Job 30 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Job 30:1-31

1“Pero ngayon, kinukutya na ako ng mga mas bata sa akin, na ang mga ama ay hindi mapagkakatiwalaan. Mas mapagkakatiwalaan pa nga ang mga aso kong tagapagbantay ng aking kawan kaysa sa kanila. 2Ano bang makukuha ko sa mga taong ito na mahihina at talagang wala ng lakas? 3Payat na payat sila dahil sa labis na kahirapan at gutom. Kahit gabi ay nagkakaykay sila ng mga lamang-lupa sa ilang para may makain. 4Binubunot nila at kinakain ang mga tanim sa ilang pati na ang ugat ng punong enebro. 5Tinataboy sila palayo sa kanilang mga kababayan at sinisigawan na parang mga magnanakaw. 6Tumitira sila sa mga lambak, sa malalaking bitak ng bato at mga lungga sa lupa. 7Para silang mga hayop na umaalulong sa kagubatan at nagsisiksikan sa ilalim ng maliliit na punongkahoy. 8Wala silang halaga, walang nakakakilala at pinalayas pa sa kanilang lupain.

9“At ngayon, paawit pa kung kutyain ako ng kanilang mga anak at naging katatawanan pa ako sa kanila. 10Namumuhi sila at umiiwas sa akin. Hindi sila nangingiming duraan ako sa mukha. 11Ngayong pinanghina ako at pinahirapan ng Dios, ginawa nila ang gusto nilang gawin sa akin. 12Nilusob ako ng masasamang ito at nilagyan ng bitag ang aking dadaanan. Talagang pinagsisikapan nila akong ipahamak. 13Sinisira nila ang dadaanan ko para ipahamak ako. At nagtatagumpay sila kahit walang tumutulong sa kanila. 14Sinasalakay nila ako na parang mga sundalong dumadaan sa malalaking butas ng gibang pader. 15Takot na takot ako, at biglang nawala ang karangalan ko na parang hinipan ng malakas na hangin, at ang kasaganaan koʼy naglahong gaya ng ulap. 16At ngayon ay parang mamamatay na ako; walang tigil ang aking paghihirap. 17Sa gabi ay kumikirot ang mga buto ko at hindi nawawala ang sakit nito. 18Sa pamamagitan ng pambihirang lakas ng Dios, sinunggaban niya ako, hinawakan sa kwelyo, 19at inihagis sa putik. Naging parang alikabok at abo na lang ako.

20O Dios, humingi ako ng tulong sa inyo pero hindi kayo sumagot. Tumayo pa ako sa presensya nʼyo pero tiningnan nʼyo lang ako. 21Naging malupit kayo sa akin. Pinahirapan nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. 22Parang ipinatangay nʼyo ako sa hangin at ipinasalanta sa bagyo. 23Alam kong dadalhin nʼyo ako sa lugar ng mga patay, ang lugar na itinakda para sa lahat ng tao.

24“Tiyak na wala akong sinaktang taong naghihirap at humihingi ng tulong dahil sa kahirapan. 25Iniyakan ko pa nga ang mga taong nahihirapan, at ang mga dukha. 26Ngunit nang ako naman ang umasang gawan ng mabuti, masama ang ginawa sa akin. Umasa ako ng liwanag pero dilim ang dumating sa akin. 27Walang tigil na nasasaktan ang aking damdamin. Araw-araw paghihirap ang dumarating sa akin. 28Umitim ang balat ko hindi dahil sa init ng araw kundi sa aking karamdaman. Tumayo ako sa harap ng kapulungan at humingi ng tulong. 29Ang boses koʼy parang alulong ng asong-gubat o huni ng kuwago. 30Umitim ang balat koʼt natutuklap, at inaapoy ako ng lagnat. 31Kaya naging malungkot ang tugtugin ng aking alpa at plauta.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

约伯记 30:1-31

哀叹今日的痛苦

1“但如今,比我年少的人竟嘲笑我,

他们的父亲曾被我鄙视,

连我的牧羊犬都不如。

2他们精力衰竭,

对我有何益处?

3他们贫穷饥饿,瘦弱不堪,

夜间在干旱荒凉之地啃食。

4他们在草丛中拔咸草充饥,

以罗腾树根为食。

5他们被赶离人群,

像贼一样被喝斥。

6他们只好住在荒谷,

在地洞和岩穴栖身;

7在杂草间嚎叫如兽,

在树丛中蜷缩一团。

8他们是愚昧无名之辈,

被人用鞭子赶出境外。

9“如今,他们竟唱歌讽刺我,

我成了他们的笑柄。

10他们厌恶我,不愿靠近我,

任意朝我脸上吐唾沫。

11因为上帝苦待我,使我毫无力量,

他们才在我面前肆无忌惮。

12这些无赖从右边攻击我,

迫使我逃亡,

他们展开攻势要毁灭我。

13他们截断我的路,

想方设法害我,无人相助。

14他们冲破防线,

从废墟中向我袭来。

15恐惧笼罩着我,

我的尊荣随风而去,

我的荣华如云消散。

16“如今我的生命将尽,

痛苦的日子抓住我。

17夜间我的骨头刺痛,

如被啃噬,无休无止。

18上帝猛力抓住我的衣服,

紧紧地揪住我的衣领。

19祂把我扔进淤泥,

使我如尘埃灰烬。

20“上帝啊!我向你呼求,你不回应;

我站起来,你也不理睬。

21你变得对我残酷无情,

用你大能的手迫害我,

22把我提到风中,让我被风吹走,

被暴风抛来抛去。

23我知道你要带我去死亡之地,

那是你为众生所定的归宿。

24“诚然,不幸的人在困境中呼救,

无人会伸手加害他。

25难道我不曾为受苦的人哭泣,

我的心不曾为穷困者悲伤吗?

26我盼望幸福,来的却是灾祸;

我期待光明,来的却是黑暗。

27我心里一直烦乱不安,

苦难的日子迎面袭来。

28我皮肤发黑,不是因为日晒,

我在会众中站起来呼救。

29我成了豺狼的兄弟,

驼鸟的伙伴。

30我的皮肤发黑、脱落,

我的骨头如被烤焦。

31我的琴唱出哀乐,

我的箫奏出悲鸣。