2 Hari 18 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

2 Hari 18:1-37

Ang Paghahari ni Hezekia sa Juda

(2 Cro. 29:1-2; 31:1)

1Naging hari ng Juda ang anak ni Ahaz na si Hezekia nang ikatlong taon ng paghahari ng anak ni Elah na si Hoshea sa Israel. 2Si Hezekia ay 25 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 29 na taon. Ang ina niya ay si Abijah na anak ni Zacarias. 3Matuwid ang ginawa ni Hezekia sa paningin ng Panginoon, tulad ng ginawa ng ninuno niyang si David. 4Ipinatanggal niya ang mga sambahan sa matataas na lugar, ipinadurog ang mga alaalang bato at ipinagiba ang mga posteng simbolo ng diosang si Ashera. Ipinadurog din niya ang tansong ahas na ginawa ni Moises, dahil mula noong nagsunog dito ng insenso si Moises ay sinamba na ito ng mga mamamayan ng Israel. Tinawag na Nehushtan ang tansong ahas.

5Nagtiwala si Hezekia sa Panginoon, ang Dios ng Israel. Walang naging hari sa Juda na katulad niya, kahit ang mga nauna o mga sumunod pa sa kanya. 6Nanatili siyang tapat sa Panginoon at hindi siya tumalikod sa kanya. Sinunod niya ang mga utos na ibinigay ng Panginoon kay Moises. 7Sumakanya ang Panginoon kaya nagtagumpay siya sa lahat ng ginawa niya. Nagrebelde siya sa hari ng Asiria at hindi niya ito pinaglingkuran. 8Nasakop ni Hezekia ang Filistia hanggang sa Gaza at mga hangganan nito, mula sa mga bantayang tore hanggang sa napapaderang lungsod.

9Nang ikaapat na taon ng paghahari ni Hezekia, na siyang ikapitong taon ng paghahari ni Hoshea sa Israel, lumusob si Haring Shalmanaser ng Asiria sa Israel at sinimulang paligiran ang bayan ng Samaria. 10Pagkalipas ng tatlong taon, nang ikaanim na taon ng paghahari ni Hezekia at ikasiyam na taong paghahari ni Hoshea, nasakop ng Asiria ang Samaria. 11Dinala ng hari ng Asiria ang mga Israelita sa Asiria at pinatira sila sa lungsod ng Hala, sa mga lugar na malapit sa Ilog ng Habor sa Gozan at sa mga bayan ng Media. 12Nangyari ito sa mga taga-Israel dahil hindi sila sumunod sa Panginoon na kanilang Dios. Nilabag nila ang kanyang kasunduan at hindi sumunod sa lahat ng utos na ibinigay ng Panginoon sa pamamagitan ng lingkod niyang si Moises. Hindi nila pinakinggan o sinunod ang mga utos nito.

Nilusob ng Asiria ang Juda

(2 Cro. 32:1-19; Isa. 36:1-22)

13Nang ika-14 na taon ng paghahari ni Hezekia, nilusob ni Haring Senakerib ng Asiria ang lahat ng napapaderang lungsod ng Juda at sinakop ito. 14Kaya nagpadala ng mensahe si Haring Hezekia sa hari ng Asiria sa Lakish: “Nagkasala ako sa pagrerebelde ko sa iyo. Ibibigay ko ang kahit anong hihilingin mo, basta umalis ka lang dito sa amin.” Kaya pinagbayad ng hari ng Asiria si Haring Hezekia ng mga sampung toneladang pilak at isang toneladang ginto. 15Ibinigay ni Hezekia ang lahat ng pilak na nasa templo ng Panginoon at ang nasa kabang-yaman ng palasyo. 16Ipinatanggal ni Hezekia pati na ang mga ginto na nakabalot sa mga pintuan at hamba18:16 hamba: sa Ingles, “doorpost.” ng templo ng Panginoon at ibinigay niyang lahat sa hari ng Asiria.

17Ipinadala ng hari ng Asiria ang pinuno ng mga kumander, mga punong opisyal, at ang kumander ng mga sundalo niya. Kasama nila ang napakaraming sundalo mula sa Lakish para harapin si Haring Hezekia sa Jerusalem. Tumigil sila malapit sa may daluyan ng tubig na nasa itaas ng lugar na pinag-iimbakan ng tubig kung saan naglalaba ang mga tao. 18Ipinatawag nila si Haring Hezekia, pero ang pinapunta ng hari ay sina Eliakim na anak ni Hilkia, na namamahala ng palasyo, Shebna na kalihim at Joa na anak ni Asaf, na namamahala ng mga kasulatan sa kaharian. 19Sinabi sa kanila ng kumander ng mga sundalo, “Sabihin nʼyo kay Hezekia na ito ang sinasabi ng makapangyarihang hari ng Asiria:

“ ‘Ano ba ang ipinagmamalaki mo? 20Sinasabi mong maabilidad at malakas ang mga sundalo mo, pero walang kabuluhan ang mga sinasabi mo. Sino ba ang ipinagmamalaki mo at nagrerebelde ka sa akin? 21Ang Egipto ba? Ang bansang ito at ang hari nito ay parang nabaling tungkod na nakakasugat sa kamay kapag ginamit mo. 22Maaari ninyong sabihin na nagtitiwala kayo sa Panginoon na inyong Dios, pero hindi baʼt ikaw din Hezekia ang nagpagiba ng mga sambahan niya sa matataas na lugar pati ng mga altar nito. At sinabi mo pa sa mga nakatira sa Jerusalem at mga lungsod ng Juda na sumamba sila sa nag-iisang altar doon sa Jerusalem?’

23“Ngayon inaalok ka ng aking amo, ang hari ng Asiria. Bibigyan ka namin ng 2,000 kabayo kung may 2,000 ka ring mangangabayo! 24Hindi ka mananalo kahit sa pinakamababang opisyal ng aking amo. Bakit Umaasa ka lang naman sa Egipto na bibigyan ka nito ng mga karwahe at mangangabayo. 25Iniisip mo bang hindi ako inutusan ng Panginoon na pumunta rito? Ang Panginoon mismo ang nag-utos sa akin na lusubin at lipulin ang bansang ito.”

26Sinabi nina Eliakim, Shebna at Joa sa kumander ng mga sundalo, “Pakiusap, kausapin mo kami sa wikang Aramico, dahil naiintindihan din namin ang wikang ito. Huwag mong gamitin ang wikang Hebreo dahil maririnig ka ng mga taong nasa mga pader ng lungsod.” 27Pero sumagot ang kumander, “Inutusan ako ng aking amo na ipaalam ang mga bagay na ito hindi lang sa inyo at sa inyong hari kundi sa lahat ng naninirahan sa Jerusalem. Magugutom at mauuhaw kayong lahat kapag nilusob namin kayo. Kaya kakainin ninyo ang inyong mga dumi at iinumin ninyo ang inyong mga ihi.”

28Pagkatapos, tumayo ang kumander at sumigaw sa wikang Hebreo, “Pakinggan ninyo ang mensahe ng makapangyarihang hari ng Asiria! 29Ito ang sinabi niya: Huwag kayong magpaloko kay Hezekia. Hindi niya kayo maililigtas mula sa mga kamay ko! 30Huwag kayong maniwala sa kanya na magtiwala sa Panginoon kapag sinabi niya, ‘Tiyak na ililigtas tayo ng Panginoon; hindi ipapaubaya ang lungsod na ito sa kamay ng hari ng Asiria.’

31“Huwag kayong makinig kay Hezekia! Ito ang ipinapasabi ng hari ng Asiria: Huwag na kayong lumaban sa akin; sumuko na lang kayo! Papayagan ko kayong kainin ang bunga ng inyong mga ubasan at mga puno ng igos at inumin ang tubig sa sarili ninyong mga balon, 32hanggang sa dumating ako at dadalhin ko kayo sa lupaing katulad din ng inyong lupain na may mga ubasan na magbibigay sa inyo ng bagong katas ng ubas at may mga trigo na magagawa ninyong tinapay, at mayroon ding mga punong olibo at mga pulot. Piliin ninyo ang mabuhay kaysa ang mamatay. Huwag ninyong pakinggan si Hezekia! Inililigaw lang niya kayo kapag sinasabi niyang, ‘Ililigtas tayo ng Panginoon!’ 33May mga dios ba sa ibang bansa na nailigtas ang kanilang bayan mula sa kamay ng hari ng Asiria? 34May nagawa ba ang mga dios ng Hamat, Arpad, Sefarvaim, Hena, at Iva? Nailigtas ba nila ang Samaria mula sa mga kamay ko? 35Alin sa mga dios ng mga bansang ito ang nakapagligtas sa kanilang bansa laban sa akin? Kaya papaano maililigtas ng Panginoon ang Jerusalem mula sa mga kamay ko?” 36Hindi sumagot ang mga tao dahil inutusan sila ni Haring Hezekia na huwag sumagot. 37Pagkatapos, pinunit nina Eliakim, Shebna, at Joa ang damit nila sa sobrang kalungkutan. Bumalik sila kay Hezekia at ipinaalam ang lahat ng sinabi ng kumander ng mga sundalo.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

列王纪下 18:1-37

希西迦做犹大王

1以拉的儿子以色列何细亚执政第三年,犹大亚哈斯的儿子希西迦登基。 2他二十五岁登基,在耶路撒冷执政二十九年。他母亲叫亚比雅18:2 “亚比雅”此处的希伯来文为亚比,是亚比雅的变体。,是撒迦利雅的女儿。 3希西迦效法他祖先大卫,做耶和华视为正的事。 4他拆除丘坛,砸碎神柱,砍倒亚舍拉神像,打碎摩西造的铜蛇,因为当时以色列人仍向铜蛇烧香,称之为尼忽士旦18:4 尼忽士旦”可能是“蛇”和“铜”的组合词。5希西迦信靠以色列的上帝耶和华,在他前后的犹大诸王没有一个可与他相比。 6他对耶和华忠心不渝,遵守耶和华颁给摩西的诫命。 7耶和华与他同在,他凡事顺利。他反抗亚述王的统治,不再臣服于他。 8他击败非利士人,从他们的瞭望塔和坚城,一直打到迦萨及其四境。

9希西迦执政第四年,即以拉的儿子以色列何细亚执政第七年,亚述撒缦以色起兵攻打撒玛利亚城,将城包围。 10三年之后,就是希西迦执政第六年,以色列何细亚执政第九年,撒玛利亚失陷。 11亚述王把以色列人掳到亚述,将他们安置在哈腊歌散哈博河一带以及玛代人的城邑里。 12这都是因为以色列人没有听从他们的上帝耶和华,违背了祂的约,不遵行祂仆人摩西所吩咐的一切。

亚述人攻打耶路撒冷

13希西迦王执政第十四年,亚述西拿基立起兵攻取了犹大所有的坚城。 14希西迦王差遣使者去拉吉亚述王说:“我知罪了,求你退兵!我愿意满足你的任何要求。”亚述王向希西迦索要十吨银子和一吨金子。 15希西迦将耶和华殿里和王宫库房里的所有银子都给了他, 16又刮下他包在耶和华殿门和门柱上的金子,一并送去。 17亚述王派他的元帅、都统和将军从拉吉率领大军到耶路撒冷希西迦。到了耶路撒冷后,他们驻扎在上池的水沟旁、通往漂布场的路上。 18他们要求见王。希勒迦的儿子宫廷总管以利亚敬、书记舍伯那亚萨的儿子史官约亚出来见他们。 19亚述的将军说:“你们去告诉希西迦,伟大的亚述王说,‘你凭什么这样自信呢? 20你所谓的战略和军力不过是空话。你究竟倚靠谁,竟敢背叛我? 21看啊,你所倚靠的埃及只不过是一根破裂的芦苇,谁倚靠它,谁的手就会被刺伤。倚靠埃及王法老的下场都是这样。’ 22也许你会说,‘我们倚靠我们的上帝耶和华。’希西迦不是拆除了祂的庙宇和祭坛,又吩咐犹大耶路撒冷的人要在耶路撒冷的祭坛前敬拜祂吗? 23来,跟我主人亚述王打个赌,你若能找到两千骑士,我就给你两千匹马! 24你们即使依靠埃及的战车和骑兵,又怎能打败我主人的一个最小的将领呢? 25更何况我来攻打、毁灭这地方不正是耶和华的意思吗?耶和华吩咐我攻打、毁灭这地方。”

26以利亚敬舍伯那约亚亚述的将军说:“求你用亚兰语跟仆人们说话,我们都听得懂。求你不要用希伯来语跟我们说话,免得城墙上的人听见。” 27亚述的将军却说:“难道我主人派我来只对你们和你们的王说这些话吗?不也是对城墙上的人说吗?他们和你们一样都要吃自己的粪,喝自己的尿。” 28于是,他站着用希伯来语大喊:“你们要听伟大的亚述王的话。 29王说,‘你们不要被希西迦欺骗,他不能从我手中救你们。 30不要听希西迦的话去倚靠耶和华,说什么耶和华必拯救你们,这城必不会落在亚述王手中。’ 31不要听希西迦的话。亚述王说,‘你们要跟我讲和,出来归顺我,你们就可以吃自己葡萄树和无花果树的果子,喝自己井里的水。 32以后我会来领你们到一个地方,那里和这里一样有五谷和新酒、饼和葡萄园。你们就可以存活,不至于死。希西迦说耶和华会拯救你们,不要听信他的话。 33有哪个国家的神明曾经从亚述王手中救他的国家吗? 34哈马亚珥拔的神明在哪里呢?西法瓦音希拿以瓦的神明又在哪里呢?他们从我手中救出撒玛利亚了吗? 35这些国家的神明哪个从我手中救了自己的国家呢?难道耶和华能从我手中救耶路撒冷吗?’” 36民众默不作声,因为希西迦曾吩咐他们不要答话。 37总管以利亚敬、书记舍伯那和史官约亚都撕裂衣服,去向希西迦禀告亚述的将军说的话。