi hanggang sa paglubog ng araw. 17Ang alin mang damit o gamit na yari sa balat na natuluan ng binhi ay kinakailangang labhan, pero iyon ay ituturing pa ring marumi hanggang sa paglubog ng araw. 18Kapag nagsiping ang lalaki at babae, at nilabasan ang lalaki ng binhi, kinakailangang maligo silang dalawa, pero ituturing pa rin silang marumi hanggang sa paglubog ng araw.

19Kung ang isang babae ay may buwanang dalaw, ituturing siyang marumi sa loob ng pitong araw, at ang sinumang makahipo sa kanya ay ituturing ding marumi hanggang sa paglubog ng araw. 20Ang anumang mahigaan o maupuan niya habang siyaʼy may buwanang dalaw ay magiging marumi. 21-23Ang sinumang makahipo sa kanyang hinigaan o inupuan ay kinakailangang maglaba ng kanyang damit at maligo, at ituturing pa rin siyang marumi hanggang sa paglubog ng araw.

24Kung ang lalaki ay sumiping sa babaeng may buwanang dalaw, ituturing siyang marumi sa loob ng pitong araw. At ang anumang kanyang mahigaan ay ituturing na marumi.

25Kung ang babae ay dinudugo nang hindi pa panahon ng buwanan niyang dalaw o pagtatapos ng buwanan niyang dalaw, ituturing siyang marumi katulad ng kung siyaʼy may buwanang dalaw. At ituturing siyang marumi habang dinudugo siya. 26Ang anumang mahigaan niya at maupuan habang siyaʼy dinudugo ay magiging marumi katulad ng kung siyaʼy may buwanang dalaw. 27At ang sinumang makahipo ng mga iyon ay magiging marumi, kinakailangang maglaba siya ng kanyang damit at maligo, pero ituturing pa rin siyang marumi hanggang sa paglubog ng araw.

28-29Kung huminto na ang buwanang dalaw ng babae, maghihintay siya ng pitong araw at ituturing na siyang malinis. Sa ikawalong araw, kinakailangang magdala siya ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan. 30Ihahandog ng pari ang isa bilang handog sa paglilinis at ang isaʼy bilang handog na sinusunog. Ganito ang paraan na gagawin ng pari sa presensya ng Panginoon para maalis ang karumihan ng babae dahil sa buwanan niyang dalaw at magiging malinis na siya.

31Sinabihan ng Panginoon sina Moises at Aaron na bigyang babala ang mga taga-Israel tungkol sa mga bagay na nakapagpaparumi sa kanila, para hindi sila mamatay kapag lumapit sila sa Tolda ng Panginoon sa gitna ng kampo.

32-33Ito ang mga tuntunin tungkol sa lalaking nilalabasan ng kanyang binhi o may lumalabas sa ari niya dahil sa kanyang sakit, at tungkol sa babaeng dinudugo sa panahon ng buwanang dalaw o dinudugo bago ang kanyang buwanang dalaw, at tungkol sa lalaking sumisiping sa babaeng itinuturing na marumi.15:32-33 babaeng … marumi: Ang ibig sabihin, hindi maaari para sa isang babae ang makisama sa kanilang seremonyang pangrelihiyon.

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

利未記 15:1-33

有關漏症患者的條例

1耶和華對摩西亞倫說: 2「你們把以下條例告訴以色列人。

「如果有男人患了漏症,他下體的排泄物是不潔淨的。 3不論他下體的排泄物止住與否,他都是不潔淨的。 4他睡過的床或坐過的東西都不潔淨。 5凡碰到他睡過的床的人都不潔淨,必須洗衣、沐浴,等到傍晚才能潔淨。 6凡坐他坐過之物的人都不潔淨,必須洗衣、沐浴,等到傍晚才能潔淨。 7凡碰到他的人都不潔淨,必須洗衣、沐浴,等到傍晚才能潔淨。 8如果他吐唾沫在一個潔淨的人身上,那人便不潔淨,必須洗衣、沐浴,等到傍晚才能潔淨。 9他騎過的鞍子是不潔淨的。 10凡碰到他坐過之物的人都不潔淨,要等到傍晚才能潔淨。碰到這些東西的人都不潔淨,必須洗衣、沐浴,等到傍晚才能潔淨。 11如果他沒有洗手就碰到別人,那人便不潔淨,必須洗衣、沐浴,等到傍晚才能潔淨。 12必須打碎他摸過的陶器,用水清洗他摸過的木器。 13他病癒後,必須經過七天的潔淨期,要洗淨衣服,用清水沐浴,這樣就潔淨了。 14第八天,他要把兩隻斑鳩或雛鴿帶到會幕門前,在耶和華面前交給祭司獻祭, 15一隻作贖罪祭,一隻作燔祭。這樣,祭司便在耶和華面前為他的漏症贖了罪。

有關遺精的條例

16「男人若遺精,便不潔淨,必須沐浴全身,等到傍晚才能潔淨。 17沾了精液的衣物或皮革都不潔淨,必須用水清洗,等到傍晚才能潔淨。 18如果男女同房,二人都不潔淨,必須沐浴,等到傍晚才能潔淨。

有關女人月經的條例

19「女人在月經期間,要不潔淨七天。凡接觸到她的人都不潔淨,要等到傍晚才能潔淨。 20月經期間,她躺過或坐過的東西都不潔淨。 21凡碰過她床的人都不潔淨,必須洗衣、沐浴,等到傍晚才能潔淨。 22人若碰到她坐過的地方,也不潔淨,必須洗衣、沐浴,等到傍晚才能潔淨。 23不論是她的床,還是她坐的東西,碰到的人都不潔淨,要等到傍晚才能潔淨。 24男人若與她同房,沾染了她的經血,就要不潔淨七天,他躺過的床也不潔淨。

25「女人若在經期以外多日血漏或經期過長,在此期間便不潔淨,像在經期內一樣。 26在血漏期間,她躺的床或坐的東西都不潔淨,像在經期內一樣。 27凡碰到這些東西的人都不潔淨,必須洗衣、沐浴,等到傍晚才能潔淨。 28血漏停止後,她要等七天才潔淨。 29第八天,她要把兩隻斑鳩或雛鴿帶到會幕門口,交給祭司獻祭, 30一隻作贖罪祭,一隻作燔祭。這樣,祭司便在耶和華面前為她贖了血漏的不潔之罪。 31你們要使以色列人遠離不潔之物,免得他們因玷污我的聖幕而死亡。」

32以上是為患漏症的人,包括遺精、 33行經的女人、患漏症的男女、與不潔淨女人同房的男人所設立的條例。