Ecclesiastes 12 – KJV & TCB

King James Version

Ecclesiastes 12:1-14

1Remember now thy Creator in the days of thy youth, while the evil days come not, nor the years draw nigh, when thou shalt say, I have no pleasure in them; 2While the sun, or the light, or the moon, or the stars, be not darkened, nor the clouds return after the rain: 3In the day when the keepers of the house shall tremble, and the strong men shall bow themselves, and the grinders cease because they are few, and those that look out of the windows be darkened,12.3 the grinders…: or, the grinders fail, because they grind little 4And the doors shall be shut in the streets, when the sound of the grinding is low, and he shall rise up at the voice of the bird, and all the daughters of musick shall be brought low; 5Also when they shall be afraid of that which is high, and fears shall be in the way, and the almond tree shall flourish, and the grasshopper shall be a burden, and desire shall fail: because man goeth to his long home, and the mourners go about the streets: 6Or ever the silver cord be loosed, or the golden bowl be broken, or the pitcher be broken at the fountain, or the wheel broken at the cistern. 7Then shall the dust return to the earth as it was: and the spirit shall return unto God who gave it.

8¶ Vanity of vanities, saith the preacher; all is vanity. 9And moreover, because the preacher was wise, he still taught the people knowledge; yea, he gave good heed, and sought out, and set in order many proverbs.12.9 moreover…: or, the more wise the preacher was, etc 10The preacher sought to find out acceptable words: and that which was written was upright, even words of truth.12.10 acceptable…: Heb. words of delight 11The words of the wise are as goads, and as nails fastened by the masters of assemblies, which are given from one shepherd. 12And further, by these, my son, be admonished: of making many books there is no end; and much study is a weariness of the flesh.12.12 study: or, reading

13¶ Let us hear the conclusion of the whole matter: Fear God, and keep his commandments: for this is the whole duty of man.12.13 Let…: or, The end of the matter, even all that hath been heard, is 14For God shall bring every work into judgment, with every secret thing, whether it be good, or whether it be evil.

Tagalog Contemporary Bible

Mangangaral 12:1-14

1Alalahanin mo ang lumikha sa iyo habang bata ka pa at bago dumating ang panahon ng kahirapan at masabi mong, “Hindi ako masaya sa buhay ko.” 2Alalahanin mo siya bago dumilim ang araw, ang buwan at ang mga bituin na parang natatakpan ng makakapal na ulap. 3Darating ang araw na manginginig ang iyong mga bisig12:3 bisig: sa literal, mga bantay ng bahay. at manghihina ang iyong mga tuhod.12:3 tuhod: sa literal, malalakas na lalaki. Hindi ka na makakanguyang mabuti dahil iilan na lang ang iyong ngipin.12:3 ngipin: sa literal, mga babaeng tagagiling ng butil. At lalabo na ang iyong paningin.12:3 paningin: sa literal, mga babaeng nakasilip sa bintana. 4Ang tainga12:4 tainga: sa literal, mga pintuang bayan. moʼy hindi na halos makarinig, kahit ang ingay ng gilingan o huni ng mga ibon o mga awitin ay hindi na marinig. 5Matatakot ka ng umakyat sa matataas na lugar o lumakad sa lansangan ng nag-iisa. Puputi na ang iyong buhok, hindi ka na halos makakalakad at mawawala na ang lahat ng iyong pagnanasa. Sa bandang huli, pupunta ka sa iyong tahanang walang hanggan at marami ang magluluksa para sa iyo sa mga lansangan. 6Kaya alalahanin mo ang Dios habang nabubuhay ka, habang hindi pa nalalagot ang kadenang pilak at hindi pa nababasag ang gintong lalagyan, o hindi pa nalalagot ang tali ng timba sa balon, at nasisira ang kalo nito. 7Kung magkagayon, babalik ka sa lupa kung saan ka nagmula at ang espiritu12:7 espiritu: o, hininga. Tingnan sa Salmo 104:29 at Job 12:10. moʼy babalik sa Dios na siyang nagbigay nito.

8Sabi ng mangangaral,12:8 mangangaral: o, guro; o, isang matalinong tao. “Walang kabuluhan! Tunay na walang kabuluhan ang lahat!”

Paggalang at Pagsunod sa Dios

9Bukod sa pagiging marunong nitong mangangaral, itinuturo din niya sa mga tao ang lahat ng kanyang nalalaman. Pinag-aralan niyang mabuti ang mga kasabihang binanggit niya rito. 10Pinagsikapan niyang gamitin ang mga nararapat na salita, at ang lahat ng isinulat niya rito ay tama at totoo. 11Ang mga salita ng marunong ay parang matulis na tungkod na pantaboy ng pastol sa paggabay sa kanyang kawan o parang pakong nakabaon. Ibinigay ito ng Dios na tangi nating tagabantay.

12Anak, mag-ingat ka sa isa pang bagay na ito: Ang pagsusulat ng aklat ay walang katapusan, at ang labis na pag-aaral ay nakakapagod.

13Ngayong nabasa12:13 nabasa: sa Hebreo, narinig. Nag-aaral noon ang mga Israelita sa pamamagitan ng pakikinig. mo na ang lahat ng ito, ito ang aking huling payo: Matakot ka sa Dios at sundin mo ang kanyang mga utos, dahil ito ang tungkulin ng bawat tao. 14Sapagkat hahatulan tayo ng Dios ayon sa lahat ng ating ginagawa, mabuti man o masama, hayag man o lihim.