Jeremias 47 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 47:1-7

Ang Mensahe tungkol sa Filistia

1Ito ang sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias tungkol sa Filistia noong hindi pa sinasalakay ng Faraon47:1 Faraon: Ang ibig sabihin, hari ng Egipto. ang Gaza:

2“May bansang sasalakay mula sa hilaga na parang baha na aapaw sa buong lupain. Wawasakin ng bansang ito ang lahat ng lungsod pati ang mga mamamayan nito. Magsisigawan at mag-iiyakan nang malakas ang mga tao dahil sa takot. 3Maririnig nila ang ingay ng lagapak at mga yabag ng mga kabayo at mga karwahe. Hindi na lilingon ang mga ama para tulungan ang mga anak nila dahil sa takot. 4Sapagkat darating ang araw na wawasakin ang lahat ng Filisteo pati ang mga kakampi nila na tumutulong sa kanila mula sa Tyre at Sidon. Wawasakin ng Panginoon ang mga Filisteo. Ito ang mga taong mula sa Caftor.47:4 Caftor: o, Crete. 5Ang mga taga-Gaza ay magpapakalbo, tanda ng pagluluksa nila, at ang mga taga-Ashkelon ay tatahimik sa kalungkutan. Kayong mga mamamayan sa kapatagan, hanggang kailan ninyo susugatan ang inyong sarili upang ipakita ang inyong kalungkutan? 6Nagtatanong kayo kung kailan ko ititigil ang pagpaparusa sa inyo sa pamamagitan ng espada ko. Sinasabi ninyong ibalik ko na sa lalagyan ang espada ko at pabayaan na lang kayo. 7Pero paano ito mapipigil dahil inutusan ko na ito na salakayin ang Ashkelon at ang mga naninirahan sa baybayin ng dagat?”

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

耶利米书 47:1-7

关于非利士的预言

1在法老攻打迦萨之前,耶和华告诉了耶利米先知有关非利士人的事。

2耶和华说:

“看啊,大水将从北方涨溢,

形成一道洪流,

淹没大地和地上的一切,

吞噬城邑和其中的居民。

人们必呼喊,

地上的居民必哀哭。

3一听见马蹄嗒嗒、

战车隆隆、车轮滚滚的声音,

做父亲的就吓得手脚发软,

无力照顾儿女。

4因为毁灭所有非利士人的日子到了,

铲除泰尔西顿剩余帮手的日子到了。

耶和华要灭绝迦斐托岛剩余的非利士人。

5迦萨一片荒凉,

亚实基伦沦为废墟。

谷中的余民啊!

你们要割伤身体到何时呢?

6你们大喊,‘耶和华的刀啊,

你何时才停下来呢?

求你入鞘吧!停下来吧!’

7但耶和华已命令它攻击亚实基伦和沿海一带,

它怎能停下来呢?”