Job 14 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Job 14:1-22

1“Ang buhay ng tao ay maikli lamang at puno ng kahirapan. 2Ang katulad nito ay isang bulaklak, namumukadkad pero agad nalalanta. Katulad din ito ng aninong biglang nawawala. 3Kaya Panginoon, bakit kailangan nʼyo pang bantayan nang ganito ang tao? Gusto nʼyo pa ba siyang14:3 siyang: Itoʼy nasa teksto ng Septuagint, Vulgate at Syriac. Sa Hebreo, akong. hatulan sa inyong hukuman? 4May tao bang nabubuhay na lubusang matuwid? Wala! Sapagkat ang lahat ay ipinanganak na makasalanan. 5Sa simula paʼy itinakda nʼyo na kung gaano kahaba ang itatagal ng buhay ng isang tao. At hindi siya lalampas sa itinakda nʼyong oras sa kanya. 6Kaya hayaan nʼyo na lamang siya para makapagpahinga naman siya katulad ng isang manggagawa pagkatapos magtrabaho.

7“Kapag pinutol ang isang puno, may pag-asa pa itong mabuhay at tumubong muli. 8Kahit na matanda na ang ugat nito at patay na ang tuod, 9tutubo itong muli na parang bagong tanim kapag nadiligan. 10Pero kapag ang taoʼy namatay, mawawala na ang lakas niya. Pagkalagot ng hininga niya, iyon na ang wakas niya. 11Kung papaanong bumababa ang tubig sa dagat at natutuyo ang mga ilog, 12gayon din naman, ang taoʼy namamatay at hindi na makakabangon pa o magigising sa kanyang pagkakatulog hanggang sa maglaho ang langit.

13Panginoon, itago nʼyo na lamang po sana ako sa lugar ng mga patay hanggang sa mawala ang galit nʼyo sa akin, at saka nʼyo ako alalahanin sa inyong itinakdang panahon. 14Kung mamatay ang tao, mabubuhay pa kaya ito? Kung ganoon, titiisin ko ang lahat ng paghihirap na ito hanggang sa dumating ang oras na matapos ito. 15At sa oras na tawagin nʼyo ako, Panginoon, sasagot ako, at kasasabikan nʼyo ako na inyong nilikha. 16Sa mga araw na iyon, babantayan nʼyo pa rin ang aking mga ginagawa, pero hindi nʼyo na aalalahanin pa ang aking mga kasalanan. 17Parang ipinasok nʼyo ito sa bag at tinakpan para hindi nʼyo na makita.

18“Pero kung papaanong gumuguho ang mga bundok at nahuhulog ang mga bato mula sa kanilang kinalalagyan, 19at kung paanong nagiging manipis ang bato sa patuloy na pag-agos ng tubig, at gumuguho ang lupa dahil sa malakas na ulan, ganyan nʼyo rin sinisira ang pag-asa ng tao. 20Nilulupig nʼyo siyang lagi at namamatay siya, at binabago nʼyo ang mukha niya kapag patay na siya. 21Hindi na niya malalaman kung ang mga anak niyaʼy nagtamo ng karangalan o kahihiyan. 22Ang tanging madarama na lang niya ay ang sarili niyang paghihirap at kalungkutan.”

New International Reader’s Version

Job 14:1-22

1“Human beings have only a few days to live.

Their lives are full of trouble.

2They grow like flowers, and then they dry up.

They are like shadows that quickly disappear.

3“God, do you even notice them?

Will you let them appear in your court?

4Who can bring what is pure from something that isn’t pure?

No one!

5You decide how long anyone will live.

You have established the number of his months.

You have set a limit to the number of his days.

6So look away from him. Leave him alone.

Let him put in his time like a hired worker.

7“At least there is hope for a tree.

If it’s cut down, it will begin to grow again.

New branches will appear on it.

8Its roots may grow old in the ground.

Its stump may die in the soil.

9But when it smells water, it will begin to grow.

It will send out new growth like a plant.

10No man is like that. When he dies, he is buried in a grave.

He takes his last breath. Then he is gone.

11Water dries up from lakes.

Riverbeds become empty and dry.

12In the same way, people lie down and never get up.

People won’t wake or rise from their sleep

until the heavens are gone.

13“I wish you would hide me in a grave!

I wish you would cover me up until your anger passes by!

I wish you would set the time for me to spend in the grave

and then bring me back up!

14If someone dies, will they live again?

All the days of my hard work

I will wait for the time when you give me new life.

15You will call out to me, and I will answer you.

You will long for the person your hands have made.

16Then you will count every step I take.

But you won’t keep track of my sin.

17The wrong things I’ve done will be sealed up in a bag.

You will wipe out my sins by forgiving them.

18“A mountain wears away and crumbles.

A rock is moved from its place.

19Water wears away stones.

Storms wash away soil.

In the same way, you destroy a person’s hope.

20You overpower them completely, and then they’re gone.

You change the way they look and send them to their graves.

21If their children are honored, they don’t even know it.

If their children are dishonored, they don’t even see it.

22All they feel is the pain of their own bodies.

They are full of sadness only for themselves.”