Hosea 3 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Hosea 3:1-5

Si Hoseas at ang Kanyang Asawa

1Sinabi ng Panginoon sa akin, “Umalis ka at ipakita mong muli ang pagmamahal mo sa iyong asawa kahit na nangangalunya siya. Mahalin mo siya katulad ng pagmamahal ko sa mga mamamayan ng Israel kahit na sumasamba sila sa ibang mga dios at gustong maghandog sa kanila ng mga tinapay na may mga pasas.”

2Kaya binili ko siya3:2 binili ko siya: Hindi matiyak kung siyaʼy kailangang bilhin. Iba-iba ang mga pakahulugan dito. sa halagang 15 pirasong pilak at apat na sakong sebada.3:2 apat na sakong sebada: sa Septuagint, tatlong sakong sebada at ilang litrong alak. 3At sinabi ko sa kanya, “Makisama ka sa akin ng mahabang panahon, at huwag ka nang sumiping sa ibang lalaki. Kahit ako ay hindi muna sisiping sa iyo.” 4Nangangahulugan ito na sa mahabang panahon ang mga Israelita ay mawawalan ng hari, pinuno, mga handog, alaalang bato, espesyal na damit3:4 espesyal na damit: sa Hebreo, efod. sa panghuhula, at mga dios-diosan. 5Pero sa bandang huli, magbabalik-loob silang muli sa Panginoon nilang Dios at sa lahi ni David na kanilang hari. Buong paggalang silang lalapit sa Panginoon dahil sa kanyang kabutihan.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

何西阿书 3:1-5

何西阿赎回不贞之妻

1耶和华对何西阿说:“你要再去爱那个另有新欢的淫妇,像耶和华爱以色列人一样爱她。尽管他们祭拜别的神明,喜爱葡萄饼,耶和华仍然爱他们。” 2于是,我用一百七十克银子和一百五十公斤大麦赎回她, 3对她说:“你要和我住许多日子。这期间不可行淫,不可亲近别的男人,我也不与你同房。” 4以色列人也要有许多日子没有君王和首领,没有祭祀和神柱,也没有以弗得和家庭神像。 5之后,以色列人将回心转意,寻求他们的上帝耶和华,归向他们的君王大卫。在末后的日子,他们将怀着敬畏的心归向耶和华,领受祂的恩惠。