Jeremiah 6 – NIVUK & TCB

New International Version – UK

Jeremiah 6:1-30

Jerusalem under siege

1‘Flee for safety, people of Benjamin!

Flee from Jerusalem!

Sound the trumpet in Tekoa!

Raise the signal over Beth Hakkerem!

For disaster looms out of the north,

even terrible destruction.

2I will destroy Daughter Zion,

so beautiful and delicate.

3Shepherds with their flocks will come against her;

they will pitch their tents round her,

each tending his own portion.’

4‘Prepare for battle against her!

Arise, let us attack at noon!

But, alas, the daylight is fading,

and the shadows of evening grow long.

5So arise, let us attack at night

and destroy her fortresses!’

6This is what the Lord Almighty says:

‘Cut down the trees

and build siege ramps against Jerusalem.

This city must be punished;

it is filled with oppression.

7As a well pours out its water,

so she pours out her wickedness.

Violence and destruction resound in her;

her sickness and wounds are ever before me.

8Take warning, Jerusalem,

or I will turn away from you

and make your land desolate

so that no-one can live in it.’

9This is what the Lord Almighty says:

‘Let them glean the remnant of Israel

as thoroughly as a vine;

pass your hand over the branches again,

like one gathering grapes.’

10To whom can I speak and give warning?

Who will listen to me?

Their ears are closed6:10 Hebrew uncircumcised

so that they cannot hear.

The word of the Lord is offensive to them;

they find no pleasure in it.

11But I am full of the wrath of the Lord,

and I cannot hold it in.

‘Pour it out on the children in the street

and on the young men gathered together;

both husband and wife will be caught in it,

and the old, those weighed down with years.

12Their houses will be turned over to others,

together with their fields and their wives,

when I stretch out my hand

against those who live in the land,’

declares the Lord.

13‘From the least to the greatest,

all are greedy for gain;

prophets and priests alike,

all practise deceit.

14They dress the wound of my people

as though it were not serious.

“Peace, peace,” they say,

when there is no peace.

15Are they ashamed of their detestable conduct?

No, they have no shame at all;

they do not even know how to blush.

So they will fall among the fallen;

they will be brought down when I punish them,’

says the Lord.

16This is what the Lord says:

‘Stand at the crossroads and look;

ask for the ancient paths,

ask where the good way is, and walk in it,

and you will find rest for your souls.

But you said, “We will not walk in it.”

17I appointed watchmen over you and said,

“Listen to the sound of the trumpet!”

But you said, “We will not listen.”

18Therefore hear, you nations;

you who are witnesses,

observe what will happen to them.

19Hear, you earth:

I am bringing disaster on this people,

the fruit of their schemes,

because they have not listened to my words

and have rejected my law.

20What do I care about incense from Sheba

or sweet calamus from a distant land?

Your burnt offerings are not acceptable;

your sacrifices do not please me.’

21Therefore this is what the Lord says:

‘I will put obstacles before this people.

Parents and children alike will stumble over them;

neighbours and friends will perish.’

22This is what the Lord says:

‘Look, an army is coming

from the land of the north;

a great nation is being stirred up

from the ends of the earth.

23They are armed with bow and spear;

they are cruel and show no mercy.

They sound like the roaring sea

as they ride on their horses;

they come like men in battle formation

to attack you, Daughter Zion.’

24We have heard reports about them,

and our hands hang limp.

Anguish has gripped us,

pain like that of a woman in labour.

25Do not go out to the fields

or walk on the roads,

for the enemy has a sword,

and there is terror on every side.

26Put on sackcloth, my people,

and roll in ashes;

mourn with bitter wailing

as for an only son,

for suddenly the destroyer

will come upon us.

27‘I have made you a tester of metals

and my people the ore,

that you may observe

and test their ways.

28They are all hardened rebels,

going about to slander.

They are bronze and iron;

they all act corruptly.

29The bellows blow fiercely

to burn away the lead with fire,

but the refining goes on in vain;

the wicked are not purged out.

30They are called rejected silver,

because the Lord has rejected them.’

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 6:1-30

Napaligiran ang Jerusalem ng Kanyang mga Kaaway

1“Mga lahi ni Benjamin, tumakas kayo at magtago! Umalis kayo sa Jerusalem! Patunugin nʼyo ang trumpeta sa Tekoa at hudyatan nʼyo ang Bet Hakerem, dahil darating na ang kapahamakan mula sa hilaga. 2Wawasakin ko ang magandang lungsod ng Jerusalem.6:2 lungsod ng Jerusalem: sa literal, babaeng anak ng Zion. Ganito rin sa talatang 23. 3Papalibutan ito ng mga pinuno at ng kanilang mga sundalo.6:3 pinuno … sundalo: sa literal, pastol at ang mga hayop nila. Magtatayo sila ng kanilang mga tolda sa paligid nito at doon sila magkakampo. 4Sasabihin ng mga pinuno, ‘Humanda kayo! Pagsapit ng tanghali, sasalakayin natin sila.’ Pero pagdating ng hapon, sasabihin ng pinuno, ‘Lumulubog na ang araw at medyo nagdidilim na. 5Ngayong gabi na lang tayo sasalakay at wawasakin natin ang mga matitibay na bahagi ng lungsod na ito.’ ”

6Ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan, “Pumutol kayo ng mga kahoy na pangwasak sa mga pader ng Jerusalem, at magtambak kayo ng lupa sa gilid ng pader at doon kayo dumaan. Nararapat nang parusahan ang lungsod na ito dahil laganap na rito ang mga pang-aapi. 7Katulad ng bukal na patuloy ang pag-agos ng tubig, patuloy ang paggawa nito ng kasamaan. Palaging nababalitaan sa lungsod na ito ang mga karahasan at panggigiba. Palagi kong nakikita ang mga karamdaman at sugat nito. 8Mga taga-Jerusalem, babala ito sa inyo at kung ayaw pa ninyong makinig, lalayo ako sa inyo, at magiging mapanglaw ang lupain nʼyo at wala nang maninirahan dito.”

9Sinabi pa ng Panginoong Makapangyarihan, “Ang mga matitirang buhay sa Israel ay ipapaubos ko sa mga kaaway, katulad ng huling pamimitas ng mga natitirang ubas. Tinitingnan nilang mabuti ang mga sanga at kukunin ang mga natitirang bunga.”

10Nagtanong ako, “Pero Panginoon sino po ang bibigyan ko ng babala? Sino po kaya ang makikinig sa akin? Tinakpan po nila ang kanilang mga tainga para hindi sila makarinig. Kinasusuklaman po nila ang salita ng Panginoon, kaya ayaw nilang makinig. 11Matindi rin ang galit na nararamdaman ko tulad ng sa Panginoon at hindi ko mapigilan.”

Sinabi ng Panginoon, “Ipapadama ko ang galit ko pati sa mga batang naglalaro sa lansangan, mga kabataang lalaki na nagkakatipon, mga mag-asawa at pati na sa matatanda. 12Ibibigay sa iba ang mga bahay nila, pati ang mga bukid at mga asawa nila. Mangyayari ito kapag pinarusahan ko na ang mga nakatira sa lupaing ito. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

13“Mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila, pare-pareho silang sakim sa pera. Kahit ang mga propeta at mga pari ay mga mandaraya rin. 14Binabalewala nila ang sugat ng aking mga mamamayan kahit malala na ito. Sinasabi rin nila na payapa ang lahat, kahit hindi naman. 15Nahihiya ba sila sa ugali nilang kasuklam-suklam? Hindi! Wala na kasi silang kahihiyan! Ni hindi nga namumula ang kanilang mukha sa kahihiyan. Kaya mapapahamak sila katulad ng iba. Ibabagsak sila sa araw na parusahan ko sila. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

16Ito pa ang sinabi ng Panginoon, “Tumayo kayo sa mga kanto at magmasid kayo nang mabuti. Magtanong kayo kung alin ang dati at mabuting daan, at doon kayo dumaan. At makakamtan ninyo ang kapayapaan. Pero sinabi ninyo, ‘Hindi kami dadaan doon.’ 17Naglagay ako ng mga tagapagbantay at sinabi nila sa inyo, ‘Pakinggan ninyo ang tunog ng trumpeta bilang babala.’ Pero sinabi ninyo, ‘Hindi namin iyon pakikinggan.’

18“Kaya kayong mga bansa, makinig kayo. Masdan ninyong mabuti kung ano ang mangyayari sa kanila. 19Buong mundo, makinig kayo! Magpapadala ako ng kapahamakan sa mga taong ito para parusahan sila sa kanilang masamang mga binabalak. Sapagkat ayaw nilang pakinggan ang mga salita ko at itinakwil nila ang mga kautusan ko. 20Walang halaga sa akin ang inihahandog nilang insenso kahit na galing pa ito sa Sheba, o ang mga pabangong mula pa sa malayong lugar. Hindi ko tatanggapin ang kanilang mga handog na sinusunog. Hindi ako natutuwa sa mga handog nila sa akin. 21Kaya ako, ang Panginoon, ay maglalagay ng katitisuran sa dinadaanan ng mga taong ito. At dahil dito, babagsak ang mga ama at mga batang lalaki, pati ang mga magkaibigan at magkapitbahay.”

22Ito pa ang sinasabi ng Panginoon, “Tingnan ninyo, may mga sundalong dumarating galing sa lupain sa hilaga, isang makapangyarihang bansa na galing sa malayong lupain6:22 malayong lupain: sa literal, sa dulo ng mundo. na handang sumalakay. 23Ang dala nilang armas ay mga pana at mga sibat. Malulupit sila at walang habag. Ang ingay nila ay parang malalakas na alon habang nakasakay sila sa kanilang mga kabayo. Darating sila para salakayin kayo, mga taga-Jerusalem.”

24Nabalitaan namin ang tungkol sa kanila at kami ay nanlupaypay. Takot at hirap ang naramdaman namin katulad ng paghihirap ng babaeng manganganak na. 25Huwag na kayong lalabas para pumunta sa mga bukid o lumakad sa mga daan, dahil may mga kaaway kahit saan na handang pumatay. Nakakatakot sa ating paligid. 26Mga kababayan, magsuot kayo ng damit na panluksa6:26 damit na panluksa: sa Hebreo, sakong damit. at gumulong kayo sa abo para ipakita ang kalungkutan ninyo. Umiyak kayo na parang namatay ang kaisa-isa ninyong anak na lalaki. Sapagkat bigla tayong sasalakayin ng kaaway.

27Sinabi sa akin ng Panginoon, “Ginawa kitang tulad ng tagasuri ng mga metal, para masuri mo ang pag-uugali ng aking mga mamamayan. 28Silang lahat ay rebelde at matitigas ang ulo, kasintigas ng tanso at bakal. Nanlalait at nanloloko sila ng kanilang kapwa. 29Pinapainit nang husto ang pugon para dalisayin ang pilak mula sa tinggang nakahalo rito, pero hindi rin lubusang nadalisay ang pilak. Ganyan din ang mga mamamayan ko, wala ring kabuluhan ang pagdalisay sa kanila, dahil hindi pa rin naaalis nang lubusan ang kasamaan nila. 30Tatawagin silang, ‘Itinakwil na Pilak’ dahil itinakwil ko sila.”