Mark 16 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Mark 16:1-20

Jesus Rises From the Dead

1The Sabbath day ended. Mary Magdalene, Mary the mother of James, and Salome bought spices. They were going to use them for Jesus’ body. 2Very early on the first day of the week, they were on their way to the tomb. It was just after sunrise. 3They asked each other, “Who will roll the stone away from the entrance to the tomb?”

4Then they looked up and saw that the stone had been rolled away. The stone was very large. 5They entered the tomb. As they did, they saw a young man dressed in a white robe. He was sitting on the right side. They were alarmed.

6“Don’t be alarmed,” he said. “You are looking for Jesus the Nazarene, who was crucified. But he has risen! He is not here! See the place where they had put him. 7Go! Tell his disciples and Peter, ‘He is going ahead of you into Galilee. There you will see him. It will be just as he told you.’ ”

8The women were shaking and confused. They went out and ran away from the tomb. They said nothing to anyone, because they were afraid.

9Jesus rose from the dead early on the first day of the week. He appeared first to Mary Magdalene. He had driven seven demons out of her. 10She went and told those who had been with him. She found them crying. They were very sad. 11They heard that Jesus was alive and that she had seen him. But they did not believe it.

12After that, Jesus appeared in a different form to two of them. This happened while they were walking out in the country. 13The two returned and told the others about it. But the others did not believe them either.

14Later Jesus appeared to the 11 disciples as they were eating. He spoke firmly to them because they had no faith. They would not believe those who had seen him after he rose from the dead.

15He said to them, “Go into all the world. Preach the good news to everyone. 16Anyone who believes and is baptized will be saved. But anyone who does not believe will be punished. 17Here are the miraculous signs that those who believe will do. In my name they will drive out demons. They will speak in languages they had not known before. 18They will pick up snakes with their hands. And when they drink deadly poison, it will not hurt them at all. They will place their hands on sick people. And the people will get well.”

19When the Lord Jesus finished speaking to them, he was taken up into heaven. He sat down at the right hand of God. 20Then the disciples went out and preached everywhere. The Lord worked with them. And he backed up his word by the signs that went with it.

Tagalog Contemporary Bible

Marcos 16:1-20

Muling Nabuhay si Jesus

(Mat. 28:1-8; Luc. 24:1-12; Juan 20:1-10)

1Makalipas ang Araw ng Pamamahinga, sina Maria na taga-Magdala, Maria na ina ni Santiago, at Salome ay bumili ng pabango upang ipahid sa bangkay ni Jesus. 2Nang araw ng Linggo, kasisikat pa lang ng araw ay pumunta na sila sa libingan. 3Habang naglalakad sila, nagtatanungan sila kung sino ang mapapakiusapan nilang magpagulong ng bato na nakatakip sa pintuan ng libingan, 4dahil napakalaki ng batong iyon. Pero pagdating nila roon, nakita nilang naigulong na sa tabi ang bato. 5Kaya pumasok sila sa libingan, at nakita nila roon ang isang kabataang lalaking nakasuot ng puti na nakaupo sa gawing kanan. Takot na takot sila. 6Pero sinabi ng lalaki sa kanila, “Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Tingnan ninyo ang pinaglagyan ng bangkay niya.” 7Pagkatapos, sinabi ng lalaki sa kanila, “Lumakad na kayo, sabihin ninyo sa mga tagasunod niya, lalo na kay Pedro, na mauuna siya sa inyo sa Galilea. Doon ninyo siya makikita gaya ng sinabi niya.” 8Kaya lumabas sa libingan ang mga babae at tumakbo dahil sa matinding takot. Wala silang pinagsabihan, dahil takot na takot sila.

9[Maagang-maaga pa nang araw ng Linggo nang nabuhay si Jesus. Una siyang nagpakita kay Maria na taga-Magdala. (Siya ang babaeng may pitong masasamang espiritu na pinalayas ni Jesus.) 10Pinuntahan ni Maria ang mga tagasunod ni Jesus na nagluluksa at umiiyak, at ibinalita ang mga pangyayari. 11Pero hindi sila naniwala sa ibinalita niyang buhay si Jesus at nagpakita sa kanya. 12Pagkatapos noon, nagpakita rin si Jesus sa dalawa pa niyang tagasunod na naglalakad patungo sa bukid, pero iba ang kanyang anyo. 13Kaya bumalik sa Jerusalem ang dalawang tagasunod, at sinabi sa iba nilang kasamahan na nagpakita sa kanila si Jesus. Pero hindi rin naniwala ang mga ito.

14Nang bandang huli, nagpakita rin si Jesus sa 11 apostol niya habang kumakain ang mga ito. Pinagsabihan niya ang mga ito dahil sa kawalan nila ng pananampalataya at sa katigasan ng kanilang puso, dahil hindi sila naniwala sa mga nakakita sa kanya matapos na muli siyang mabuhay. 15Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila, “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ninyo ang Magandang Balita sa lahat ng tao. 16Ang lahat ng sasampalataya at magpapabautismo ay maliligtas, ngunit ang hindi sasampalataya ay parurusahan. 17At ito ang mga palatandaang makikita sa mga taong sumasampalataya sa akin: sa pamamagitan ng aking kapangyarihan,16:17 sa pamamagitan ng aking kapangyarihan: sa literal, sa aking pangalan. magpapalayas sila ng masasamang espiritu; magsasalita sila sa ibang mga wika; 18kung dumampot man sila ng mga ahas o makainom ng anumang lason ay hindi sila mapapahamak; at gagaling ang mga may sakit na papatungan nila ng kanilang mga kamay.”

Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit

(Luc. 24:50-53; Mga Gawa 1:9-11)

19Pagkatapos magsalita ni Jesus sa kanila, iniakyat siya sa langit at umupo sa kanan ng Dios. 20Pumunta naman ang mga tagasunod niya sa ibaʼt ibang lugar at nangaral. Tinulungan sila ng Panginoon at pinatunayan niya ang ipinangangaral nila sa pamamagitan ng mga himala na kanilang ginagawa.]