Exodus 26 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Exodus 26:1-37

Ang Toldang Sambahan

(Exo. 36:8-38)

1“Magpagawa ka ng Toldang Sambahan. Ito ang mga gagamitin sa paggawa nito: sampung piraso ng pinong telang linen na may lanang kulay asul, ube at pula. At paburdahan ito ng kerubin sa mahuhusay na mambuburda. 2Kailangang magkakasukat ang bawat tela na may habang 42 talampakan at may lapad na anim na talampakan. 3Pagdugtong-dugtungin ninyo ito ng tiglilima. 4At pagawan mo ng parang singsing na telang asul ang bawat gilid ng pinagdugtong na mga tela, 5at tig-50 na parang singsing na tela sa bawat dulo at kailangan magkatapat sa isaʼt isa. 6Magpagawa ka ng 50 kawit na ginto para mapagkabit ang parang mga singsing na tela sa dalawang pinagsamang tela. Sa pamamagitan nito, magagawa ang Toldang Sambahan.

7“Pagawan mo ng talukbong ang Tolda. Labing-isang pirasong tela na gawa sa balahibo ng kambing ang gagamitin sa paggawa nito. 8Kailangang may haba na 45 talampakan ang bawat tela at anim na talampakan ang lapad. 9Pagdugtong-dugtungin mo ang limang tela at ganoon din ang gawin sa natirang anim. Ang ikaanim naman ay tutupiin at ilalagay sa harap ng tolda. 10Palagyan mo rin ito ng 50 parang singsing na tela ang bawat gilid ng pinagdugtong na mga tela, 11at ikabit dito ang 50 tansong kawit. 12Ilaylay mo sa likod ng Tolda ang kalahati ng sobrang tela, 13at ilaylay din sa bawat gilid ang isaʼt kalahating talampakan ng tela na sobra sa pangtalukbong ng Tolda. 14Ang ibabaw ng talukbong ng Tolda ay papatungan ng balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, at papatungan din ng magandang klase ng balat.26:14 magandang klase ng balat: Maaaring ang ibig sabihin, balat ng “dolphin.”

15“Dapat ang balangkas ng Tolda ay tablang akasya. 16Ang haba ng bawat tabla ay 15 talampakan at ang lapad ay dalawang talampakan. 17Ang bawat tabla ay nilagyan ng dalawang mitsa26:17 mitsa: sa Ingles, “tenon.” para maidugtong ito sa isa pang tabla. Ganito ang ginawa nila sa bawat tabla. 18Ang 20 sa mga tablang ito ay gagamitin sa pagtatayo ng Tolda sa timog na bahagi. 19Ang mga tablang ito ay isinuksok sa 40 pundasyong pilak – dalawang pundasyon sa bawat tabla. 20Ang hilagang bahagi ng Tolda ay gagamitan din ng 20 tabla, 21at isinuksok din sa 40 pundasyong pilak – dalawang pundasyon sa bawat tabla. 22Ang bandang kanlurang bahagi naman ng Tolda ay ginamitan nila ng anim na tabla, 23at dalawang tabla sa mga gilid nito. 24Pagdugtungin ang mga tabla sa mga sulok mula sa ilalim hanggang sa itaas. Kailangang ganito rin ang gawin sa dalawang tabla sa mga gilid. 25Kaya may walong tabla sa bahaging ito ng Tolda, at nakasuksok ito sa 16 na pundasyong pilak – dalawang pundasyon sa bawat tabla.

26“Magpagawa ka rin ng mga akasyang biga – lima para sa bahaging hilaga ng Tolda, 27lima rin sa bahaging timog, at lima pa rin sa bahaging kanluran sa likod ng Tolda. 28Ang biga sa gitna ng balangkas ay manggagaling sa dulo ng Tolda papunta sa kabilang dulo. 29Pabalutan ng ginto ang mga tabla at palagyan ng mga argolyang26:29 argolya: Tingnan ang “footnote” sa 25:12. Ganito rin sa 27:4. ginto na pagsusuotan ng mga biga, pabalutan din ng ginto ang mga biga.

30“Kailangang ipatayo mo ang Toldang Sambahan ayon sa planong sinabi ko sa iyo rito sa bundok.

31“Magpagawa ka rin ng kurtina na gawa sa pinong telang linen na may lanang kulay asul, ube at pula. At paburdahan mo ito ng kerubin. 32Ipakabit ito sa mga kawit na ginto sa apat na haliging akasya na nababalutan ng ginto. Ang apat na haliging ito ay nakasuksok sa apat na pundasyong pilak. 33Kapag nakabit na ang kurtina sa mga kawit, ilagay sa likod nito ang Kahon ng Kasunduan. Ang kurtina ang maghihiwalay sa Banal na Lugar at sa Pinakabanal na Lugar. 34Ang Kahon ng Kasunduan ay dapat ilagay sa Pinakabanal na Lugar at dapat may takip ito. 35Ilagay ang mesa sa labas ng Pinakabanal na Lugar, sa hilagang bahagi ng Tolda, at sa bandang timog, ilagay sa tapat ng mesa ang lalagyan ng ilaw.

36“Magpagawa ka ng isa pang kurtina para sa pintuan ng Toldang Sambahan. Pinong telang linen rin ito na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube at pula. At napakaganda ng pagkakaburda nito. 37Pagkatapos, ipakabit ito sa mga kawit na ginto sa limang haliging akasya na nababalutan ng ginto. Ang limang haliging ito ay nakasuksok sa limang pundasyong tanso.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

出埃及记 26:1-37

圣幕的做法

1“要用十幅幔子造圣幕,这些幔子要用细麻线和蓝、紫、朱红三种颜色的毛线织成,还要用精致的手工绣上基路伯天使。 2每幅幔子的尺寸都一样,长十二米、宽两米。 3每五幅连在一起,形成两幅大幔子。 4要在每幅大幔子边缘钉上蓝色的扣环, 5每幅大幔子钉五十个,扣环要两两相对, 6再做五十个金钩,把两幅大幔子连在一起,成为圣幕。

7“要用山羊毛织十一幅幔子作圣幕的罩棚, 8每幅长十三米、宽两米。十一幅幔子的尺寸都要一样。 9然后,你们要把五幅连成一大幅,其余六幅连成一大幅,第六幅要在圣幕前叠起来。 10要在这两幅幔子的边缘各钉上五十个扣环, 11再做五十个铜钩,把这两幅大幔子扣在一起,成为一个完整的罩棚。 12铺罩棚所剩下来的半幅幔子要垂到圣幕后面。 13两旁余下的幔子可垂在圣幕的两边,每边长五十厘米,盖着圣幕。 14罩棚上面要盖一层染成红色的公羊皮,再盖一层海狗皮做顶盖。

15“要用皂荚木做支撑圣幕的木板, 16每块木板长四米,宽六十六厘米。 17每块木板要有两个接榫,好连接在一起。圣幕的所有木板都要这样。 18圣幕的南面要有二十块木板, 19在这些木板下面要造四十个带凹槽的银底座,每块木板下面两个,用来套在木板的两个接榫上。 20圣幕北面也要有二十块木板, 21这些木板下面也要装上四十个带凹槽的银底座,每块木板下面有两个银底座。 22圣幕后面,就是西面,要有六块木板。 23圣幕后面的两个拐角要各有两块木板, 24木板的下端连于底座26:24 连于底座”或译“是双层的”。,顶端用一个环固定。两个拐角都要这样做。 25这样,两端便共有八块木板,每块木板下面各有两个带凹槽的银底座,一共有十六个银底座。

26-27“要用皂荚木做横闩,圣幕左右两边及后面的墙板上要各有五根横闩, 28拦腰固定墙板的那根横闩要从这端贯穿到那端。 29所有的木板和横闩都要包上金,并要在木板上造金环,用来穿横闩。 30要照着我在山上所指示你的样式,把圣幕支搭起来。

造至圣所的条例

31“要用细麻线和蓝色、紫色、朱红色的线织成一幅幔子,上面用精致的手工绣上基路伯天使。 32要把这幅幔子挂在四根包金的皂荚木柱上,木柱上面有金钩,木柱立在四个带凹槽的银底座上面。 33要把整幅幔子挂在木柱的金钩上,把约柜抬进幔子里。这幔子把圣幕分为两个部分,幔子里面是至圣所,外面是圣所。 34要把施恩座放在至圣所里面的约柜上。 35桌子要放在幔子的外面、圣所的北面,灯台放在南面,跟桌子相对。 36要用细麻线和蓝色、紫色、朱红色的线绣制圣幕的门帘。 37要用皂荚木做五根挂门帘的柱子,柱子包上金,上面要有金钩,并要为柱子造五个带凹槽的铜底座。