约珥书 3 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

约珥书 3:1-21

上帝要审判万国

1“到那日,在我复兴犹大耶路撒冷的时候, 2我要聚集万国,带他们下到约沙法3:2 约沙法”意思是“耶和华审判”。谷,在那里审判他们,因为他们把我的子民,就是我的产业以色列,分散到各国,并瓜分我的土地。 3他们抽签分了我的子民,将男童换妓女,卖女童买酒喝。

4泰尔西顿非利士境内所有的人啊,你们为什么这样对我?你们要报复我吗?如果你们是报复我,我必速速使你们遭报应。 5你们夺去我的金银,抢走我的珍宝,拿去放在你们的庙中, 6并把犹大耶路撒冷的居民卖给希腊人,使他们远离家乡。 7然而,他们被卖到哪里,我要从哪里把他们带回来,并要使你们得到报应, 8我要把你们的儿女卖给犹大人,犹大人必把他们卖给远方的示巴人。这是耶和华说的。”

9你们去向万国宣告:

“要召集勇士,征调军队,

前去打仗!

10要将犁头打成刀剑,

把镰刀铸成矛头,

软弱的人也要做勇士!

11四围的列国啊,

你们快快聚集到那里吧!”

耶和华啊,

求你差遣大能的勇士降临。

12“万国都要起来,

上到约沙法谷受审判,

因为我要坐在那里审判他们。

13开镰吧,因为庄稼熟了;

踩踏吧,因为榨酒池的葡萄满了。

他们恶贯满盈,如酒池满溢。”

14千千万万的人聚集在审判谷,

因为耶和华的日子要临到那里。

15日月昏暗,

星辰无光。

16耶和华从锡安发出怒吼,

耶路撒冷发出雷声,

天地为之震动。

但耶和华却是祂子民的避难所,

以色列人的堡垒。

17“这样,你们就知道我是你们的上帝耶和华,

我住在锡安——我的圣山上。

耶路撒冷必成为圣地,

外族人必不再侵犯它。

18“到那日,群山要滴下甜酒,

丘陵要流出乳汁。

犹大的溪涧碧水常流,

必有清泉从耶和华的殿中流出,

浇灌什亭谷。

19埃及必一片荒凉,

以东必成为不毛之地,

因为他们曾残暴地对待犹大人,

犹大滥杀无辜。

20犹大必人口兴盛,

耶路撒冷必存到万代。

21我必追讨3:21 追讨”希伯来文是“洗净”。尚未追讨的血债,

因为耶和华住在锡安。”

Tagalog Contemporary Bible

Joel 3:1-21

Parurusahan ang mga Bansa

1Sinabi ng Panginoon, “Sa panahong iyon na ibabalik ko ang mabuting kalagayan ng Juda at Jerusalem,3:1 ibabalik … Jerusalem: o, pababalikin ko ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem sa kanilang lupain mula sa pagkabihag. 2titipunin ko ang mga bansa at dadalhin ko sila sa Lambak ni Jehoshafat.3:2 Jehoshafat: Ang ibig sabihin, naghahatol ang Panginoon. Doon ko sila hahatulan dahil sa kanilang ginawa sa mga Israelita na aking mamamayan na pag-aari ko. Pinangalat nila ang mga Israelita sa ibaʼt ibang bansa at pinaghati-hatian ang aking lupain. 3Nagpalabunutan sila para paghati-hatian ang aking mga mamamayan, at ipinagbili nila bilang alipin ang mga batang lalaki at babae, upang ibili ng alak at ibayad sa babaeng bayaran.

4“Kayong mga taga-Tyre, taga-Sidon, at ang lahat ng lugar ng Filistia, ano ba itong ginagawa ninyo laban sa akin? Ginagantihan ba ninyo ako sa mga bagay na aking ginawa? Kung ganoon, gagantihan ko agad kayo sa inyong ginagawa.3:4 Ang ginagawa ng mga bansang ito laban sa Israel ay para na rin nilang ginagawa laban sa Panginoon. 5Sapagkat kinuha ninyo ang aking mga ginto at pilak at iba pang mamahaling bagay at dinala ninyo ito roon sa inyong mga templo. 6Ipinagbili ninyo sa mga Griego ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem bilang mga alipin, upang mailayo ninyo sila sa sarili nilang bayan. 7Pero tutulungan ko silang makaalis sa mga bayang sa mga bayang pinagbilhan ninyo sa kanila, at gagawin ko sa inyo ang inyong ginawa sa kanila. 8Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa mga taga-Juda, at ipagbibili naman nila ang mga ito sa mga taga-Sabea3:8 Sabea: Isang lugar sa timog-kanluran ng Arabia. na nakatira sa malayong lugar.” Mangyayari nga ito, dahil ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

9Ipaalam ito sa mga bansa: Humanda kayo sa pakikipagdigma. Tawagin ninyo ang inyong mga sundalo upang sumalakay. 10Gawin ninyong mga espada ang sudsod ng inyong mga araro at gawin ninyong mga sibat ang inyong mga panggapas. Kahit ang mahihina ay kailangang makipaglaban. 11Pumarito kayo, lahat kayong mga bansang nasa paligid, at magtipon kayo doon sa Lambak ni Jehoshafat. Panginoon, papuntahin nʼyo na po roon ang inyong hukbo.3:11 Panginoon … hukbo: Sa Syriac, At doon ay lilipulin ng Panginoon ang inyong mga kawal.

12Sinabi ng Panginoon, “Kailangang hikayatin ang mga bansa sa paligid na pumunta sa Lambak ni Jehoshafat, dahil doon ko sila hahatulan. 13Para silang mga aanihin na kailangan nang gapasin dahil hinog na, o parang ubas na kailangan nang pisain dahil puno na ng ubas ang pisaan. Ubod sila ng sama; ang kanilang kasalanan ay parang katas ng ubas na umaapaw sa sisidlan nito.”

14Napakaraming tao ang naroon sa Lambak ng Paghatol, dahil malapit nang dumating ang araw ng pagpaparusa ng Panginoon. 15Magdidilim ang araw at ang buwan, at hindi na magliliwanag ang mga bituin. 16Aatungal na parang leon ang Panginoon mula sa Zion;3:16 Zion: Isa sa mga tawag sa Jerusalem. dadagundong ang kanyang tinig mula sa Jerusalem. Kaya mayayanig ang lupa at langit. Pero ang Panginoon ang matibay na kanlungan para sa mga Israelita na kanyang mamamayan.

Ang mga Pagpapalang para sa mga Mamamayan ng Dios

17Sinabi ng Panginoon, “Malalaman ninyong mga taga-Juda na ako, ang Panginoon na inyong Dios, ay nakatira sa Zion, ang aking banal na bundok. Magiging banal muli ang Jerusalem; hindi na ito muling lulusubin ng ibang bansa. 18Sa panahong iyon, pagpapalain ko kayo. Magiging sagana ang inyong bagong katas ng ubas na mula sa maraming ubas sa mga bundok. Magiging sagana rin ang inyong gatas mula sa maraming baka at kambing na nanginginain sa mga burol. At hindi na matutuyuan ang inyong mga sapa at ilog. At may bukal mula sa templo ng Panginoon na dadaloy sa lambak na may mga punong akasya.3:18 na may mga punong akasya: o, ng Shitim.

19“Ang Egipto ay magiging malungkot na lugar at ang Edom ay magiging ilang, dahil pinagmalupitan nila ang mga taga-Juda; pinatay nila ang mga taong walang kasalanan. 20Pero ang Juda at ang Jerusalem ay titirhan magpakailanman. 21Ipaghihiganti ko ang mga pinatay sa aking mga mamamayan. Parurusahan ko ang mga gumawa nito sa kanila.3:21 Ipaghihiganti … sa kanila: Ito ang nasa Septuagint at Syriac. Sa Hebreo, Ituturing ko na walang kasalanan ang mga pinatay sa kanila na hindi ko pa naituring na walang kasalanan. O, Patatawarin ko ang mga pagpatay nila na hindi ko pa napapatawad. Ako, ang Panginoon na nakatira sa Zion.”