Hukom 7 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Hukom 7:1-25

Tinalo ni Gideon ang mga Midianita

1Nang araw na iyon, maagang gumising si Jerubaal (na siya ring tawag kay Gideon) kasama ng mga tauhan niya. Nagkampo sila sa may bukal ng Harod. Nagkampo ang mga Midianita sa hilaga nila sa lambak malapit sa Bundok ng Moreh. 2Sinabi ng Panginoon kay Gideon, “Napakarami mong kasama. Baka isipin nila na natalo nila ang mga Midianita dahil sa sarili nilang kakayahan at hindi dahil sa akin. 3Kaya sabihan mo sila na kung sino man ang natatakot ay maaari nang umalis dito sa Bundok ng Gilead at umuwi na.” Nang sinabi ito ni Gideon, umuwi ang 22,000, at 10,000 na lang ang natira.

4Pero sinabi ng Panginoon kay Gideon, “Marami pa rin ang naiwan. Dalhin mo sila sa ilog at susubukin ko sila. Kung sino ang sasabihin kong makakasama ay isama mo, at ang sasabihin ko na huwag isama ay huwag mong isama.”

5Kaya dinala sila ni Gideon sa ilog. At dooʼy sinabi ng Panginoon, “Ibukod ang lahat ng umiinom ng tubig sa kanilang kamay na parang umiinom na aso, at ibukod din ang umiinom nang nakaluhod.” 6May 300 tao ang uminom sa kanilang mga kamay, at ang iba naman ay uminom na nakaluhod. 7Sinabi ng Panginoon kay Gideon, “Sa pamamagitan ng 300 taong ito ay ililigtas ko kayo at pagtatagumpayin sa mga Midianita. Ang mga natirang tao ay pauwiin na sa kani-kanilang lugar.” 8Kaya pinauwi nga sila ni Gideon matapos ipaiwan ang mga dala nilang baon at mga trumpeta; pinaiwan din niya ang 300 taong napili.

Ang kampo ng mga Midianita ay nasa ibaba lang ng bundok, kung saan sa itaas nito ay naroon sila Gideon. 9Nang gabing iyon, sinabi ng Panginoon kay Gideon, “Maghanda ka na! Lusubin nʼyo na ang kampo ng mga Midianita, dahil ipapatalo ko sila sa inyo. 10Kung natatakot kang lumusob, isama mo ang lingkod mong si Pura at pumunta kayo sa kampo ng mga Midianita, 11at pakinggan nʼyo kung ano ang sinasabi nila. Tiyak na lalakas ang loob mong lumusob dahil sa maririnig mo.” Kaya pumunta silang dalawa sa hangganan ng kampo ng mga Midianita, kung saan may mga sundalong nagbabantay. 12Nagkampo sa lambak ang mga Midianita, Amalekita at ang iba pang mga tao sa silangan na parang kasindami ng balang. Ang mga kamelyo nila ay parang buhangin sa dagat na hindi mabilang.

13Nang naroon na sina Gideon, may narinig silang dalawang tao na nag-uusap. Sinabi ng isa, “Nanaginip ako na may isang pirasong tinapay na sebada na gumulong papunta sa kampo natin at tumama ito nang malakas sa isang tolda. Pagkatapos, natumba ang tolda at nawasak.” 14Sumagot ang isa, “Ang panaginip moʼy walang iba kundi ang espada ni Gideon, ang Israelitang anak ni Joash. Pagtatagumpayin siya ng Dios laban sa mga Midianita at sa ating lahat.”

15Nang marinig ni Gideon ang panaginip at ang kahulugan nito, nagpuri siya sa Panginoon. At bumalik siya sa kampo ng mga Israelita at sinabi niya sa kanyang mga kasamahan, “Magsipaghanda kayo dahil pagtatagumpayin tayo ng Panginoon laban sa mga Midianita.” 16Hinati niya sa tatlong grupo ang 300 niyang tauhan, at binigyan ang bawat isa ng trumpeta at mga banga na may ilaw sa loob nito. 17At sinabi niya sa kanila, “Sundan nʼyo ako ng tingin. Kapag naroon na kami sa dulo ng kampo ng kalaban, gawin nʼyo kung ano ang gagawin ko. 18Kapag pinatunog ko at ng mga kasama ko ang mga trumpeta namin, ganoon din ang gawin nʼyo sa palibot ng kampo, at isigaw nʼyo nang malakas, ‘Para sa Panginoon at kay Gideon!’ ”

19Maghahatinggabi na nang dumating si Gideon at ang 100 niyang kasama sa hangganan ng kampo ng kalaban, kapapalit lang ng guwardya noon. Pinatunog nina Gideon ang mga trumpeta nila at pinagbabasag ang kanilang mga banga. 20Ganoon din ang ginawa ng ibang grupo. At habang hawak nila ang ilaw sa kaliwang kamay at ang trumpeta sa kanang kamay, sumisigaw sila, “Lumaban tayo gamit ang ating espada para sa Panginoon at kay Gideon.” 21Ang bawat isa ay pumwesto sa kanya-kanyang lugar sa palibot ng kampo, pero ang mga kalaban nila ay nagsisisigaw na nagsitakas. 22Habang tumutunog ang trumpeta ng 300 Israelita, pinaglaban-laban ng Panginoon ang mga Midianita sa loob ng kampo. Ang iba ay tumakas papunta sa Bet Shita malapit sa Zerera hanggang sa Abel Mehola malapit sa Tabat.

23Ipinatawag ni Gideon ang mga Israelita mula sa lahi nina Naftali, Asher at sa buong lahi ni Manase, at ipinahabol sa kanila ang mga Midianita. 24Nagsugo rin si Gideon ng mga mensahero para sabihin sa mga naninirahan sa kabundukan ng Efraim na magbantay sila sa Ilog ng Jordan hanggang sa sapa ng Bet Bara para hindi makatawid ang mga Midianita roon. Sinunod ito ng lahat ng lalaki sa Efraim, at binantayan nila ang Ilog ng Jordan hanggang sa sapa ng Bet Bara. 25Nabihag nila ang dalawang pinuno ng mga Midianita na sina Oreb at Zeeb. Pinatay nila si Oreb sa bato na tinawag na Bato ni Oreb, at si Zeeb ay pinatay nila sa pisaan ng ubas na tinawag na Pisaan ng Ubas ni Zeeb. Patuloy nilang hinabol ang mga Midianita. Pagkatapos, dinala nila ang ulo ni Oreb at ni Zeeb kay Gideon na naroon sa kabila ng Ilog ng Jordan.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

士师记 7:1-25

基甸打败米甸人

1耶路·巴力,也就是基甸,清早起来,率领众人在哈律泉旁扎营,米甸人的军营在他们北边靠近摩利山的谷中。

2耶和华对基甸说:“你的人太多了,我不能把米甸人交在你们手中,免得以色列人以为是靠自己的力量救了自己。 3你要向他们宣布,胆小害怕的人可以离开基列山回家。”结果两万二千人离去,只剩下一万人。

4但耶和华对基甸说:“人还是太多,你带他们到下面的泉水边,我会在那里为你挑选人员。” 5于是,基甸把他们带到泉水边,耶和华对他说:“把像狗一样用舌头舔水喝的和跪着喝水的分开。” 6那时有三百人捧水舔着喝,其余的都跪着喝。 7耶和华对基甸说:“我要用这三百舔水喝的人拯救你们,我要把米甸人交在你手中。让其余的人都回家吧。” 8于是,基甸留下这三百人,把其余人的食物和号角收集起来,让他们回家。米甸人的军营就在他们下面的山谷里。

9当天晚上,耶和华吩咐基甸说:“起来,下去攻打敌营吧!我已把敌人交在你手中了。 10如果你害怕,可以和你的仆人普拉一起下到敌营, 11听听他们说什么,你就有胆量攻打敌营了。”于是,基甸就带着仆人普拉下到敌营旁。 12米甸人、亚玛力人及东方人像蝗虫一样布满山谷,他们的骆驼如海边的沙一样不计其数。 13基甸到了那里,听见一个人对同伴说:“我做了个梦,梦见一个大麦饼滚进我们的营中,把一个帐篷撞翻在地。” 14他的同伴说:“那不是别的,正是以色列约阿施的儿子基甸的刀,上帝把米甸人和整个军营都交在他手中了。”

15基甸听了这梦和梦的解释,就俯伏敬拜上帝。他回到以色列人的营中,大声喊道:“起来吧,耶和华已经把米甸军营交在你们手中了。” 16基甸把三百人分成三队,分给他们号角和藏有火把的瓦瓶, 17对他们说:“你们要看我的行动,当我们走到敌营旁边时,我怎么做,你们也要怎么做。 18我们这队吹响号角时,你们也要在敌营四周吹响号角,高喊,‘为了耶和华!为了基甸!’”

19午夜初,守卫刚换班,基甸带着一百人来到米甸营旁。他们吹响号角,打破手中的瓦瓶。 20其余的二百人也吹响号角,打破瓦瓶。他们左手举着火把,右手拿着号角,高喊:“为耶和华和基甸而战!” 21他们在敌营周围各守其位,米甸全军边喊边逃。 22基甸的三百人一起吹响号角时,耶和华使米甸人自相残杀。他们逃往西利拉伯·哈示他,一直逃到靠近他巴亚伯·米何拉的边境。

23基甸号召拿弗他利亚设玛拿西以色列人追杀米甸败军, 24又派人到整个以法莲山区,吩咐当地人攻打米甸人,占据远至伯·巴拉一带的约旦河渡口。以法莲人都依言而行, 25还生擒了米甸人的两名首领俄立西伊伯。他们在俄立磐石上杀死了俄立,在西伊伯榨酒池杀了西伊伯。他们继续追杀米甸人,并带着俄立西伊伯的人头穿过约旦河,交给基甸