Jeremias 10 – TCB & CARSA

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 10:1-25

Kapahamakan ang Dulot ng Pagsamba sa mga dios-diosan

1Mamamayan ng Israel, pakinggan nʼyo ang sinasabi ng Panginoon. 2Sinasabi niya, “Huwag ninyong tutularan ang pag-uugali ng mga tao sa ibang mga bansa na naghahanap ng mga tanda sa kalangitan. Huwag kayong matakot sa mga ganyang tanda kahit na ang mga tao sa ibang bansa ay takot sa mga tandang iyan. 3Walang kabuluhan ang kaugalian ng mga taong iyon. Pumuputol sila ng puno sa gubat at pinauukitan nila sa mahuhusay na mang-uukit. 4Pagkatapos, pinapalamutian nila ng pilak at ginto, at pinapakuan ng mabuti para hindi matumba. 5Ang mga dios-diosang itoʼy parang taong panakot ng ibon sa bukid na hindi nakakapagsalita. Kailangan pa itong buhatin dahil hindi ito nakakalakad. Huwag kayong matakot sa mga dios-diosang ito dahil hindi sila makakagawa ng masama at hindi rin makakagawa ng mabuti.”

6O Panginoon, wala po kayong katulad. Makapangyarihan kayo at dakila ang pangalan. 7Sino po ang hindi matatakot sa inyo, O Hari ng mga bansa? Karapat-dapat lang na igalang kayo. Wala po kayong katulad sa lahat ng matalino na mula sa ibaʼt ibang bansa, o sa lahat ng hari. 8Silang lahat ay matitigas ang ulo at mga hangal. Wala pong kabuluhan ang mga turo tungkol sa mga dios-diosan nila na gawa sa kahoy. 9Nagpagawa po sila sa mga panday at mga platero ng mga dios-diosan na binalutan ng pilak mula sa Tarshish at ginto mula sa Ufaz. Pagkatapos, binihisan po nila ang mga ito ng damit na asul at kulay ube na tinahi ng bihasang mananahi. 10Pero ang Panginoon ang tunay na Dios. Siya ang buhay na Dios at walang hanggang Hari. Kapag nagagalit siya, nayayanig ang daigdig, at walang bansa na makatatagal sa tindi ng galit niya. 11Sabihin ninyo sa mga sumasamba sa ibang mga dios, “Ang inyong mga dios na hindi lumikha ng langit at lupa ay mawawala sa mundo.”

12Pero ang Dios ang lumikha ng langit at lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan at karunungan niya. 13Sa utos niyaʼy lumalabas ang mga ulap at mga kidlat sa kalangitan, at bumubuhos ang malakas na ulan. Pinapalabas niya ang hangin mula sa pinanggagalingan nito. 14Mga hangal at mangmang ang mga sumasamba sa mga dios-diosan. Mapapahiya lang ang mga platerong gumawa ng mga dios-diosan nila, dahil hindi naman totoong dios ang mga ito. Wala silang buhay. 15Wala silang kabuluhan at dapat kamuhian. Darating ang araw na wawasakin ang lahat ng ito. 16Pero ang Dios ni Jacob10:16 Dios ni Jacob: sa literal, bahagi ni Jacob. ay hindi katulad ng mga iyon. Siya ang lumikha ng lahat ng bagay pati na ang Israel, ang mga taong hinirang niya – Panginoong Makapangyarihan ang pangalan niya.

Ang Kapahamakang Darating

17Mga taga-Jerusalem, tipunin na ninyo ang mga kagamitan at umalis, dahil malapit nang salakayin ang lungsod ninyo. 18Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon, “Makinig kayo! Paaalisin ko kayo sa lupaing ito. Pahihirapan ko kayo hanggang sa madama nʼyo ang galit ko.”

19Sinabi ng mga taga-Jerusalem, “Nakakaawa tayo dahil sa kapahamakan natin. Malubha ang kalagayan natin, pero kailangan natin itong tiisin. 20Wasak na ang mga tolda natin; nalagot na ang mga tali nito. Iniwan na tayo ng mga anak natin. Wala nang natira na muling magtatayo ng mga toldang tinitirhan natin.”

21Nangyari ito sa atin dahil hangal ang mga pinuno natin. Hindi sila lumapit sa Panginoon para sumangguni. Kaya hindi sila nagtagumpay, at nangalat ang mga taong nasasakupan nila. 22Pakinggan nʼyo ang malakas na ingay ng mga sundalo na dumarating mula sa hilaga! Wawasakin nila ang mga bayan ng Juda at magiging tirahan na lang ito ng mga asong-gubat.10:22 asong-gubat: sa Ingles, jackal.

Ang Panalangin ni Jeremias

23Panginoon, alam ko po na ang buhay ng tao ay hindi kanya. Hindi siya ang may hawak ng kinabukasan niya. 24Ituwid nʼyo po kami10:24 kami: sa Hebreo, ako. Si Jeremias ay nagsasalita para sa mga kababayan niya. Panginoon, nang nararapat sa amin. Huwag nʼyo po itong gawin nang dahil sa inyong galit, baka wala ng matira sa amin. 25Ipadama nʼyo po ang inyong galit sa mga bansang hindi kumikilala sa inyo at sa mga taong hindi dumudulog sa inyo. Sapagkat inubos po nila ang lahi ni Jacob at winasak ang mga tahanan nila.

Священное Писание (Восточный перевод), версия с «Аллахом»

Иеремия 10:1-25

Бог Исраила и идолы

1Слушай, дом Исраила, что говорит тебе Вечный!

2Так говорит Вечный:

– Не учитесь путям других народов;

не бойтесь небесных знамений,

которых другие народы боятся.

3Обычаи народов ничтожны.

Срубают в лесу дерево,

ремесленник обрабатывает его резцом,

4украшает серебром и золотом,

крепит его молотком и гвоздями,

чтобы он не качался.

5Эти идолы, как пугала на бахче, –

не могут говорить;

их нужно носить –

они не умеют ходить.

Не бойтесь их,

ведь они не в силах причинить вам зла,

но и добра сделать не могут.

6О Вечный, нет подобного Тебе;

Ты велик,

и Твоё имя могущественно.

7Кто не чтит Тебя, Царь народов?

Ведь Ты заслуживаешь этого.

Между всеми мудрецами народов

и во всех их царствах

нет подобного Тебе.

8Эти народы безрассудны и глупы:

они учатся у бестолковой деревяшки!

9Серебро чеканное привозится из Фарсиса,

а золото – из Уфаза.

Поделки ремесленника и плавильщика

облачат затем в голубое и пурпурное одеяние;

все эти истуканы – изделия мастеров.

10Но Вечный – это истинный Бог;

Он – Бог живой и Царь вечный.

Когда Он разгневан, дрожит земля,

и народы не в силах вынести Его ярость.

11Скажите им вот что:

– Боги, которые не создали неба и земли, исчезнут с лица земли и из-под небес.

12А Аллах создал землю Своим могуществом,

утвердил мир Своей мудростью,

распростёр небеса Своим разумом.

13Когда Он возвышает голос, шумят небесные воды;

Он поднимает тучи с края земли.

Он посылает молнии среди ливня

и выпускает ветер из Своих кладовых.

14Все люди глупы и нет у них знания;

всякий плавильщик позорит себя своими идолами.

Его изваяния лживы,

и нет в них дыхания.

15Они ничтожны и смешны;

пробьёт их час, и они будут разрушены.

16Но Вечный, Удел Якуба, не таков, как они,

потому что Он – Творец всего,

и Исраил – народ Его наследия;

Вечный, Повелитель Сил, – вот Его имя.

Предстоящее изгнание

17Собирайте пожитки, чтобы покинуть страну,

вы, кто живёт в осаде.

18Ведь так говорит Вечный:

– На этот раз Я изгоняю тех,

кто живёт в стране;

Я пошлю им несчастье,

чтобы враги их схватили.

19Горе мне, ведь я сокрушён!

Моя рана неизлечима!

Но я сказал себе:

«Да, это моя скорбь;

я должен её нести».

20Мой шатёр разрушен,

все верёвки его разорваны.

Сыновья мои от меня ушли,

нет их больше;

некому больше поставить мой шатёр

и повесить его завесы.

21Пастухи безрассудны

и не взывают к Вечному,

поэтому они не имеют успеха ни в чём,

и все их стада рассеяны.

22Слышите! Слух несётся:

великое волнение с севера!

Оно превратит города Иудеи в пустыни,

в логово шакалов.

Молитва Иеремии

23Знаю, о Вечный, человек не властен над жизнью,

и не во власти его направлять свои шаги.

24Наставляй меня, Вечный,

но только по справедливости,

не в гневе Твоём,

чтобы не погубить меня.

25Излей Свой гнев на народы, не знающие Тебя,

на народы, не призывающие Твоего имени,

за то, что они уничтожили потомков Якуба,

уничтожили и погубили их

и разорили их дома.