Tagalog Contemporary Bible

Josue 1:1-18

Ang Paghahanda sa Pag-agaw ng Canaan

1Nang mamatay na si Moises na lingkod ng Panginoon, sinabi ng Panginoon sa kanang-kamay ni Moises na si Josue na anak ni Nun, 2“Patay na ang lingkod kong si Moises. Kaya ngayon, maghanda kayo, ikaw at ang lahat ng Israelita, sa pagtawid sa Ilog ng Jordan papunta sa lupaing ibibigay ko sa inyo. 3Ayon sa ipinangako ko kay Moises, ibibigay ko sa inyo ang lahat ng lupaing mararating ninyo. 4Ito ang magiging teritoryo nʼyo: mula sa disyerto sa timog hanggang sa kabundukan ng Lebanon sa hilaga, at mula sa malaking Ilog ng Eufrates sa silangan, hanggang sa Dagat ng Mediteraneo sa kanluran, at ang lupain ng mga Heteo.

5“Walang makakatalo sa iyo habang ikaw ay nabubuhay. Sasamahan kita gaya ng pagsama ko kay Moises. Hindi kita iiwan o kayaʼy pababayaan. 6Magpakatatag ka at magpakatapang, dahil ikaw ang mamumuno sa mga taong ito para angkinin ang lupaing ipinangako ko sa mga ninuno nila. 7Bastaʼt magpakatatag ka lang at magpakatapang. Sundin mong mabuti ang lahat ng kautusan na ibinigay sa iyo ng lingkod kong si Moises. Huwag mo itong kalilimutan para magtagumpay ka sa lahat ng ginagawa mo. 8Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi para malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, uunlad ka at magtatagumpay. 9Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Dios, ay sasaiyo kahit saan ka pumaroon.”

10Kaya, inutusan ni Josue ang mga pinuno ng Israel, 11“Libutin ninyo ang kampo at sabihin ninyo sa mga tao na maghanda sila ng mga pagkain nila dahil sa ikatlong araw mula ngayon, tatawid tayo sa Ilog ng Jordan para angkinin ang lupaing ibinigay sa atin ng Panginoon na ating Dios.”

12At sinabi ni Josue sa mga lahi nina Reuben, Gad at sa kalahating lahi ni Manase, 13“Alalahanin nʼyo ang sinabi sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon. Sinabi niya na bibigyan kayo ng Panginoon na inyong Dios ng lugar na matitirhan na may kapahingahan. At ito na nga ang lupaing ibinigay niya sa inyo: 14Ang silangang bahagi ng Ilog ng Jordan. Mananatili rito ang mga asawa, mga anak at mga hayop ninyo. Pero dapat mauna ang mga sundalo sa pagtawid sa Jordan para tulungan ang mga kapatid ninyo, 15hanggang sa masakop nila ang lupaing ibinigay sa kanila ng Panginoon na ating Dios. Pagkatapos, maaari na kayong bumalik dito sa silangang bahagi ng Jordan, para angkinin ang lupaing ito na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod niya.”

16Sumagot sila kay Josue, “Gagawin namin ang lahat ng sinabi nʼyo, at pupunta kami kahit saan nʼyo kami ipadala. 17Susunod kami sa inyo gaya ng pagsunod namin kay Moises. Samahan nawa kayo ng Panginoon na inyong Dios gaya ng pagsama niya kay Moises. 18Papatayin ang sinumang lalabag sa pamumuno at utos ninyo. Kaya magpakatatag po kayo at magpakatapang!”

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

约书亚记 1:1-18

主对约书亚的吩咐

1耶和华的仆人摩西死了以后,耶和华对摩西的助手——的儿子约书亚说: 2“我的仆人摩西已经死了,现在你和全体以色列人要准备渡过约旦河,到我要赐给你们的地方去。 3我已把你们脚掌将踏之地都赐给了你们,正如我对摩西的应许。 4从南部的旷野直到北部的黎巴嫩,从东部的幼发拉底大河直到西部的地中海,包括人居住的全境,都将是你们的领土。 5在你有生之年,没有人能够抵挡你。过去我怎样与摩西同在,也必照样与你同在,我必不离开你,也不丢弃你。 6你要刚强勇敢,因为你要带领这些人占领我起誓赐给他们祖先的土地。 7你只要刚强勇敢,谨遵我仆人摩西所吩咐你的一切律法,毫不偏离,就可以无往不利。 8你要常常诵读这律法书,昼夜不断地思想,以便谨遵律法书上的一切指示。这样,你必亨通、顺利。 9我再次吩咐你,要刚强勇敢!不要害怕,也不要灰心,因为你无论走到哪里,你的上帝耶和华必与你同在。”

10于是,约书亚吩咐民众的首领说: 11“你们要走遍全营,吩咐大家预备好食物。因为三天之内,你们就要过约旦河,去占领你们的上帝耶和华赐给你们的土地。”

12约书亚又对吕便支派、迦得支派和玛拿西半个支派的人说: 13“你们要牢记耶和华的仆人摩西吩咐你们的话,他说你们的上帝耶和华要把约旦河东面的土地赐给你们,让你们安居。 14你们的妻子儿女和牲畜可以留在约旦河东岸摩西分给你们的土地上,但你们当中所有的勇士要带着兵器先过约旦河,帮助你们的弟兄。 15要等到你们的上帝耶和华使你们的弟兄像你们一样得到祂所赐的土地,安居以后,你们才可以回到约旦河东,在耶和华的仆人摩西分给你们的土地上定居。” 16他们回答约书亚说:“凡你命令我们的,我们一定遵行。无论你派我们去哪里,我们一定去。 17我们在一切的事上怎样服从摩西,也必照样服从你,愿你的上帝耶和华与你同在,像与摩西同在一样。 18任何人违抗你的命令,不照你的吩咐去做,都要被处死。你要刚强勇敢!”