Isaias 2 – TCB & NASV

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 2:1-22

Kapayapaan sa Mundo

(Micas 4:1-3)

1Ito ang ipinahayag ng Dios kay Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at Jerusalem:

2Sa mga huling araw, ang bundok na kinatatayuan ng templo ng Panginoon ay magiging pinakamahalaga sa lahat ng bundok.

Dadagsa rito ang mga tao mula sa ibaʼt ibang bansa.

3Sasabihin nila, “Tayo na sa bundok ng Panginoon, sa templo ng Dios ni Jacob.

Tuturuan niya tayo roon ng kanyang mga pamamaraan upang sundin natin.”

Kaya magsisiuwi ang mga tao mula sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem, na dala ang Kautusan ng Panginoon.

4At sa pamamagitan ng mga kautusan niya, pagkakasunduin niya ang maraming bansa.

Kaya hindi na magdidigmaan ang mga bansa, at hindi na rin sila magsasanay ng mga sundalo para sa digmaan.

Gagawin na lang nilang talim ng araro ang kanilang mga espada, at karit na pantabas ang kanilang mga sibat.

5Halikayo, mga lahi ni Jacob, mamuhay tayo sa katotohanan,2:5 katotohanan: sa literal, liwanag. na ibinigay sa atin ng Panginoon.

Ang Araw na Magpaparusa ang Dios

6Totoong itinakwil nʼyo, Panginoon, ang mga mamamayan ninyo, ang lahi ni Jacob, dahil naniniwala sila sa mga pamahiing mula sa silangan at sa mga manghuhula, gaya ng mga Filisteo. Sinusunod nila ang pag-uugali ng mga dayuhan. 7Sagana sa pilak at ginto ang lupain ng Israel, at hindi nauubos ang kanilang kayamanan. Napakarami nilang kabayo, at hindi mabilang ang mga karwahe nila. 8Marami silang dios-diosan, at sinasamba nila ang mga bagay na ito na sila mismo ang gumawa. 9Kaya Panginoon, ibagsak nʼyo ang bawat isa sa kanila, nang mapahiya sila. Huwag nʼyo silang patatawarin.

10Mga taga-Israel, tumakas kayo papunta sa mga kweba at mga hukay para magtago sa galit ng Panginoon at sa kanyang kapangyarihan. 11Darating ang araw na tanging ang Panginoon lamang ang pupurihin. Ibabagsak niya ang mayayabang at mga mapagmataas. 12Sapagkat nagtakda ang Panginoong Makapangyarihan ng araw kung kailan niya ibabagsak ang mga mayayabang at mapagmataas, at ang mga nag-aakalang silaʼy makapangyarihan. 13Puputulin niya ang lahat ng matataas na puno ng sedro sa Lebanon at ang lahat ng puno ng ensina sa Bashan. 14Papantayin niya ang lahat ng matataas na bundok at burol, 15at wawasakin ang lahat ng matataas na tore at pader. 16Palulubugin niya ang lahat ng barko ng Tarshish at ang mga naggagandahang sasakyang pandagat. 17Ibabagsak nga niya ang mayayabang at mga mapagmataas. Tanging ang Panginoon ang maitataas sa araw na iyon. 18At tuluyan nang mawawala ang mga dios-diosan.

19Kapag niyanig na niya ang mundo, tatakas ang mga tao papunta sa mga kweba sa burol at sa mga hukay sa lupa para magtago sa galit ng Panginoon at sa kanyang kapangyarihan. 20Sa araw na iyon, itatapon nila sa mga daga at mga paniki ang mga rebulto nilang pilak at ginto na ginawa nila para sambahin. 21Tatakas nga sila papunta sa mga kweba sa burol at sa malalaking bato para magtago sa galit ng Panginoon at sa kanyang kapangyarihan kapag niyanig na niya ang mundo.

22Huwag kayong magtitiwala sa tao. Mamamatay lang din sila. Ano ba ang magagawa nila?

New Amharic Standard Version

ኢሳይያስ 2:1-22

የእግዚአብሔር ተራራ

1የአሞጽ ልጅ ኢሳይያስ ስለ ይሁዳና ስለ ኢየሩሳሌም ያየው ይህ ነው፤

2በዘመኑም ፍጻሜ፣

የእግዚአብሔር ቤተ መቅደስ ተራራ

ከተራሮች ከፍ ብሎ ይመሠረታል፤

ከኰረብቶችም በላይ ከፍ ከፍ ይላል፤

ሕዝቦችም ሁሉ ወደዚያ ይጐርፋሉ።

3ብዙ ሕዝቦችም መጥተው እንዲህ ይላሉ፤

“ኑ፤ ወደ እግዚአብሔር ተራራ፣

ወደ ያዕቆብ አምላክ ቤት እንውጣ፤

እርሱ መንገዱን ያስተምረናል፤

በጐዳናውም እንሄዳለን።”

ሕግ ከጽዮን፣

የእግዚአብሔር ቃል ከኢየሩሳሌም ይወጣልና።

4እርሱ በሕዝቦች መካከል ይፈርዳል፤

የብዙ ሰዎችን አለመግባባት ያስወግዳል።

እነርሱም ሰይፋቸውን ቀጥቅጠው ማረሻ፣

ጦራቸውንም ማጭድ ያደርጋሉ።

ሕዝብ በሕዝብ ላይ ሰይፍ አያነሣም፤

ጦርነትንም ከእንግዲህ አይማሩም።

5እናንተ የያዕቆብ ቤት ሆይ፤ ኑ፤

በእግዚአብሔር ብርሃን እንመላለስ።

የእግዚአብሔር ቀን

6የያዕቆብ ቤት የሆነውን

ሕዝብህን ትተሃል፤

እነርሱ በምሥራቅ ሰዎች ከንቱ አምልኮ ተሞልተዋልና፤

እንደ ፍልስጥኤማውያን ያሟርታሉ፤

ከባዕዳን ጋር አገና ይማታሉ።

7ምድራቸው በብርና በወርቅ ተሞልታለች፤

ሀብታቸውም ልክ የለውም።

ምድራቸው በፈረሶች ተሞልታለች፤

የሠረገሎቻቸውም ብዛት ልክ የለውም።

8ምድራቸው በጣዖታት ተሞልታለች፤

ጣቶቻቸው ላበጇቸው፣

ለእጆቻቸው ሥራ ይሰግዳሉ።

9ሰው ዝቅ ብሏል፤

የሰው ልጅም ተዋርዷል፤

ስለዚህ በደላቸውን ይቅር አትበል2፥9 ወይም፣ ከፍ አታድርጋቸው ማለት ነው።

10ከእግዚአብሔር አስፈሪነትና ከግርማው ሽሽ፤

ወደ ዐለቶች ሂድ፤

በመሬትም ውስጥ ተሸሸግ።

11የእብሪተኛ ሰው ዐይን ይሰበራል፤

የሰዎችም ትዕቢት ይዋረዳል፤

በዚያን ቀን እግዚአብሔር ብቻውን ከፍ ከፍ ይላል።

12የሰራዊት ጌታ እግዚአብሔር

እብሪተኛውንና ትዕቢተኛውን ሁሉ፣

የተኵራራውን በሙሉ

የሚያዋርድበት ቀን አለው።

13ረዥምና ከፍ ከፍ ያሉትን የሊባኖስ ዝግባዎች ሁሉ፣

የባሳንን የወርካ ዛፎች ሁሉ፣

14ታላላቁን ተራራ ሁሉ፣

ከፍ ያለውን ኰረብታ ሁሉ፣

15ረዣዥሙን ግንብ ሁሉ፣

የተመሸገውን ቅጥር ሁሉ፣

16የተርሴስን መርከቦች2፥16 ወይም የንግድ መርከቦች ማለት ነው። ሁሉ፣

የክብር ጀልባዎችን ሁሉ የሚያዋርድበት ቀን አለው።

17የሰው እብሪት ይዋረዳል፤

የሰውም ኵራት ይወድቃል፤

በዚያን ቀን እግዚአብሔር ብቻ ከፍ ከፍ ይላል፤

18ጣዖቶች ሁሉ ፈጽሞ ይወድማሉ።

19እግዚአብሔር ምድርን ለማናወጥ በሚነሣበት ጊዜ፣

ሰዎች ከአስፈሪነቱ

ከግርማውም የተነሣ፣

ወደ ዐለት ዋሻ፣

ወደ መሬትም ጕድጓድ ለመሸሸግ ይሮጣሉ።

20በዚያን ቀን ሰዎች

ሊያመልኳቸው ያበጇቸውን፣

የብርና የወርቅ ጣዖቶቻቸውን

ለፍልፈልና ለሌሊት ወፍ ይወረውራሉ።

21እግዚአብሔር ምድርን ለማናወጥ በሚነሣበት ጊዜ፣

ሰዎች ከአስፈሪነቱ

እንዲሁም ከግርማው የተነሣ፣

ወደ ድንጋይ ዋሻ፣

ወደ ዐለት ስንጣቂ ሮጠው ይገባሉ።

22እስትንፋስ አፍንጫው ላይ ባለች

በሰው አትታመኑ፤

ከቶ ምን የሚበጅ ነገር አለው!