Exodus 25 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Exodus 25:1-40

Mga Handog para sa Toldang Tipanan

(Exo. 35:4-9)

1Sinabi ng Panginoon kay Moises, 2“Sabihin mo sa mga Israelita na maghandog sila sa akin. Ikaw ang tumanggap ng kanilang mga handog na gusto nilang ialay sa akin. 3Ito ang mga handog na tatanggapin mo mula sa kanila: ginto, pilak, tanso, 4lanang kulay asul, ube at pula, manipis na telang linen, tela na gawa sa balahibo ng kambing, 5balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, magandang klase ng balat, kahoy na akasya, 6langis ng olibo para sa ilaw, mga sangkap sa langis na pamahid at pabango sa insenso, 7batong onix at iba pang mamahaling bato na ilalagay sa espesyal na damit25:7 espesyal na damit: sa Hebreo, “efod.” ng punong pari at sa bulsa sa dibdib nito.

8“Ipagawa mo sa mga mamamayan ng Israel ang Toldang Sambahan para sa akin kung saan titira akong kasama nila. 9Ipagawa mo ang Toldang Sambahan at ang mga kagamitan dito ayon sa eksaktong tuntunin na sinabi ko sa iyo.

Ang Kahon ng Kasunduan

(Exo. 37:1-9)

10“Magpagawa ka ng Kahon na yari sa akasya – mga 45 pulgada ang haba, 27 pulgada ang lapad at 27 pulgada rin ang taas. 11Balutan ninyo ito ng purong ginto sa loob at labas, at palagyan ng hinulmang ginto ang paligid nito. 12Maghulma ka ng apat na argolyang25:12 argolya: korteng singsing. ginto at ikabit ito sa apat na paa nito, dalawa sa bawat gilid. 13Magpagawa ka rin ng tukod na akasya at balutan ito ng ginto. 14Isuot mo ang tukod sa mga argolyang ginto sa bawat gilid ng Kahon para mabuhat ang Kahon sa pamamagitan ng mga tukod. 15Huwag ninyong tatanggalin ang argolyang ginto sa tukod ng Kahon. 16Pagkatapos, ipasok mo sa Kahon ang malapad na bato na ibinigay ko sa iyo, kung saan nakasulat ang aking mga utos.

17“Pagawan mo ng takip na purong ginto ang Kahon, na 45 pulgada ang haba at 27 pulgada ang lapad. 18-19Magpagawa ka rin ng dalawang gintong kerubin, ilalagay ito sa dalawang dulo ng takip ng Kahon. 20Kailangan nakalukob ang pakpak ng mga kerubin sa ibabaw ng takip para maliliman nila ito, at kailangang magkaharap silang dalawa na nakatingin sa takip. 21Ilagay mo sa Kahon ang malapad na bato na ibinigay ko sa iyo, kung saan nakasulat ang mga utos ko, at pagkatapos ay takpan mo ang Kahon. 22Makikipagkita ako sa iyo roon sa gitna ng dalawang kerubin na nasa ibabaw ng Kahon, at ibibigay ko sa iyo ang lahat ng utos para sa mga mamamayan ng Israel.

Ang Mesa na Pinaglalagyan ng Tinapay

(Exo. 37:10-16)

23“Magpagawa ka rin ng mesang akasya, na may sukat na 36 na pulgada ang haba, 18 pulgada ang lapad at 27 pulgada ang taas. 24Balutan mo ito ng purong ginto at lagyan ng hinulmang ginto ang mga paligid nito. 25Palagyan nʼyo rin ito ng sinepa sa bawat gilid, apat na pulgada ang lapad, at palagyan ng hinulmang ginto ang sinepa. 26Magpagawa ka rin ng apat na argolyang ginto at ikabit sa apat na sulok ng mesa, 27malapit sa sinepa. Dito ninyo ipasok ang mga tukod na pambuhat sa mesa. 28Dapat ay akasya ang tukod at nababalutan ng ginto.

29“Magpagawa ka rin ng mga pinggan, tasa, banga at mga mangkok na gagamitin para sa handog na inumin. Kailangang purong ginto ang mga ito. 30At kailangang palaging lagyan ng tinapay na inihahandog sa aking presensya ang mesang ito.

Ang Lalagyan ng Ilaw

(Exo. 37:17-24)

31“Magpagawa ka rin ng lalagyan ng ilaw na purong ginto ang paa, katawan at mga palamuting hugis bulaklak, na ang ibaʼy buko pa lang at ang ibaʼy nakabuka na. Ang palamuting ito ay dapat kasama nang gagawin ang katawan ng lalagyan ng ilaw. 32Ang lalagyan ng ilaw ay may anim na sanga, tigtatatlo sa bawat gilid. 33Ang bawat sanga ay may tatlong lalagyan na hugis bulaklak ng almendro.25:33 almendro: sa Ingles, “almond.” 34Ang katawan ng lalagyan ng ilaw ay may apat na palamuting hugis bulaklak ng almendro, na ang ibaʼy buko pa at ang ibaʼy nakabuka na. 35May isang hugis bulaklak sa ilalim ng bawat pares ng anim na sanga. 36Ang mga palamuting bulaklak at ang mga sanga ay isang piraso lamang nang hinulma ang lalagyan ng ilaw.

37“Magpagawa ka ng pitong ilawan at ilagay sa lalagyan nito para mailawan ang lugar sa harapan nito. 38Ang mga panggupit ng mitsa ng ilaw at mga pansahod ng abo ng ilaw ay dapat purong ginto rin. 39Ang kailangan mo sa pagpapagawa ng lalagyan ng ilaw at sa lahat ng kagamitan nito ay 35 kilo ng purong ginto. 40Siguraduhin mong ipapagawa mo ang lahat ng ito ayon sa planong ipinakita ko sa iyo rito sa bundok.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

出埃及记 25:1-40

奉献的条例

1耶和华对摩西说: 2“你去告诉以色列百姓要献礼物给我。你们要为我收下所有甘愿献上的礼物。 3你们要收的礼物是金,银,铜, 4细麻线,山羊毛,蓝色、紫色和朱红色的线, 5染成红色的公羊皮,海狗皮,皂荚木, 6灯油,制作膏油和香的香料, 7用来镶嵌在以弗得和胸牌上的红玛瑙及其他宝石。 8要为我造一座圣所,我好住在他们中间。 9你们要照我的指示去造圣幕和里面各样的器具。

造约柜的条例

10“要用皂荚木做一个柜,长一点一米,宽六十六厘米,高六十六厘米, 11里外都要包上纯金,要用金子镶柜边。 12再造四个金环,安在柜的四个脚上,每边两个环。 13用皂荚木造两根横杠,外面要包上金, 14然后把横杠穿过柜旁的金环,便于抬柜。 15横杠穿进环以后,不可再抽出来。 16把我将要赐给你的两块约版放在柜里。 17要用纯金造一个施恩25:17 施恩”或译“赎罪”。座,长一点一米,宽六十六厘米。 18用纯金在施恩座的两端打造两个基路伯天使, 19跟施恩座连在一起,一端一个。 20两个基路伯天使要面对面朝向施恩座,向上展开翅膀,遮盖施恩座。 21要把施恩座放在柜上面,把我赐给你的约版放在柜里。 22我就在那里跟你会面,从两个基路伯天使中间的施恩座上,把要传给以色列百姓的一切诫命告诉你。

造供桌的条例

23“要用皂荚木造一张桌子,长八十八厘米,宽四十四厘米,高六十六厘米。 24整张桌子都要包上纯金,四周镶上金边, 25在桌子四周造一个八厘米宽的外框,上面也镶上金边。 26要造四个金环,安在桌子四角的桌腿上, 27金环要靠近外框,以便穿横杠抬桌子。 28两根横杠要用皂荚木制作,外面包金,用来抬桌子。 29你们要用纯金造桌子上的盘、碟和献酒用的杯和瓶。 30桌子上要一直摆着供饼,献在我面前。

造灯台的条例

31“要用纯金造一个灯台,灯台的灯座、灯柱、油杯、花瓣和花苞要用一块纯金打造。 32灯台的两边要各伸出三个分枝,共六个分枝。 33每个分枝要伸出三个杏花形状、有花瓣和花苞的杯,六个分枝都是这样。 34灯台上要有四个杏花形状、有花瓣和花苞的杯。 35灯台上每一对分枝的相连处要有花苞,三对都是这样。 36整座灯台,包括一切装饰,都要用一块纯金打造。 37此外,要为灯台造七个灯盏,放在灯台上面,照亮前面的地方。 38灯台用的灯剪和灯花盘都要用纯金造。 39造整座灯台和灯台的器具要用三十四公斤纯金。 40你务要照着在山上指示你的样式造这些器具。