መዝሙር 22 – NASV & TCB

New Amharic Standard Version

መዝሙር 22:1-31

መዝሙር 22

የጻድቅ ሰው መከራና ተስፋ

ለመዘምራን አለቃ፤ “በንጋት አጋዘን” ዜማ የሚዜም፤ የዳዊት መዝሙር።

1አምላኬ፣ አምላኬ ለምን ተውኸኝ?

እኔን ከማዳን፣

ከመቃተቴም ቃል ለምን ራቅህ?

2አምላኬ ሆይ፤ በቀን ወደ አንተ ጮኻለሁ፤

አንተ ግን አልመለስህልኝም፤

በሌሊት እንኳ አላረፍሁም።

3አንተ ግን ቅዱሱ ነጋሢ፤22፥3 ወይም አንተ ግን ቅዱስ ነህ፤ በእስራኤል ምስጋና ላይ በዙፋን ተቀምጠሃል

የእስራኤልም ምስጋና ነህ።

4አባቶቻችን በአንተ ታመኑ፤

ተማመኑብህ፤ አንተም ታደግሃቸው።

5ወደ አንተ ጮኹ፤ ዳኑም፤

በአንተም ታመኑ፤ አላፈሩም።

6እኔ ግን ትል እንጂ ሰው አይደለሁም፤

ሰው ያላገጠብኝ፣ ሕዝብም የናቀኝ ነኝ።

7የሚያዩኝ ሁሉ ይሣለቁብኛል፤

ራሳቸውንም እየነቀነቁ እንዲህ እያሉ ይዘልፉኛል፤

8በእግዚአብሔር ተማምኗል፤

እንግዲህ እርሱ ያድነው፤

ደስ የተሰኘበትን፣

እስቲ ይታደገው።”

9አንተ ግን ከማሕፀን አወጣኸኝ፤

በእናቴም ጡት ሳለሁ፣ መታመኛ ሆንኸኝ።

10ከማሕፀን ስወጣም በአንተ ላይ ተጣልሁ፤

ከእናቴ ሆድ ጀምሮም አንተ አምላኬ ነህ።

11መከራ እየተቃረበ ነውና፣

የሚረዳኝም የለምና፣

ከእኔ አትራቅ።

12ብዙ ኰርማዎች ከበቡኝ፤

ኀይለኛ የባሳን በሬዎችም ዙሪያዬን ቆሙ።

13እንደሚነጥቅና እንደሚያገሣ አንበሳ፣

አፋቸውን ከፈቱብኝ።

14እንደ ውሃ ፈሰስሁ፤

ዐጥንቶቼም ሁሉ ከመጋጠሚያቸው ወለቁ፤

ልቤ እንደ ሰም ሆነ፤

በውስጤም ቀለጠ።

15ጕልበቴ እንደ ገል ደረቀ፤

ምላሴ ከላንቃዬ ጋር ተጣበቀ፤

ወደ ሞት ዐፈርም አወረድኸኝ።22፥15 ወይም …ዐፈር ውስጥ ተኛሁኝ

16ውሾች ከበቡኝ፤

የክፉዎች ሸንጎ በዙሪያዬ ተሰልፏል፤

እጆቼንና እግሮቼንም ቸነከሩኝ።22፥16 አንዳንድ የዕብራይስጥ የጥንት ቅጆች፣ ሰብዓ ሊቃናትና ሱርስት እንዲሁ ሲሆኑ፣ አብዛኛዎቹ የዕብራይስጥ የጥንት ቅጆች እንደ አንበሳ ይላሉ።

17ዐጥንቶቼን ሁሉ አንድ በአንድ መቍጠር እችላለሁ፤

እነርሱም አፍጥጠው ይመለከቱኛል።

18ልብሶቼን ተከፋፈሉ፤

በእጀ ጠባቤም ላይ ዕጣ ተጣጣሉ።

19አንተ ግን፣ እግዚአብሔር ሆይ፤ ከእኔ አትራቅ፤

ዐጋዤ ሆይ፤ እኔን ለመርዳት ፍጠን።

20ነፍሴን ከሰይፍ ታደጋት፤

ውድ ሕይወቴንም ከውሾች ጡጫ አድናት።

21ከአንበሶች አፍ አድነኝ፤

ከአውራሪስ ቀንድም ታደገኝ።22፥21 ወይም ሰምተኸኛል

22ስምህን ለወንድሞቼ እነግራለሁ፤

በጉባኤም መካከል አመሰግንሃለሁ።

23እናንተ እግዚአብሔርን የምትፈሩ፤

አወድሱት፤

እናንተ የያቆብ ዘር ሁላችሁ፤ አክብሩት፤

የእስራኤልም ዘር ሁላችሁ፤ እርሱን ፍሩት።

24እርሱ የተጨነቀውን ሰው ጭንቀት፣

አልናቀም፤ ቸልም አላለምና፤

ፊቱንም ከእርሱ አልሰወረም፤

ነገር ግን ድረስልኝ ብሎ ሲጮኽ ሰማው።

25በታላቅ ጉባኤ የማቀርበው ምስጋናዬ ከአንተ የመጣ ነው፤

እርሱን በሚፈሩት22፥25 ዕብራይስጡ እኔ በሚፈሩኝ ይላል። ፊት ስእለቴን እፈጽማለሁ።

26ምስኪኖች በልተው ይጠግባሉ፤

እግዚአብሔርን የሚሹትም ያመሰግኑታል፤

ልባችሁም ለዘላለም ሕያው ይሁን!

27የምድር ዳርቻዎች ሁሉ ያስታውሳሉ፤

ወደ እግዚአብሔርም ይመለሳሉ፤

የሕዝቦች ነገዶች ሁሉ፣

በፊቱ ይሰግዳሉ።

28መንግሥት የእግዚአብሔር ናትና፤

ሕዝቦችንም የሚገዛ እርሱ ነው።

29የምድር ከበርቴዎች ይበላሉ፤

ይሰግዱለታልም፤

ነፍሱን በሕይወት ማቈየት የማይችለው፣ ወደ ዐፈር

ተመላሽ የሆነው ሁሉ በፊቱ ይንበረከካል።

30የኋለኛው ትውልድ ያገለግለዋል፤

ለመጪው ትውልድ ስለ ጌታ ይነገረዋል።

31ገና ላልተወለደ ሕዝብ፣

ጽድቁን ይነግራሉ፤

እርሱ ይህን አድርጓልና።

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 22:1-31

Salmo 2222 Salmo 22 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni David. Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awitin ito sa tono ng awiting “Ang Usa sa Umaga.”

Panawagan sa Dios para Tulungan

1Dios ko! Dios ko! Bakit nʼyo ako pinabayaan?

Bakit kay layo nʼyo sa akin?

Dumadaing ako sa hirap, ngunit hindi nʼyo pa rin ako tinutulungan.

2Dios ko, araw-gabiʼy tumatawag ako sa inyo,

ngunit hindi nʼyo ako sinasagot,

kaya wala akong kapahingahan.

3Ngunit banal ka, at nakaluklok ka sa iyong trono,

at pinupuri ng mga Israelita.

4Ang aming mga ninuno ay sa inyo nagtiwala,

at silaʼy inyong iniligtas.

5Tinulungan nʼyo sila nang sila ay tumawag sa inyo.

Sila ay nagtiwala at hindi nabigo.

6Akoʼy hinahamak at hinihiya ng mga tao.

Sinasabi nila na para akong higad at hindi tao.

7Bawat makakita sa akin ay nangungutya, nang-aasar,

at iiling-iling na nagsasabi,

8“Hindi baʼt nagtitiwala ka sa Panginoon,

bakit hindi ka niya iniligtas?

Hindi baʼt nalulugod siya sa iyo, bakit hindi ka niya tinulungan?”

9Ngunit kayo ang naglabas sa akin sa sinapupunan ng aking ina,

at mula noong dumedede pa ako, iningatan nʼyo na ako.

10Mula kapanganakan ko, nakadepende na ako sa inyo,

at mula noon, kayo lang ang aking Dios.

11Kaya huwag nʼyo akong pababayaan,

dahil malapit nang dumating ang kaguluhan,

at wala na akong ibang maaasahan.

12Napapaligiran ako ng maraming kaaway,

na para bang mababangis na mga toro mula sa Bashan.

13Para rin silang mga leong umaatungal

at nakanganga na handa akong lapain.

14Nawalan ako ng lakas na parang tubig na ibinubuhos,

at ang aking mga buto ay parang nalinsad22:14 nalinsad: Ang ibig sabihin ay “dislocated” o nagsala ang buto. lahat.

At nawalan ako ng lakas ng loob, para akong nauupos na kandila.

15Ang aking kalakasan ay natuyo na parang tigang na lupa,

at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngala-ngala.

O Panginoon, pinabayaan nʼyo ako sa lupa na parang isang patay.

16Pinaligiran ako ng mga taong masama na parang mga aso.

At binutasan nila ang aking mga kamay at mga paa.

17Naglalabasan na ang lahat ng aking mga buto,

ngunit akoʼy kanilang tinitingnan lamang.

18Ang aking mga damit ay kanilang pinaghati-hatian sa pamamagitan ng palabunutan.

19Ngunit kayo, Panginoon, huwag nʼyo akong lalayuan.

Kayo ang aking kalakasan;

magmadali kayo at akoʼy tulungan.

20Iligtas nʼyo ang buhay ko sa espada ng aking mga kaaway na tulad ng mga pangil ng aso,

21o mga kuko ng leon, o sungay ng toro. Sagutin nʼyo po ang aking dalangin.

22Ikukuwento ko sa aking mga kababayan ang lahat ng tungkol sa inyo.

At sa gitna ng kanilang pagtitipon, kayo ay aking papupurihan.

23Kayong may takot sa Panginoon,

purihin ninyo siya!

Kayong mga lahi ni Jacob na siyang bayan ng Israel,

parangalan ninyo siya

at matakot kayo sa kanya!

24Hindi niya binabalewala ang mga mahihirap.

Hindi niya sila tinatalikuran,

sa halip ay pinakikinggan pa niya ang kanilang mga pagtawag.

25Panginoon, bigyan nʼyo ako ng kasiglahan na magpuri sa inyo sa gitna ng buong sambayanan.

Sa gitna ng mga taong may takot sa inyo,

tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo.

26Kakain ang mga dukha hanggang sa mabusog.

Pupurihin kayo ng mga lumalapit sa inyo.

Sanaʼy sumakanila ang mabuti at mahabang buhay magpakailanman.

27Panginoon, maaalala kayo ng tao sa buong mundo,

at sila ay manunumbalik at sasamba sa inyo,

28sapagkat kayo ang naghahari,

at namumuno sa lahat ng bansa.

29Kaya magdiriwang at sasamba sa inyo ang lahat ng mayayaman sa buong mundo.

Luluhod sa inyo ang lahat ng mga mortal, ang mga babalik sa alikabok.

30Ang susunod na salinlahi ay maglilingkod sa inyo.

At tuturuan nila ang kanilang mga anak ng tungkol sa inyo, Panginoon.

31Balang araw, silang hindi pa ipinapanganak ay malalaman ang mga ginawa nʼyo,

at maging ang pagliligtas nʼyo sa inyong mga mamamayan.