Jeremiah 5 – NIVUK & TCB

New International Version – UK

Jeremiah 5:1-31

Not one is upright

1‘Go up and down the streets of Jerusalem,

look around and consider,

search through her squares.

If you can find but one person

who deals honestly and seeks the truth,

I will forgive this city.

2Although they say, “As surely as the Lord lives,”

still they are swearing falsely.’

3Lord, do not your eyes look for truth?

You struck them, but they felt no pain;

you crushed them, but they refused correction.

They made their faces harder than stone

and refused to repent.

4I thought, ‘These are only the poor;

they are foolish,

for they do not know the way of the Lord,

the requirements of their God.

5So I will go to the leaders

and speak to them;

surely they know the way of the Lord,

the requirements of their God.’

But with one accord they too had broken off the yoke

and torn off the bonds.

6Therefore a lion from the forest will attack them,

a wolf from the desert will ravage them,

a leopard will lie in wait near their towns

to tear to pieces any who venture out,

for their rebellion is great

and their backslidings many.

7‘Why should I forgive you?

Your children have forsaken me

and sworn by gods that are not gods.

I supplied all their needs,

yet they committed adultery

and thronged to the houses of prostitutes.

8They are well-fed, lusty stallions,

each neighing for another man’s wife.

9Should I not punish them for this?’

declares the Lord.

‘Should I not avenge myself

on such a nation as this?

10‘Go through her vineyards and ravage them,

but do not destroy them completely.

Strip off her branches,

for these people do not belong to the Lord.

11The people of Israel and the people of Judah

have been utterly unfaithful to me,’

declares the Lord.

12They have lied about the Lord;

they said, ‘He will do nothing!

No harm will come to us;

we will never see sword or famine.

13The prophets are but wind

and the word is not in them;

so let what they say be done to them.’

14Therefore this is what the Lord God Almighty says:

‘Because the people have spoken these words,

I will make my words in your mouth a fire

and these people the wood it consumes.

15People of Israel,’ declares the Lord,

‘I am bringing a distant nation against you –

an ancient and enduring nation,

a people whose language you do not know,

whose speech you do not understand.

16Their quivers are like an open grave;

all of them are mighty warriors.

17They will devour your harvests and food,

devour your sons and daughters;

they will devour your flocks and herds,

devour your vines and fig-trees.

With the sword they will destroy

the fortified cities in which you trust.

18‘Yet even in those days,’ declares the Lord, ‘I will not destroy you completely. 19And when the people ask, “Why has the Lord our God done all this to us?” you will tell them, “As you have forsaken me and served foreign gods in your own land, so now you will serve foreigners in a land not your own.”

20‘Announce this to the descendants of Jacob

and proclaim it in Judah:

21Hear this, you foolish and senseless people,

who have eyes but do not see,

who have ears but do not hear:

22Should you not fear me?’

declares the Lord.

‘Should you not tremble in my presence?

I made the sand a boundary for the sea,

an everlasting barrier it cannot cross.

The waves may roll, but they cannot prevail;

they may roar, but they cannot cross it.

23But these people have stubborn and rebellious hearts;

they have turned aside and gone away.

24They do not say to themselves,

“Let us fear the Lord our God,

who gives autumn and spring rains in season,

who assures us of the regular weeks of harvest.”

25Your wrongdoings have kept these away;

your sins have deprived you of good.

26‘Among my people are the wicked

who lie in wait like men who snare birds

and like those who set traps to catch people.

27Like cages full of birds,

their houses are full of deceit;

they have become rich and powerful

28and have grown fat and sleek.

Their evil deeds have no limit;

they do not seek justice.

They do not promote the case of the fatherless;

they do not defend the just cause of the poor.

29Should I not punish them for this?’

declares the Lord.

‘Should I not avenge myself

on such a nation as this?

30‘A horrible and shocking thing

has happened in the land:

31the prophets prophesy lies,

the priests rule by their own authority,

and my people love it this way.

But what will you do in the end?

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 5:1-31

Ang mga Kasalanan ng Jerusalem

1Sinabi ng Panginoon, “Mga taga-Jerusalem, pumunta kayo sa mga lansangan nʼyo! Tingnan nʼyo ang mga plasa ninyo! Kung may makikita kayong matuwid at tapat, patatawarin ko ang lungsod ninyo. 2Kahit ginagamit nʼyo ang pangalan ko sa pagsumpa nʼyo, nagsisinungaling pa rin kayo.”

3Pagkatapos, sinabi ko,Panginoon, naghahanap po kayo ng taong tapat. Sinaktan nʼyo po ang inyong mga mamamayan pero balewala ito sa kanila. Pinarusahan nʼyo sila pero ayaw nilang magpaturo. Pinatigas nila ang kanilang mga puso at ayaw nilang magsisi.

4“Akala ko po, mga dukha sila at mga walang pinag-aralan, pero mga hangal pala sila. Sapagkat hindi nila alam ang pamamaraan na ipinapagawa sa kanila ng Panginoon na kanilang Dios. 5Kaya pupuntahan ko po ang mga pinuno nila at kakausapin ko sila. Tiyak na mauunawaan nila ang pamamaraan na ipinapagawa sa kanila ng Panginoon na kanilang Dios.” Pero tumanggi rin po silang sumunod sa mga ipinapagawa ng Dios. 6Kaya sasalakayin sila ng mga kaaway nila na parang leon na nanggaling sa kagubatan, o katulad ng isang asong lobo na galing sa ilang, o parang leopardong nagbabantay malapit sa bayan para silain ang sinumang lumabas. Mangyayari ito sa kanila dahil naghihimagsik sila sa Dios at maraming beses nang tumalikod sa kanya.

7Sinabi sa kanila ng Panginoon, “Bakit ko kayo patatawarin? Pati ang mga anak ninyo ay itinakwil ako at sumumpa sa pangalan ng hindi tunay na dios. Ibinigay ko ang mga pangangailangan nila, pero nagawa pa rin nila akong pagtaksilan at nagsisiksikan pa sila sa bahay ng mga babaeng bayaran. 8Para silang mga lalaking kabayo na alagang-alaga. Ang bawat isa sa kanila ay may matinding pagnanasa sa asawa ng iba. 9Hindi ba nararapat lang na parusahan ko sila dahil dito? Hindi ba nararapat lang na paghigantihan ko ang mga bansang ganito? Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

10Kayong mga kaaway ng mga taga-Israel, sirain nʼyo ang mga ubasan nila, pero huwag ninyong sirain nang lubusan. Tabasin nʼyo ang mga sanga, dahil ang mga taong ito ay hindi na sa Panginoon. 11Ang mga mamamayan ng Israel at Juda ay hindi na tapat sa akin. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito. 12Hindi sila nagsasalita ng totoo tungkol sa akin. Sinabi nila, ‘Hindi tayo sasaktan ng Panginoon! Walang panganib na darating sa atin. Walang digmaan o gutom man na darating.’ 13Walang kabuluhan ang mga propeta at hindi galing sa akin ang mga ipinapahayag nila. Mangyari nawa sa kanila ang kapahamakan na kanilang inihula.”

14Kaya ito ang sinabi sa akin ng Panginoong Dios na Makapangyarihan, “Dahil ganyan ang sinabi ng mga taong iyon, bibigyan kita ng mensahe na katulad ng apoy na susunog sa kanila at magiging parang kahoy sila na masusunog.”

15Sinabi ng Panginoon, “Mga mamamayan ng Israel, magpapadala ako ng mga tao mula sa malayong bansa para salakayin kayo. Itoʼy isang sinaunang bansa na ang wika ay hindi ninyo nauunawaan. 16Matatapang ang sundalo nila at nakakamatay ang mga gamit nilang pandigma. 17Uubusin nila ang inyong mga ani, pagkain, hayop, ubas, at mga igos ninyo. Papatayin nila ang mga hayop at anak ninyo. Wawasakin nila ang mga napapaderang lungsod nʼyo, na siyang inaasahan ninyo. 18Pero sa mga araw na iyon, hindi ko kayo lubusang lilipulin. 19At kung may magtatanong, ‘Bakit ginawa ng Panginoon na ating Dios ang lahat ng ito sa atin?’ Sabihin mo sa kanila, ‘Dahil itinakwil ninyo ang Panginoon at naglingkod kayo sa ibang mga dios sa sarili ninyong lupain. Kaya ngayon, maglilingkod kayo sa mga dayuhan sa lupaing hindi inyo.’

20“Sabihin nʼyo ito sa mga mamamayan ng Israel5:20 mamamayan ng Israel: sa literal, lahi ni Jacob. at Juda. 21Pakinggan nʼyo ito, kayong mga hangal at matitigas ang ulo. May mga mata kayo, pero hindi makakita, may mga tainga pero hindi makarinig. 22Ako, ang Panginoon ay nagsasabi: Wala ba kayong takot sa akin? Bakit hindi kayo nanginginig sa harapan ko? Ako ang gumawa ng buhangin sa tabing-dagat para maging hangganan ng dagat. Itoʼy hangganan na hindi maaapawan. Hahampasin ito ng mga alon pero hindi nila maaapawan. 23Pero matitigas ang ulo at rebelde ang mga taong ito. Kinalimutan at nilayuan nila ako. 24Hindi sila nagsasalita ng mula sa puso na, ‘Parangalan natin ang Panginoon na ating Dios na nagbibigay ng ulan sa tamang panahon at nagbibigay sa atin ng ani sa panahon ng anihan.’ 25Ang kasamaan nʼyo ang naglayo ng mga bagay na iyon sa inyo. Ang mga kasalanan nʼyo ang naging hadlang sa pagtanggap nʼyo ng mga pagpapalang ito.

26“May masasamang tao na kabilang sa mga mamamayan ko at nag-aabang ng mabibiktima. Para silang mga taong bumibitag ng mga ibon. Naglalagay sila ng mga bitag para sa ibang mga tao. 27Katulad ng hawlang puno ng mga ibon, ang bahay ng masasamang taong ito ay puno ng mga kayamanang nanggaling sa pandaraya. Kaya yumaman sila at naging makapangyarihan. 28Tumaba sila at lumakas ang mga katawan nila. Lubusan ang paggawa nila ng kasamaan. Hindi nila binibigyan ng katarungan ang mga ulila at hindi nila ipinaglalaban ang karapatan ng mga dukha. 29Ako, ang Panginoon ay nagsasabi: Hindi baʼt nararapat ko silang parusahan dahil dito? Hindi baʼt nararapat kong paghigantihan ang mga bansang katulad nito? 30Nakakatakot at nakakapangilabot ang mga bagay na nangyayari sa lupaing ito. 31Ang mga propeta ay nagpapahayag ng kasinungalingan. Ang mga pari ay namamahala ayon sa sarili nilang kapangyarihan. At ito ang gusto ng mga mamamayan ko. Pero ano ang gagawin nila kapag dumating na ang katapusan?”