Awit 3 – TCB & CCBT

Tagalog Contemporary Bible

Awit 3:1-11

1Sa gabi, habang akoʼy nakahiga, nananabik ako sa aking minamahal. Hinahanap-hanap ko siya, subalit hindi makita. 2Kaya bumangon akoʼt nilibot ang lungsod, mga lansangan, at mga liwasan. Hinanap ko ang aking mahal, pero hindi ko siya makita. 3Nakita ako ng mga guwardya na naglilibot sa lungsod. Tinanong ko sila, “Nakita ba ninyo ang mahal ko?”

4Hindi pa man ako nakakalayo sa kanila, nakita ko ang mahal ko. Hinawakan ko siya ng buong higpit at hindi binitiwan hanggang nadala ko siya sa bahay ng aking ina, doon sa silid kung saan ako nabuo. 5Kayong mga dalaga ng Jerusalem, mangako kayo sa pamamagitan ng mga batang usa at gasela, na hindi ninyo hahayaang ang pag-ibig ay umusbong hanggaʼt hindi pa dumarating ang tamang panahon.

Mga Babae ng Jerusalem

6Sino kaya itong dumarating mula sa ilang na tila makapal na usok na amoy mira at insensong itinitinda ng mangangalakal? 7Tingnan ninyo! Iyan ang karwahe ni Solomon na napapalibutan ng 60 pinakamagagaling na kawal ng Israel. 8Lahat silaʼy mayroong espada at bihasa sa pakikipaglaban. Laging handa kahit sa gabi man sumalakay. 9Ang karwaheng iyon na ipinagawa ni Haring Solomon ay yari sa kahoy na galing sa Lebanon. 10Nababalot sa pilak ang haligi nito at palamuting ginto ang tumatakip dito. Ang kutson ng upuan ay binalot sa telang kulay ube at mga babaeng taga-Jerusalem ang nagpaganda ng loob ng karwahe.

Babae

11Lumabas kayo, kayong mga dalaga ng Jerusalem,3:11 Jerusalem: sa Hebreo, Zion. at tingnan ninyo si Haring Solomon na may korona. Ipinutong ito sa kanya ng kanyang ina sa araw ng kanyang kasal – ang araw na buong puso niyang ikinagalak.

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

雅歌 3:1-11

1我夜晚躺在床上,

思念著我心愛的人;

我尋找他,卻找不到。

2我要起來尋遍城裡的大街小巷,

我要尋找我心愛的人。

我尋找他,卻尋不到。

3遇上了城中巡邏的守衛,

我就問他們:「你們看到我心愛的人了嗎?」

4我剛離開他們,便找到了我心愛的人。

我拉著他,不讓他走;

我把他帶回娘家,

到懷我者的臥室。

5耶路撒冷的少女啊!

我指著羚羊和田野的母鹿吩咐你們,

不要叫醒或驚動愛情,

等它自發吧。

耶路撒冷的少女:

6那從曠野上來,形狀像煙柱,

散發著商人販賣的沒藥、乳香等各樣芬芳之氣的是什麼呢?

7看啊,是所羅門的轎子,

周圍是六十名勇士,

都是以色列的精兵。

8他們個個驍勇善戰,手持利劍,

腰配戰刀,防備夜間的偷襲。

9所羅門王用黎巴嫩木為自己製造了一頂轎子。

10銀轎柱、金靠背、紫錦坐墊,

轎子裡面的裝飾都是耶路撒冷少女們用愛情編織的。

11錫安的少女啊,

出去看看所羅門王的風采吧!

他頭上的王冠是他母親在他成婚那天,

在他心中歡快之日為他戴上的。