Job 13 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Job 13:1-28

1“Nakita koʼt napakinggan ang lahat ng sinabi ninyo, at itoʼy aking naunawaan. 2Ang alam ninyo ay alam ko rin. Hindi kayo nakahihigit sa akin. 3Pero hindi na ako makikipagtalo sa inyo tungkol sa kalagayan ko. Sa Makapangyarihang Dios ko na lang ito idudulog. 4Sapagkat pinagsisikapan ninyong gamutin ako ng kasinungalingan. Lahat kayoʼy parang manggagamot na walang silbi. 5Mas mabuti pang tumahimik na lang kayo. Iyan ang pinakamabuti nʼyong gawin.

6“Pakiusap naman! Pakinggan ninyo ang katuwiran ko. 7Ipagtatanggol nʼyo ba ang Dios sa pamamagitan ng pagsisinungaling? 8Kumakampi ba kayo sa kanya? Ipagtatanggol ba ninyo siya? 9Kung siyasatin kaya kayo ng Dios, may kabutihan kaya siyang makikita sa inyo? Huwag ninyong isipin na madadaya ninyo siya tulad ng pandaraya ninyo sa mga tao. 10Tiyak na sasawayin kayo ng Dios kahit na kinakampihan ninyo siya. 11Hindi ba kayo natatakot sa kapangyarihan niya? 12Ang mga binabanggit nʼyong kasabihan ay walang kabuluhan; itoʼy parang abo. Ang mga katuwiran nʼyo ay marupok gaya ng palayok.

13“Tumahimik kayo habang nagsasalita ako, at anuman ang mangyari sa akin, bahala na. 14Nakahanda akong itaya ang buhay ko. 15Tiyak na papatayin ako ng Dios; wala na akong pag-asa. Pero ipagtatanggol ko pa rin ang aking sarili sa kanya. 16Baka sakaling sa pamamagitan nito ay maligtas ako, dahil walang masamang tao na makakalapit sa kanya.

17“Pakinggan ninyong mabuti ang sasabihin ko. 18Ngayong handa na akong ipagtanggol ang sarili ko; alam kong mapapawalang-sala ako. 19Sino ang makapagpaparatang na nagkasala ako? Kung mayroon nga, mananahimik na lang ako hanggang sa mamatay.

20“O Dios, dalawang bagay lang ang hinihiling ko sa inyo, na kung ibibigay nʼyo sa akin ay hindi na ako magtatago sa inyo: 21Tigilan nʼyo na ang pagpaparusa sa akin at huwag nʼyo na akong takutin ng mga nakakatakot na parusa ninyo. 22Kausapin nʼyo ako at sasagot ako, o kayaʼy ako ang magsasalita sa iyo at sagutin nʼyo ako. 23Anu-ano po ba ang mga nagawa kong pagkakamali at kasalanan? Sabihin nʼyo po sa akin ang aking pagkakamali at mga kasalanan. 24Bakit umiiwas kayo sa akin at itinuturing nʼyo akong kaaway? 25Bakit nʼyo ako tinatakot at hinahabol? Para lang akong dahon o tuyong ipa na tinatangay ng hangin. 26Inililista nʼyo ang mabibigat na paratang laban sa akin at isinasama nʼyo pa ang lahat ng kasalanan ko noong bata pa ako. 27Para nʼyong ikinadena ang aking mga paa. Bawat hakbang koʼy binabantayan nʼyo, at pati bakas ng paa koʼy sinusundan ninyo. 28Kaya para na akong isang bagay na nabubulok o isang damit na sinisira ng amag.

New International Reader’s Version

Job 13:1-28

1“My eyes have seen everything God has done.

My ears have heard it and understood it.

2What you know, I also know.

I’m as clever as you are.

3In fact, I long to speak to the Mighty One.

I want to argue my case with God.

4But you spread lies about me and take away my good name.

If you are trying to heal me,

you aren’t very good doctors!

5I wish you would keep your mouths shut!

Then people would think you were wise.

6Listen to my case.

Listen as I make my appeal.

7Will you say evil things in order to help God?

Will you tell lies for him?

8Do you want to be on God’s side?

Will you argue his case for him?

9Would it turn out well if he looked you over carefully?

Could you fool him as you might fool human beings?

10He would certainly hold you responsible

if you took his side in secret.

11Wouldn’t his glory terrify you?

Wouldn’t the fear of him fall on you?

12Your sayings are as useless as ashes.

The answers you give are as weak as clay.

13“So be quiet and let me speak.

Then I won’t care what happens to me.

14Why do I put myself in danger?

Why do I take my life in my hands?

15Even if God kills me, I’ll still put my hope in him.

I’ll argue my case in front of him.

16No matter how things turn out,

I’m sure I’ll still be saved.

After all, no ungodly person

would dare to come into his court.

17Listen carefully to what I’m saying.

Pay close attention to my words.

18I’ve prepared my case.

And I know I’ll be proved right.

19Can others bring charges against me?

If they can, I’ll keep quiet and die.

20“God, I won’t hide from you.

Here are the only two things I want.

21Stop treating me this way.

And stop making me so afraid.

22Then send for me, and I’ll answer.

Or let me speak, and you reply.

23How many things have I done wrong?

How many sins have I committed?

Show me my crime. Show me my sin.

24Why do you turn your face away from me?

Why do you think of me as your enemy?

25I’m already like a leaf that is blown by the wind.

Are you going to terrify me even more?

I’m already like dry straw.

Are you going to keep on chasing me?

26You write down bitter things against me.

You make me suffer for the sins

I committed when I was young.

27You put my feet in chains.

You watch every step I take.

You do it by putting marks on the bottom of my feet.

28“People waste away like something that is rotten.

They are like clothes that are eaten by moths.