욥기 28 – KLB & TCB

Korean Living Bible

욥기 28:1-28

1“은은 채굴하는 광산이 있고 금은 제련하는 제련소가 있으며

2철은 땅에서 파내고 구리는 광석을 녹여서 얻는다.

3사람들은 광맥을 찾기 위해 땅을 깊이 파고 아주 어두운 곳을 조사한다.

4그들은 사람이 사는 곳에서 멀리 떨어져 인적이 끊어진 곳에 갱도를 깊이 파고 갱 속에서 밧줄로 몸을 묶어 흔들거리면서 외롭게 일하고 있다.

5지면에서는 먹을 것이 나오지만 지하에서는 땅이 불로 뒤집힌다.

6광석에는 청옥도 있고 사금도 있다.

7그런 보화를 캐내는 길은 솔개도 모르고 매의 눈도 그것을 보지 못하며

8사자나 다른 사나운 짐승도 밟아 보지 못한다.

9사람들은 아주 단단한 바위를 쪼개고 산을 파서 그 뿌리까지 드러내며

10바위를 뚫어 굴을 내고 보석을 찾아내며

1128:11 또는 ‘시냇물을 막아’강의 자원을 찾아서 감추인 것을 드러낸다.

12“그러나 지혜는 어디서 찾을 수 있으며 깊은 깨달음은 어디서 얻을 수 있는가?

13이 세상에서는 참 지혜를 찾을 수 없으므로 사람들이 그 가치를 모른다.

14대양이 ‘그것은 내 속에 없다’ 고 말하며 바다도 ‘그것은 나에게 없다’ 고 말한다.

15그것은 금이나 은으로 살 수 없고

16청옥과 마노와 같은 값진 보석으로도 그 값을 치를 수가 없다.

17지혜는 황금이나 유리와 비교가 안 되고 순금으로 장식한 보석으로도 살 수 없으며

18산호나 수정이나 홍옥도 그 가치에 미치지 못하며

1928:19 원문에는 ‘구스’에티오피아의 황옥이나 순금도 지혜의 값을 따를 수 없다.

20그렇다면 그 지혜를 어디서 얻을 수 있는가?

21그것은 모든 생물의 눈에 숨겨져 있고 공중의 새도 그것을 보지 못하며

22멸망과 사망까지도 그것을 소문으로만 들었을 뿐이라고 말한다.

23“하나님만이 지혜가 있는 곳을 아신다.

24이것은 그가 땅 끝까지 살피시며 천하에 있는 모든 것을 보고 계시기 때문이다.

25하나님이 바람의 힘을 조절하시고 물의 분량을 측정하시며

26비의 법칙과 번개가 다니는 길을 정하셨을 때에

27지혜를 보시고 28:27 또는 ‘선포하시며 굳게 세우시며 궁구하셨고’그 가치를 시험하여 인정하셨다.

28그러고서 하나님은 모든 인류에게 이렇게 말씀하셨다. ‘나 여호와를 두려운 마음으로 섬기는 것이 참 지혜요 악에서 떠나는 것이 진정한 깨달음이다.’ ”

Tagalog Contemporary Bible

Job 28:1-28

Nagsalita si Job Tungkol sa Karunungan at Pang-unawa

1“May mga minahan kung saan matatagpuan ang pilak at may mga lugar kung saan dinadalisay ang ginto. 2Ang bakal ay nakukuha mula sa lupa, at ang tanso ay tinutunaw mula sa mga bato. 3Gumagamit ng ilaw ang mga tao para madaig nila ang kadiliman sa kanilang paghuhukay sa kailaliman ng lupa. 4Humuhukay sila ng daanan sa minahan, sa dakong walang taong nakatira at dumadaan. Bumababa sila sa pamamagitan ng mga nakalaylay na lubid. 5Sa ibabaw ng lupa tumutubo ang mga tanim kung saan nagmumula ang pagkain, pero sa ilalim ay parang dinaanan ng apoy. 6Ang mga bato roon ay may mga safiro28:6 safiro: Isang uri ng mamahaling bato. at ang mga alikabok ay may ginto. 7Ang mga daan patungo roon ay hindi makita ng mga ibon, kahit ng ibong mandaragit. 8Hindi rin ito nadaanan ng mga mababangis na hayop o ng leon. 9Hinuhukay ng mga tao kahit na ang pinakamatigas na bato sa ilalim ng bundok. 10Hinuhukay nila ang bundok para hanapin ang ibaʼt ibang uri ng mamahaling bato. 11Hinahanap din nila ang mga ito sa mga ilog.

12“Pero saan nga ba matatagpuan ang karunungan at pang-unawa? 13Hindi alam ng tao kung saan ito matatagpuan. Hindi ito matatagpuan dito sa lupa. 14Hindi rin ito matatagpuan sa ilalim ng dagat. 15Hindi rin ito nabibili ng purong ginto o pilak. 16Ang halaga nito ay hindi matutumbasan ng ginto o ng alin mang mamahaling bato gaya ng onix o safiro. 17Higit pa ito sa ginto o kristal. Hindi ito maipagpapalit sa gintong alahas. 18Ang halaga nitoʼy higit pa sa koral, jasper, o rubi. 19Hindi ito mapapantayan ng mamahaling batong topaz na mula sa Etiopia28:19 Etiopia: sa Hebreo, Cush. at hindi rin mababayaran ng purong ginto.

20“Kaya saan matatagpuan ang karunungan at pang-unawa? 21Walang nilalang na makakakita nito kahit na ang mga ibon. 22Kahit na ang lugar ng kapahamakan na siyang lugar ng mga patay, sabi-sabi lang ang kanilang nalaman tungkol dito. 23Dios lang ang nakakaalam kung saan matatagpuan ang karunungan. 24Sapagkat nakikita niya kahit ang pinakamalayong bahagi ng mundo at ang lahat ng nasa ilalim ng langit. 25Noong pinalakas niya ang hangin, at sinukat kung gaano karaming ulan ang dapat bumuhos, 26itinakda na niya kung saan ito papatak, at kung saan tatama ang kulog at kidlat. 27Sa ganito niya ipinakita ang karunungan at kahalagahan ng mga ito. Nasubukan na niya ito at napatunayan. 28Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao, ‘Ang pagkatakot sa Panginoon at ang paglayo sa kasamaan ay siyang karunungan at pagkaunawa.’ ”