申命記 34 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

申命記 34:1-12

摩西去世

1摩西摩押平原登上尼波山,上到耶利哥對面的毗斯迦山頂。耶和華把整片土地指給他看,從基列一直到2拿弗他利全境、以法蓮瑪拿西地區,遠至地中海的猶大全境, 3南地和棕櫚城耶利哥的谷地,遠至瑣珥4耶和華對摩西說:「這便是我向亞伯拉罕以撒雅各起誓要賜給他們子孫的土地。現在我讓你親眼看到了,但你不能進入。」

5於是,耶和華的僕人摩西死在摩押,正如耶和華所言。 6耶和華把他安葬在摩押境內伯·毗珥對面的山谷,至今無人知道摩西的墳墓在哪裡。 7摩西去世時一百二十歲,眼睛沒有昏花,精力沒有衰敗。 8以色列人在摩押平原為摩西致哀三十天,服喪的日子才結束。

9的兒子約書亞充滿了智慧之靈,因為摩西曾把手按在他身上。以色列人都聽從他,遵守耶和華對摩西的吩咐。

10此後,以色列再也沒有出現像摩西那樣的先知,他曾面見耶和華, 11奉耶和華的命令在埃及行神蹟奇事,懲罰法老及其臣僕和國民, 12以色列人面前行偉大而可畏的事。

Tagalog Contemporary Bible

Deuteronomio 34:1-12

Ang Pagkamatay ni Moises

1Mula sa kapatagan ng Moab, umakyat si Moises sa Bundok ng Nebo sa tuktok ng Pisga na nakaharap sa Jerico. Doon ipinakita ng Panginoon ang buong lupain – mula sa Gilead hanggang sa Dan, 2ang buong lupain ng Naftali, ang lupain ng Efraim at ng Manase, ang buong lupain ng Juda hanggang sa Dagat ng Mediteraneo,34:2 Dagat ng Mediteraneo: sa Hebreo, dagat sa kanluran. 3ang Negev, at ang buong lupain mula sa Lambak ng Jerico (ang lungsod ng mga palma) hanggang sa Zoar.

4Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Iyan ang lupaing ipinangako ko kina Abraham, Isaac at Jacob, at sinabi kong ibibigay ko ito sa kanilang salinlahi. Ipinakita ko ito sa iyo, pero hindi ka makakapunta roon.”

5Kaya namatay si Moises na lingkod ng Panginoon, ayon sa sinabi ng Panginoon. 6Inilibing siya sa Moab, sa lambak na nakaharap sa Bet Peor, pero hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung saan talaga siya inilibing. 7Si Moises ay 120 taong gulang nang mamatay, pero malakas pa rin siya, at malinaw pa ang paningin. 8Nagluksa ang mga Israelita kay Moises doon sa kapatagan ng Moab sa loob ng 30 araw.

9Ngayon, si Josue na anak ni Nun ay binigyan ng Espiritu ng karunungan dahil pinili siya ni Moises na pumalit sa kanya sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay nito sa kanya. Kaya sinunod siya ng mga Israelita, at ginawa nila ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

10Mula noon, wala nang propeta pa sa Israel na katulad ni Moises, na nakakausap ng Panginoon nang harapan. 11Isinugo ng Panginoon si Moises para gumawa ng mga himala at mga kamangha-manghang bagay sa Egipto laban sa Faraon, sa kanyang mga opisyal at sa buong bansa. 12Wala nang nakagawa pa ng mga makapangyarihan at kamangha-manghang bagay na katulad ng ginawa ni Moises sa harap ng lahat ng Israelita.