箴言 8 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

箴言 8:1-36

智慧的呼喚

1智慧不是在呼喚嗎?

悟性不是在呐喊嗎?

2她在路邊高處站立,

她在十字街頭停留,

3在城門旁,在入口處大喊:

4「世人啊,我呼喚你們,

我向全人類大聲呼籲。

5愚昧人啊,要學會謹慎!

愚頑人啊,要慎思明辨!

6你們聽啊,我要說美好的話,

開口談論正直的事。

7我的口傳揚真理,

我的嘴憎恨邪惡。

8我口中的言語公正,

沒有一句錯謬的話。

9我的話,智者明白,哲士認同。

10要接受我的教誨,而非白銀;

要選擇知識,而非黃金。

11因為智慧比寶石更珍貴,

一切美物都不能與之相比。

12「我智慧與謹慎同住,

我擁有知識和明辨力。

13敬畏耶和華就當憎恨邪惡,

我憎恨驕傲、狂妄、惡道和謊言。

14我有謀略和真知,

又有悟性和能力。

15君王靠我安邦定國,

首領藉我秉公行義,

16王公大臣靠我治理天下,

官宦貴胄憑我公正斷案。

17愛我的,我也愛他;

懇切尋求我的,必能尋見。

18富貴和尊榮在我,

恆久的產業和公義也在我。

19我的果實勝過純金,

我的出產勝過純銀。

20我在公義的道上奔走,

在公平的路上前行。

21我要賜財富給愛我的人,

使他們的庫房充盈。

22「在耶和華造物的起頭,

在太初萬物被造以前,

就已經有我。

23從亙古,從太初,

大地還沒有形成以前,

我已經被立。

24沒有深淵,

沒有湧流的水泉以前,

我已經誕生。

25大山未曾奠定,

小丘未曾形成,

我已經出生。

26那時耶和華還沒有造大地和原野,

還沒有造一粒塵土。

27祂鋪設諸天的時候,我已在場。

祂在深淵上畫出地平線,

28上使穹蒼堅固,

下使深淵的泉源安穩,

29設定滄海的界限,

使海水不得越過祂定的範圍,

為大地奠定根基的時候,

30我就在祂身旁,

做祂的工程師,

天天成為祂的喜樂,

終日在祂面前歡悅,

31因祂所造的人世而歡悅,

因祂所造的世人而喜樂。

32「孩子們啊,你們要聽從我,

持守我道路的人有福了。

33要聽從教誨,不可輕忽,

要做智者。

34人若聽從我、天天在我門口仰望、

時時在我門邊等候,就有福了。

35因為找到我的,便找到了生命,

他必蒙耶和華的恩惠。

36沒找到我就是害自己;

憎恨我就是喜愛死亡。」

Tagalog Contemporary Bible

Kawikaan 8:1-36

Papuri sa Karunungan

1Ang karunungan at pang-unawa ay katulad ng taong nangangaral. 2Tumatayo siya sa matataas na lugar sa tabi ng daan, sa mga kanto, 3sa mga pintuan ng lungsod at mga daanan. Nangangaral siya nang malakas,

4“Kayong mga tao sa buong mundo, pakinggan ninyo ang aking panawagan.

5Kayong mga walang alam, magkaroon kayo ng karunungan.

Kayong mga mangmang magkaroon kayo ng pang-unawa.

6Makinig kayo sa sasabihin ko, sapagkat ito ay tama at kapaki-pakinabang.

7Ang sinasabi ko ay pawang katotohanan lamang; sa nagsasalita ng masama ako ay nasusuklam.

8Pawang matuwid ang sinasabi ko; hindi ako nagsasalita ng kasinungalingan o pandaraya.

9Ang lahat ng sinasabi ko ay malinaw at pawang tama sa taong may pang-unawa.

10Pahalagahan ninyo ang karunungan at ang pagtutuwid ko sa inyong ugali kaysa sa pilak at ginto.

11Sapagkat higit na mahalaga ang karunungan kaysa sa mamahaling hiyas at hindi ito matutumbasan ng mga bagay na hinahangad mo.

12Ako ang karunungan at alam ko kung paano unawain ang tama at mali, at alam ko rin kung paano magpasya nang tama.

13Ang may takot sa Panginoon ay lumalayo sa kasamaan. Namumuhi ako sa kapalaluan, kayabangan, pagsisinungaling at masamang pag-uugali.

14Magaling akong magpayo at may sapat na kaalaman. May pang-unawa at kapangyarihan.

15Sa pamamagitan ko nakakapamuno ang mga hari at ang mga pinunoʼy nakagagawa ng mga tamang batas.

16Sa pamamagitan ko makakapamuno ang mga tagapamahala at mga opisyal – ang lahat na namumuno ng matuwid.8:16 mga opisyal … matuwid: Sa Septuagint at ibang tekstong Hebreo, mga pinuno na namumuno sa mundo.

17Minamahal ko ang mga nagmamahal sa akin;

makikita ako ng mga naghahanap sa akin.

18Makapagbibigay ako ng kayamanan, karangalan, kaunlaran at tagumpay na magtatagal.

19Ang maibibigay ko ay higit pa sa purong ginto at pilak.

20Sinusunod ko ang tama at matuwid.

21Bibigyan ko ng kayamanan ang nagmamahal sa akin;

pupunuin ko ang lalagyan nila ng kayamanan.

22Noong una pa, nilikha na ako ng Panginoon bago niya likhain ang lahat.

23-26Nilikha na niya ako noong una pa man.

Naroon na ako nang wala pa ang mundo, ang mga dagat, mga bukal, mga bundok, mga burol, mga bukid at kahit pa ang mga alikabok.

27Naroon na ako nang likhain niya ang langit,

maging nang likhain niya ang tagpuan ng langit at ng lupa.

28-29Naroon din ako nang likhain niya ang mga ulap,

nang palabasin niya ang tubig sa mga bukal mula sa kailaliman,

nang ilagay niya ang hangganan ng mga dagat upang hindi ito umapaw,

at nang ilagay niya ang mga pundasyon ng mundo.

30Katulad koʼy arkitekto, na nasa tabi ng Panginoon.

Ako ang kanyang kasiyahan sa araw-araw, at lagi naman akong masaya sa piling niya.

31Natutuwa ako sa mundong nilikha niya at sa mga taong inilagay niya dito.

32Kaya ngayon mga anak pakinggan ninyo ako. Mapalad ang mga sumusunod sa pamamaraan ko.

33Pakinggan ninyo ang mga pagtutuwid ko sa inyong pag-uugali upang maging marunong kayo,

at huwag ninyo itong kalilimutan.

34Mapalad ang taong laging sa akin nakatuon ang isip at naghihintay para makinig sa akin.

35Sapagkat ang taong makakasumpong sa akin ay magkakaroon ng maganda at mahabang buhay,

at pagpapalain siya ng Panginoon.

36Ngunit ang taong hindi makakasumpong sa akin ay ipinapahamak ang kanyang sarili.

Ang mga galit sa akin ay naghahanap ng kamatayan.”