Job 31 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Job 31:1-40

1“Ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi ako titingin nang may pagnanasa sa isang dalaga. 2Sapagkat anong igaganti ng Makapangyarihang Dios na nasa langit sa mga ginagawa ng tao? 3Hindi baʼt kapahamakan at kasawian para sa mga gumagawa ng kasamaan? 4Alam ng Dios ang lahat ng aking ginagawa. 5Kung nagsinungaling man ako at nandaya, 6hahayaan kong hatulan ako ng Dios, dahil siya ang nakakaalam kung nagkasala nga ako. 7Kung hindi ako sumunod sa tamang daan, o kung sinunod ko ang nais ng aking mata, at dinungisan ko ang aking sarili, 8masira nawa ang aking mga pananim o di kayaʼy pakinabangan ng iba. 9Kung naakit ako ng ibang babae o napaibig sa asawa ng aking kapwa, 10kunin nawa at sipingan ng ibang lalaki ang asawa ko. 11Sapagkat ang pangangalunya ay kasalanang nakakahiya, at dapat na parusahan ang taong ganyan ang ginagawa. 12Iyan ay parang mapamuksang apoy na uubos sa lahat ng aking kabuhayan.

13“Kung hindi ko pinahalagahan ang karapatan ng aking alipin nang dumaing sila sa akin, 14anong gagawin ko kung hatulan ako ng Dios? Anong isasagot ko kung tanungin niya ako? 15Hindi baʼt ang Dios na lumikha sa akin ang siya ring Dios na lumikha sa aking mga alipin?

16“Kung hindi ako tumulong sa mga dukha at sa mga biyuda na nahihirapan, 17at kung naging madamot ako sa mga ulila, parusahan nawa ako ng Dios. 18Pero mula pa noong kabataan ko, tumutulong na ako sa mga ulila, at sa buong buhay ko hindi ko pinabayaan ang mga biyuda. 19Kapag nakakita ako ng taong nahihirapan sa lamig dahil kapos siya sa damit, 20binibigyan ko siya ng damit pangginaw na yari sa balahibo ng aking mga tupa. At buong puso siyang nagpapasalamat sa akin. 21Kung pinagbuhatan ko ng kamay ang mga ulila, dahil alam kong malakas ako sa hukuman, 22maputol sana ang mga braso ko. 23Hindi ko magagawa ang mga bagay na iyan dahil natatakot ako sa parusa at kapangyarihan ng Dios.

24“Hindi ako nagtiwala sa aking kayamanan o nag-isip man na magbibigay ito sa akin ng katiyakan. 25Hindi ko ipinagyabang ang kayamanan ko at lahat ng aking ari-arian. 26Hindi ako sumamba sa araw na nagbibigay ng liwanag o sa buwan na kumikinang. 27Ang puso koʼy hindi nahikayat na sumamba sa mga ito. 28Kung nagkasala ako sa paggawa ng mga ito, dapat akong parusahan dahil nagtaksil ako sa Dios na nasa langit.

29“Hindi ko ikinatuwa ang kapahamakan ng aking kaaway o ang pagsapit sa kanila ng kahirapan. 30Hindi ako nagkasala sa pamamagitan ng pagsumpa sa kanila. 31Alam ng aking mga kasambahay na pinapakain ko ang lahat kahit na ang mga dayuhan. 32Hindi ko pinabayaang matulog kahit saan ang mga dayuhan, dahil palaging bukas ang pintuan ng aking tahanan para sa kanila. 33Hindi ko itinatago ang aking kasalanan katulad ng ginagawa ng iba. 34Hindi ako tumahimik o nagtago dahil takot ako sa anumang sasabihin ng mga tao.

35“Kung mayroon lang sanang makikinig ng panig ko, nakahanda akong lumagda para patunayan na wala akong kasalanan. Kung may reklamo ang Dios na Makapangyarihan laban sa akin, ipapakiusap ko sa kanyang sabihin niya ito sa akin o kayaʼy isulat na lang. 36At ikakabit ko ito sa aking balikat o sa ulo ko na parang korona para ipakita sa lahat na nakahanda akong humarap sa mga usapin. 37Sasabihin ko sa Dios ang lahat ng aking ginawa. Haharap ako sa kanya katulad ng pinuno na hindi nahihiya.

38“Kung inaabuso ko ang aking lupain, o kinamkam ko ito sa iba,31:38 Kung … iba: sa literal, Kung magrereklamo ang lupain ko laban sa akin at inaararo ito na basa sa luha. 39o kung pinasama ko ang loob ng mga manggagawa sa aking lupain dahil kinuha ko ang kanilang ani ng walang bayad, 40tumubo nawa sa lupain ko ang mga matitinik na halaman at mga damo sa halip na trigo at sebada.”

Dito natapos ang mga sinabi ni Job.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

约伯记 31:1-40

约伯最后的申辩

1“我跟自己的眼睛立了约,

决不贪看女色。

2天上的上帝所定的是什么?

高天的全能者赐下什么产业?

3岂不是降灾难给不义之人,

降祸患给作恶的人?

4上帝岂不鉴察我走的路,

数算我的脚步?

5我何曾与虚假同行,

疾步追随诡诈?

6愿上帝把我放在公义的天平上称量,

让祂知道我的清白。

7倘若我的脚偏离正路,

贪图眼目之欲,

或手上粘着罪污,

8愿我种的庄稼被别人享用,

我田中的出产被连根拔起。

9我的心若迷恋女人,

在邻居的门口窥探,

10愿我妻子为别人推磨,

愿别人与她同房。

11因为这是大恶,

是当受审判的罪,

12是烧向灭亡的火焰,

会吞噬我所有家业。

13我的仆婢告我,

我也会讲公道,

14否则上帝追究,我怎么办?

祂审问我,我如何回答?

15祂创造了我,岂不也创造了他们?

岂不是同一位使我们在母腹中成胎?

16我何曾拒绝穷人的请求,

或使寡妇眼露失望之情,

17或独吞我的食物,

不与孤儿同享?

18我自幼就如父亲般抚养孤儿,

我自出母胎就照顾寡妇。

19倘若我见有人冻得要死,

或有穷人衣不蔽体,

20却没有把我的羊毛给他们御寒,

以致他们向我道谢;

21倘若我仗着在城门口有势力,

就动手欺负孤儿,

22情愿我的肩膀从肩胛脱落,

我的手臂从手肘折断。

23因为我惧怕上帝降灾祸,

我无法承担祂的威严。

24“我若仰仗金子,

依靠纯金,

25因财富充裕、

或家产丰足而欢喜;

26我若见太阳发光,

明月在天上移动,

27就暗自心生迷恋,

向它们吻手示敬,

28就是犯了当受审判的罪恶,

因为这等于我背弃了天上的上帝。

29“我何曾因敌人遭殃而欢喜,

因他们遇祸而快乐?

30我从未咒诅他们丧命,

以致我的口犯罪。

31住在我帐篷中的人,

谁没饱餐我的肉食呢?

32我的家门向路人敞开,

从未有旅客露宿街头。

33我何曾像亚当一样遮掩我的过犯,

将罪恶藏在怀中,

34因惧怕群众,

被族人藐视,

就默不作声、不敢出门?

35“但愿有人听我申诉!

看啊,我在这里画押,愿全能者回答我!

愿我的控诉者写好状词!

36我会把状词披在肩上,

如冠冕一般戴在头上。

37我会像王者一样到祂面前,

向祂交代我的一切所为。

38“若我的田地向我喊冤,

条条犁沟一同哭诉;

39若我白吃地的出产,

或使地的主人丧命,

40愿地长出蒺藜而非麦子,

长出杂草而非大麦。”

约伯的话说完了。