约珥书 2 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

约珥书 2:1-32

耶和华审判的日子

1你们要在锡安吹响号角,

在我的圣山上发出警讯,

地上的居民都要战抖,

因为耶和华的日子将要来临,

已经近了。

2那将是乌云密布、

天昏地暗的日子。

来了一支空前绝后、强盛无比的蝗虫大军,

它们像曙光一样布满山头。

3它们的前队如火燎原,

后队如熊熊烈焰。

它们未到以前,

大地美得像伊甸园;

它们过去之后,

大地变成一片荒场。

地上的一切都逃不过这一场浩劫。

4它们的形状像马,

快速奔驰如战马,

5在山岭上跳跃奔腾,

如隆隆战车,

好像烈火吞噬干草的声音,

又如大军摆开阵式准备打仗。

6它们一来,百姓就惊慌失措,

面如死灰。

7它们快速奔跑像勇士,

攀登城墙如战士,

有条不紊地前进。

8队伍整齐,各行其道,

势如破竹,无坚不摧。

9它们冲向城邑,蹿上城墙,

爬进房屋,

如盗贼般破窗而入。

10所到之处,

天摇地动,

日月昏暗,

星辰无光。

11耶和华向祂的军队发号施令,

祂的队伍不计其数,

执行祂命令的是一支劲旅。

耶和华的日子伟大而可畏,

谁能承受得住呢?

呼吁人民悔改

12耶和华说:

“现在,你们要禁食、哭泣、哀号,

全心回转归向我。”

13你们要撕心般地悔改,

而不是撕裂衣服。

归向你们的上帝耶和华吧,

因为祂有恩典和怜悯,

不轻易发怒,

有无限的慈爱,

不忍心降灾祸。

14谁知道呢?

或许祂转念心生怜悯,

给你们留下祝福,

使你们可以再次向你们的上帝耶和华献上素祭和奠祭。

15要在锡安山吹响号角,

宣布禁食的日子,

举行庄严的聚会。

16要招聚老人,聚集孩童,

包括吃奶的婴儿;

要吩咐新郎出洞房、

新娘出内室;

要召集全体人民,

让他们洁净自己。

17让事奉耶和华的祭司站在圣殿门廊和祭坛中间,

哭泣恳求说:

“耶和华啊,

求你顾惜你的子民,

不要让外族人侮辱、

讥笑你的产业说,

‘你们的上帝在哪里呢?’”

再赐祝福

18耶和华为自己的土地发热心,

祂怜悯自己的子民。

19祂回应他们说:

“我必赐五谷、新酒和油给你们,

使你们饱足,

不再让你们受列国的羞辱。

20我要赶出从北方来的军队,

把他们驱逐到一个干旱荒芜的地方,

把他们的领头部队赶进死海,

再把他们的殿后部队赶进地中海,

那时他们必臭气冲天、

腥味腾空,

因为耶和华为你们行了大事。”

21大地啊,不用惧怕,

倒要欢喜快乐;

因为耶和华行了大事。

22田野的走兽啊,不要惧怕,

因为绿草铺遍了原野,

树木也结满了果子,

无花果树和葡萄树都结实累累。

23锡安的人民啊,

你们应当欢喜快乐,

从你们的上帝耶和华那里得到喜乐。

因为祂按时2:23 按时”希伯来文是“按公义”。降下甘霖,

像从前一样赐给你们秋雨、

春雨。

24麦场必堆满五谷,

酒槽里的酒和油槽里的油必满溢。

25“我派蝻虫、蚱蜢、蚂蚱

和蝗虫大军在那些年所吃掉的,

我要补偿你们。

26你们必吃得饱足,

并赞美你们的上帝耶和华的名,

因祂为你们行了奇事。

我的子民永远不会再蒙羞。

27这样,你们就知道我在以色列

知道我是你们的上帝耶和华,

除我以外别无他神。

我的子民永远不会再蒙羞。

28“以后,我要将我的灵浇灌所有的人。

你们的儿女要说预言,

老人要做异梦,

青年要见异象。

29在那些日子,

我要将我的灵浇灌我的仆人和婢女。

30“我要在天上地下行奇事,你们将看见血、火和烟柱。 31太阳要变得昏暗,月亮要变得血红。在耶和华伟大而可畏的日子来临以前,这些事都会发生。 32那时候,凡求告耶和华之名的人都必得救,因为在锡安山,在耶路撒冷城,必有逃脱灾难的人,耶和华所呼召的人必幸存下来,正如耶和华所言。”

Tagalog Contemporary Bible

Joel 2:1-32

Ang Pagparusa ng Panginoon ay Inihalintulad sa Pagsalakay ng mga Balang

1Hipan ninyo ang trumpeta upang bigyang babala ang mga tao sa Zion,2:1 Zion: Isa ito sa mga tawag sa Jerusalem. ang banal2:1 banal: o, pinili. na bundok ng Panginoon. Lahat kayong nakatira sa Juda, manginig kayo sa takot, dahil malapit na ang araw ng paghatol ng Panginoon. 2Magiging maulap at madilim ang araw na iyon. Kakalat ang napakaraming balang2:2 balang: sa literal, tao o bansa. Maaaring ang mga balang na ito ay kumakatawan sa mga taong sasalakay sa Juda. sa mga kabundukan na parang sinag ng araw kapag nagbubukang-liwayway. Wala pang nangyaring kagaya nito noon, at hindi na mangyayari ang katulad nito kahit kailan.

3Sunud-sunod na sumalakay ang mga balang na parang apoy.2:3 Sunud-sunod … apoy: sa literal, Sa kanilang harapan at sa likuran ay may apoy na sumusunog. Maaaring ang ibig sabihin ay sa harapan at sa likuran ng isang kawan ng mga balang ay mayroon pang mga kawan ng balang. Tingnan sa 1:4 at 2:20. Bago sila dumating ang lupain ay parang halamanan ng Eden. Pero nang masalakay na nila, para na itong disyerto. Wala silang halaman na itinira. 4Parang kabayo ang kanilang anyo, at mabilis sila tulad ng mga kabayong pandigma. 5Ang ingay ng kanilang paglukso sa ibabaw ng mga bundok ay parang mga karwaheng tumatakbo at parang ingay ng nasusunog na dayami. Tulad sila ng makapangyarihang hukbo na handang makipagdigma. 6Ang mga taong makakakita sa kanila ay mamumutla sa takot. 7-8Sumasalakay sila at umaakyat sa mga pader na parang mga sundalo. Diretso ang kanilang paglakad at hindi lumilihis sa kanilang dinadaanan. Hindi sila nagtutulakan, at kahit masalubong nila ang mga sandata ng kaaway, hindi sila naghihiwa-hiwalay. 9Sinasalakay nila ang lungsod at inaakyat ang mga pader nito. Inaakyat nila ang mga bahay at pumapasok sa mga bintana na parang magnanakaw. 10Nayayanig ang lupa at ang langit sa kanilang pagdating. At nagdidilim ang araw at ang buwan, at nawawalan ng liwanag ang mga bituin.

11Inuutusan ng Panginoon ang kanyang hukbo – ang napakarami at makapangyarihang mga balang – at sumusunod sila sa kanyang utos. Nakakatakot ang araw ng pagpaparusa ng Panginoon. Sino ang makakatagal dito?

Panawagan upang Magbalik-loob sa Dios

12Sinabi ng Panginoon na ito na ang panahon para magbalik-loob kayo sa kanya nang buong puso, na nag-aayuno, nananangis at nagdadalamhati. 13Magsisi kayo nang buong puso at hindi pakitang-tao lamang sa pamamagitan ng pagpunit ng inyong mga damit. Magbalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Dios, dahil mahabagin siya at maalalahanin. Mapagmahal siya at hindi madaling magalit. Handa siyang magbago ng isip upang hindi na magpadala ng parusa. 14Baka sakaling magbago ang isip ng Panginoon na inyong Dios at pagpalain kayo ng masaganang ani, para makapaghandog kayo sa kanya ng mga butil at inumin.

15Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion upang ipaalam sa mga tao na magtipon sila at mag-ayuno. 16Gawin ninyo ang seremonya ng paglilinis at magtipon kayong lahat, bata at matanda, pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal. 17Umiyak sa pagitan ng altar at ng balkonahe ng templo ang mga pari na naglilingkod sa Panginoon, at manalangin sila ng ganito: “Panginoon, maawa po kayo sa mga mamamayang pag-aari ninyo. Huwag nʼyo pong payagan na hiyain sila at sakupin ng ibang bansa na nagsasabing, ‘Nasaan ang inyong Dios?’ ”

Pagpapalain ng Panginoon ang Juda

18Nagmamalasakit ang Panginoon sa kanyang bayan at naaawa siya sa kanyang mga mamamayan. 19At bilang sagot sa kanilang dalangin sasabihin niya sa kanila, “Bibigyan ko kayo ng mga butil, bagong katas ng ubas, at langis, at mabubusog kayo. Hindi ko papayagang hiyain kayo ng ibang bansa. 20Palalayasin ko ang mga sasalakay sa inyo mula sa hilaga at itataboy ko sila sa disyerto. Itataboy ko ang unang pulutong nila sa Dagat na Patay2:20 Dagat na Patay: sa Hebreo, dagat sa silangan. at ang huling pulutong ay itataboy ko sa Dagat ng Mediteraneo.2:20 Dagat ng Mediteraneo: sa Hebreo, dagat sa kanluran. At babaho ang kanilang mga bangkay.”

Tunay na kamangha-mangha ang ginawa ng Panginoon. 21Hindi dapat matakot ang lupain ng Juda, sa halip dapat itong magalak dahil sa kamangha-manghang ginawa ng Panginoon. 22Huwag matakot ang mga hayop, dahil luntian na ang mga pastulan at namumunga na ang mga punongkahoy, pati na ang mga igos, gayon din ang mga ubas.

23Kayong mga taga-Zion, magalak kayo sa ginawa sa inyo ng Panginoon na inyong Dios. Sapagkat binigyan niya kayo ng unang ulan at nasundan pa ito gaya ng dati para ipakita na matuwid siya. 24Mapupuno ng butil ang mga giikan, at aapaw ang bagong katas ng ubas at langis sa mga pisaan nito. 25Sapagkat sinasabi ng Panginoon, “Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyo noong mga panahon na sinalakay ang inyong mga pananim ng sunud-sunod na pulutong ng mga balang na iyon. Ako ang nagpadala sa inyo ng napakalaking pulutong ng mga balang. 26Magkakaroon na kayo ngayon ng saganang pagkain at lubusang mabubusog. At dahil dito, pupurihin ninyo ako na inyong Dios, na gumawa ng mga kamangha-manghang bagay na iyon. At kayo na aking mga mamamayan ay hindi na mapapahiya kailanman. 27Malalaman ninyo na akoʼy sumasainyo na mga taga-Israel, at ako lamang ang Panginoon na inyong Dios at wala nang iba pa. Kayo na aking mga mamamayan ay hindi na nga mapapahiya kailanman.

Ang mga Pagpapalang Espiritwal

28“At pagkatapos, ibibigay ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. Ang inyong mga anak na lalaki at babae ay magpapahayag ng aking mga salita. Ang inyong matatandang lalaki ay mananaginip, at ang inyong mga binata ay makakakita ng mga pangitain. 29Sa mga araw na iyon, ibibigay ko rin ang aking Espiritu sa mga utusang lalaki at babae. 30Magpapakita ako ng mga himala sa langit at sa lupa: May makikitang dugo, apoy, at makapal na usok. 31Magdidilim ang araw at pupula ang buwan na parang dugo. Mangyayari ito bago dumating ang nakakatakot na araw ng paghuhukom ng Panginoon.”

32Ang sinumang hihingi ng tulong sa Panginoon ay maliligtas sa parusang darating. Sapagkat ayon sa sinabi ng Panginoon, may matitirang mga Israelita sa Bundok ng Zion, ang Jerusalem. Sila ang mga pinili ng Panginoon na maliligtas.