Exodus 11 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Exodus 11:1-10

Ang Kamatayan ng mga Panganay na Lalaki sa Egipto

1Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Padadalhan ko ng isa pang salot ang Faraon at ang Egipto. Pagkatapos nito, paaalisin na niya kayo. Itataboy pa niya kayo dahil gusto niyang makaalis agad kayo. 2Sabihin mo sa mga Israelita, lalaki man o babae, na humingi sila ng mga alahas na pilak at ginto sa mga kapitbahay nila na Egipcio.” 3(Niloob ng Panginoon na maging mabait ang mga Egipcio sa mga Israelita. At iginalang si Moises ng mga opisyal ng Faraon at ng mga mamamayan ng Egipto.)

4Kaya sinabi ni Moises sa Faraon, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Dadaan ako sa Egipto mga bandang hatinggabi, 5at mamamatay ang lahat ng panganay na lalaki sa Egipto, mula sa panganay ng Faraon na papalit sa kanyang trono, hanggang sa panganay ng pinakamababang aliping babae. Mamamatay din ang lahat ng panganay ng mga hayop. 6Maririnig ang matinding iyakan sa buong Egipto na hindi pa nangyayari kailanman at hindi na mangyayari pang muli. 7Pero magiging tahimik ang mga Israelita; kahit tahol ng asoʼy walang maririnig.’ Sa pamamagitan nito, malalaman ninyo na iba ang pagtrato ng Panginoon sa mga Israelita at sa mga Egipcio. 8Lahat ng iyong mga opisyal ay lalapit sa akin na nakayuko at magsasabi, ‘Umalis ka na at isama mo ang mga mamamayang sumusunod sa iyo!’ Pagkatapos nito, aalis na ako.” At umalis si Moises sa harapan ng galit na galit na Faraon.

9Sinabi noon ng Panginoon kay Moises, “Hindi maniniwala ang Faraon sa iyo, para marami pang himala ang magawa ko sa Egipto.” 10Ginawa nila Moises at Aaron ang mga himalang ito sa harap ng Faraon, pero pinatigas ng Panginoon ang puso ng Faraon, at hindi pinayagan ng Faraon na umalis ang mga Israelita sa kanyang bansa.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

出埃及记 11:1-10

灭长子之灾

1耶和华对摩西说:“我给法老和埃及再降下一场灾难,之后他必放你们走,甚至是迫不及待地赶你们走。 2你要告诉以色列人,不论男女,去向邻近的埃及人索取金器银器。” 3耶和华使埃及人恩待以色列人,法老的臣仆和百姓极其尊重摩西

4摩西说:“耶和华说,‘今晚半夜,我要走遍埃及5埃及境内,从坐王位的法老的长子到推磨的女奴的长子,以及所有头生的牲畜,都必死亡。 6那时整个埃及必充满悲惨的哭号声,惨况空前绝后。 7但在以色列人中,连狗也不会向人或牲畜吠叫,这样你们就知道耶和华将把埃及人和以色列人分开。 8到那天,你所有的臣仆都要来俯伏在我面前,求我和跟随我的百姓离开这里。那时我才会离开。’”摩西说完便怒气冲冲地离开法老。 9耶和华曾对摩西说:“法老一定不肯听你的话,因此我要在埃及多行神迹。” 10摩西亚伦在法老面前行了这一切的神迹,但耶和华使法老的心刚硬,他不让以色列人离开他的国土。