Hosea 2 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Hosea 2:1-23

1“Kaya tawagin ninyo ang inyong kapwa Israelita na ‘Aking mga mamamayan’2:1 Aking mga mamamayan: sa Hebreo, Ami. at ‘Kinaawaan.’ ”2:1 Kinaawaan: sa Hebreo, Ruhama.

Sumama sa Ibang Lalaki si Gomer

2Mga anak, sawayin ninyo ang inyong ina dahil iniwan na niya ako na kanyang asawa. Sabihin ninyo na dapat tigilan na niya ang pangangalunya. 3Kung hindi siya titigil ay huhubaran ko siya, at ang kahubaran niya ay gaya noong siya ay isinilang. Gagawin ko siyang parang disyerto o ilang, at pababayaang mamatay sa uhaw. 4-5At kayong mga anak niya ay hindi ko kaaawaan, dahil mga anak kayo ng babaeng nangangalunya. Nakakahiya ang ginagawa ng inyong inang nagsilang sa inyo. Sinabi pa niya, ‘Hahabulin ko ang aking mga lalaki na nagbibigay sa akin ng pagkain, tubig, telang lana at linen, langis, at inumin.’

6“Kaya babakuran ko siya ng matitinik na mga halaman para hindi siya makalabas. 7Habulin man niya ang kanyang mga lalaki, hindi niya maaabutan. Hahanapin niya sila pero hindi rin niya makikita. Pagkatapos, sasabihin niya, ‘Babalik na lang ako sa asawa ko dahil higit na mabuti ang kalagayan ko noon sa piling niya kaysa sa ngayon.’

8“Hindi niya naisip na ako ang nagbigay sa kanya ng mga butil, ng bagong katas ng ubas, langis, at maraming pilak at ginto na ginawang rebulto ni Baal na kanilang dios-diosan. 9Kaya pagdating ng tag-ani ay babawiin ko ang mga butil at ang bagong katas ng ubas na aking ibinigay. Babawiin ko rin ang mga telang lana at linen na ibinigay ko na sanaʼy pantakip sa kanyang kahubaran. 10At ngayon, ilalantad ko ang kanyang kahalayan sa harap ng kanyang mga lalaki, at walang makapagliligtas sa kanya mula sa aking mga kamay. 11Wawakasan ko na ang lahat ng espesyal na araw ng pagsamba na ginagawa niya taun-taon, buwan-buwan, at linggu-linggo.2:11 buwan-buwan, at linggu-linggo: sa literal, Pista ng Pagsisimula ng Buwan at Araw ng Pamamahinga. 12Sisirain ko ang mga ubasan niya at mga puno ng igos na ibinayad daw sa kanya ng kanyang mga lalaki. Gagawin ko itong parang gubat at kakainin ng mga mababangis na hayop sa gubat ang mga bunga nito. 13Parurusahan ko siya dahil may mga panahong nagsusunog siya ng mga insenso sa dios-diosang si Baal. Nagsuot siya ng mga alahas at humabol sa kanyang mga lalaki, at kinalimutan niya ako. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

14“Pero masdan mo, dadalhin ko siya sa ilang at muling liligawan hanggang sa mapaibig ko siyang muli. 15Pagbalik namin, ibabalik ko sa kanya ang mga ubasan niya, at ang Lambak ng Acor2:15 Acor: Ang ibig sabihin, kaguluhan. ay gagawin kong daanan na magpapaalala ng magandang kinabukasan. At sasagutin niya ako katulad ng ginawa niya noong panahon ng kanyang kabataan, noong kinuha ko siya sa lupain ng Egipto.”

16Sinabi ng Panginoon sa mga Israelita, “Sa araw na iyon ng inyong pagbabalik sa akin, tatawagin ninyo ako na inyong asawa at hindi na ninyo ako tatawaging Baal.2:16 Baal: Pangalan ito ng isang dios-diosan sa Canaan na ipinangalan din ng mga Israelita sa Panginoon. Ang Baal ay nangangahulugan din na “amo”. 17Hindi ko na hahayaang banggitin ninyo ang mga pangalan ni Baal. 18Sa araw na iyon, makikipagkasundo ako sa lahat ng uri ng hayop na huwag nila kayong sasaktan. Aalisin ko sa lupain ng Israel ang lahat ng sandata tulad ng mga pana at espada. At dahil wala nang digmaan, matutulog kayong ligtas at payapa.

19“Ituturing ko kayong asawa magpakailanman. Gagawin ko sa inyo ang matuwid at tama. Mamahalin ko kayo at kaaawaan. 20Itatalaga ko sa inyo ang aking sarili nang buong katapatan, at kikilalanin na ninyo ako bilang Panginoon. 21Sa araw na iyon, sasagutin ko ang mga dalangin ninyo. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito. Magpapadala ako ng ulan upang tumubo sa lupa 22ang mga trigo, ubas, at mga olibo para sa inyo na tinatawag na Jezreel.2:22 Jezreel: Sina Jezreel (talatang 22), Lo Ruhama at Lo Ami (talatang 23) ay mga anak nina Hoseas at Gomer (1:3-9), pero ang kanilang mga pangalan dito ay mga tawag sa Israel. 23Patitirahin ko kayo sa inyong lupain bilang mga mamamayan ko. Kaaawaan ko kayong tinatawag na Lo Ruhama,2:23 Lo Ruhama: Ang ibig sabihin, hindi kinaawaan. at tatawagin ko kayong aking mga mamamayan kayong tinatawag na Lo Ami.2:23 Lo Ami: Ang ibig sabihin, hindi ko mga mamamayan. At sasabihin ninyo na ako ang inyong Dios.”

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

何西阿书 2:1-23

1“你们要称你们的弟兄为阿米2:1 阿米”意思是“我的子民”。,要称你们的姊妹为路哈玛2:1 路哈玛”意思是“得蒙怜悯”。

对不贞之妇的控诉

2“你们去跟你们的母亲理论吧!

因为她不再是我的妻子,

我也不再是她的丈夫。

叫她别再出卖色相,

别再露出乳间的淫态。

3不然,我要剥光她的衣服,

使她像初生之时一样赤身露体;

我要使她像沙漠,如旱地,

干渴而死。

4我也不怜悯她的儿女,

因为他们都是娼妓所生的儿女。

5他们的母亲淫乱放荡,厚颜无耻,

她说,‘我要跟随我的情人,

他们给我食物和水、羊毛和麻布、油和酒。’

6因此,我要用荆棘围堵她,

筑墙阻断她的去路。

7她要追随情人,却追不上;

寻找情人,却找不到。

于是,她说,‘我倒不如回到丈夫身边,

我从前的光景比现在还好。’

8她不知道是我给她五谷、新酒和油,

又赐给她大量金银——

她却用这些供奉巴力

9因此,到了收割和酿酒的季节,

我要收走我的五谷和新酒,

夺回我给她遮体的羊毛和麻布。

10我要当着她情人的面剥光她的衣服,

显出她的淫态,

无人能从我手中把她救出去。

11我要终止她一切的欢庆,

终止她的年节、朔日2:11 朔日”即每月初一。、安息日及其他节期。

12她说她的葡萄树和无花果树是情人给她的报酬,

我要摧毁它们,

使它们变为荒林,

被野兽吞吃。

13我要惩罚她,

因为她在节日向巴力烧香。

那时她戴耳环佩首饰,

追逐她的情人,把我忘记。

这是耶和华说的。

对不贞之妇的爱

14“然而,我要挽回她,

领她到旷野,

柔声安慰她。

15我要把葡萄园赐给她,

使灾祸之谷2:15 灾祸之谷”希伯来文是“亚割谷”,“亚割”意思是“灾祸”。参见约书亚记第七章。成为希望之门。

她要在那里快乐地歌唱,

如在妙龄时的日子,

如从埃及出来之时。”

16耶和华说:

“那时,你要称我为丈夫,

不再称我为主人2:16 此处的“主人”希伯来文是“巴力”。“巴力”意思是“主人或丈夫”,也是迦南人神明的名字。

17我要从你口中除掉巴力的名字,

再也不让你提起。

18那时,我要跟田间的走兽、空中的飞鸟及地上的爬虫立约,

使它们不再伤害你。

我要在你境内毁灭战弓和刀剑,止息战事,

使你安居乐业。

19我要聘你永远做我的妻,

以仁义、正直、慈爱、怜悯聘你。

20我要以信实聘你为妻,

这样你必认识耶和华。”

21耶和华说:

“那时,我要应允,

我要应允天的祈求,

天要应允地的祈求,

22地要应允五谷、新酒和油的祈求,

五谷、新酒和油要应允耶斯列的祈求。

23我要把你栽种在这片土地上,归我所有。

我要怜悯那不蒙怜悯的人,

对那不是我子民的人说,‘你是我的子民。’

他们也要对我说,‘你是我的上帝。’”