Job 35 – OL & TCB

O Livro

Job 35:1-16

1E Eliú prosseguiu:

2“Achas que é justo dizeres:

‘Maior é a minha justiça do que a de Deus?’

3Ainda dizes: ‘Que vantagem tenho eu,

ou que ganho teria se abandonasse o meu pecado?’

4Vou responder-te,

assim como a todos os teus amigos.

5Olha para o céu,

vê como as nuvens estão bem acima de ti.

6Se pecares, que mal poderás fazer contra Deus?

Se multiplicas os teus crimes, nenhum prejuízo lhe causas.

7Da mesma forma, se fores justo, o que lhe darás?

O que receberá das tuas mãos?

8Os teus pecados podem, sim, afetar os outros homens;

igualmente, os teus atos de justiça poderão beneficiá-los.

9Os que vivem oprimidos podem gritar, sob o efeito de injúrias,

e gemer sob o braço dos poderosos.

10Contudo, nenhum deles pergunta:

‘Onde está Deus, o meu Criador,

aquele que inspira cânticos durante a noite?

11Que nos ensina mais que aos animais de toda a Terra

e nos torna mais sábios que as aves dos altos céus?’

12Se alguém lhe lançar essa questão,

ele não replicará com o castigo próprio de tiranos.

13Pois Deus não ouve clamores sem sinceridade,

nem para eles atentará o Todo-Poderoso.

14Muito menos te ouvirá, se disseres que não o vês!

A tua causa está diante dele, portanto, espera nele.

15Imaginas que, na sua ira, Deus parou de castigar,

que não leva em consideração o orgulho e a iniquidade dos homens.

16Assim, Job, falas demais,

porém, não sabes o que estás a dizer!”

Tagalog Contemporary Bible

Job 35:1-16

1Sinabi pa ni Elihu, 2“Akala mo baʼy tama ka sa pagsasabing wala kang kasalanan sa harap ng Dios? 3Pero tinatanong mo rin, ‘Anong pakinabang ko kung akoʼy hindi gagawa ng kasalanan?’

4“Sasagutin kita pati na ang iyong mga kaibigan. 5Tumingin ka sa langit at tingnan mo kung gaano kataas ang ulap. 6Kung magkasala ka, hindi iyon makakaapekto sa Dios, kahit patuloy ka pang magkasala. 7Kung matuwid ka, ano naman ang kabutihang maibibigay nito sa Dios? 8Ang maaapektuhan lamang sa ginagawa mong mabuti o masama ay ang iyong kapwa.

9“Ang mga inaapi ay humihingi ng tulong na iligtas sila sa kamay ng mga makapangyarihang tao. 10Pero hindi sila tumatawag sa Dios na lumikha sa kanila at nagbibigay ng kalakasan sa panahon ng paghihirap. 11Hindi sila lumalapit sa Dios na nilikha silang higit na marunong kaysa sa mga hayop at ibon. 12At kung mananalangin sila, hindi sila sinasagot ng Dios dahil mayayabang sila at masasamang tao. 13Tunay ngang hindi dinidinig ng Makapangyarihang Dios ang walang kabuluhang paghingi nila ng tulong. 14Job, lalo ka lang niyang hindi pakikinggan kung sasabihin mong hindi mo nakikita ang kanyang tulong nang idinulog mo ang iyong kalagayan, at pinaghihintay ka lang. 15Sinabi mo rin na hindi nagpaparusa ang Dios kahit galit siya, at hindi niya pinapansin ang kasamaang ginagawa ng tao. 16Job, walang saysay ang sinasabi mo. Talagang malinaw na hindi mo alam ang iyong sinasabi.”