民数记 32 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

民数记 32:1-42

约旦河东的支派

1吕便迦得的子孙有许多牲畜,他们见雅谢基列适于放牧, 2就来见摩西以利亚撒祭司和会众的首领,说: 3亚大录底本雅谢宁拉希实本以利亚利示班尼波比稳—— 4这些耶和华为以色列会众攻取的地方适于放牧,而仆人们有许多牲畜。 5如果你们恩待我们,请将这些地方赐给我们作产业,别让我们过约旦河了。”

6摩西对他们说:“难道你们要坐在这里,让其他同胞去打仗吗? 7你们为何使以色列人军心动摇,不敢进入耶和华所赐之地? 8从前我在加低斯·巴尼亚派你们的祖先去打探那地方的时候,他们就是这样。 9他们到以实各谷打探那地方,回来后竟动摇军心,使以色列人不敢进入耶和华所赐之地。 10那天耶和华发怒,起誓说, 11‘从埃及出来、二十岁以上的人都看不到我起誓要赐给亚伯拉罕以撒雅各的土地,因为他们没有全心全意地跟从我; 12只有基尼洗耶孚尼的儿子迦勒的儿子约书亚可以看到,因为他们全心全意地跟从我。’ 13耶和华向以色列人发怒,使他们在旷野漂泊了四十年,直到在耶和华面前作恶的那一代都死了。

14“现在,你们这群罪人的后代竟然重蹈前人的覆辙,加剧耶和华的怒气。 15如果你们离弃祂,祂必再次把以色列人丢弃在旷野,这样你们就毁了整个民族。”

16他们上前对摩西说:“我们要在这里为牲畜建围栏,为家眷筑城邑, 17让他们留在坚固的城内,免受当地居民的威胁。然后我们必拿起兵器率先上阵,直到帮其他以色列同胞夺取他们的土地。 18在其他同胞占领各自的产业之前,我们决不回家。 19但我们不会跟他们在约旦河西岸分土地,我们只想要约旦河东岸之地作产业。” 20摩西说:“如果你们信守承诺,拿起兵器在耶和华面前出战, 21你们全军就要在耶和华面前渡过约旦河,直到祂赶走祂面前的仇敌, 22征服那地方。之后,你们才可以回家,才算在耶和华和以色列人面前尽了自己的责任,这地方就在耶和华面前归给你们作产业。 23但如果你们不守承诺,就是得罪耶和华,必难逃惩罚。 24你们现在去为家人筑城邑,为牛羊建围栏吧,但别忘了信守承诺。” 25迦得吕便的子孙对摩西说:“仆人们一定遵命而行。 26我们的妻子、孩子、牛羊等牲畜都会留在基列的各城。 27仆人当中所有能上阵打仗的人都会照你的吩咐在耶和华面前过河作战。”

28于是,摩西以利亚撒祭司、的儿子约书亚以色列各支派的族长说: 29“如果迦得吕便子孙中所有能上阵打仗的人,在耶和华面前跟你们一同过河作战,你们征服那片土地以后就要把基列给他们作产业。 30如果他们不带着兵器跟你们一起过河作战,就只能在迦南与你们同分产业。” 31迦得吕便的子孙再次说:“凡耶和华所吩咐的,仆人们一定照办。 32我们一定带着兵器在耶和华面前过河,前往迦南,但我们要拥有约旦河东之地作产业。”

33摩西就把亚摩利西宏巴珊的国土及周围的城邑都给了迦得的子孙、吕便的子孙和约瑟儿子玛拿西的半个支派。 34迦得的子孙重建了底本亚他录亚罗珥35亚他录·朔反雅谢约比哈36伯·宁拉伯·哈兰,使之成为坚固的城池,并建了羊圈。 37吕便的子孙重建了希实本以利亚利基列亭38尼波巴力·免西比玛。他们为重建的城邑起了新名字,如尼波巴力·免39玛拿西之子玛吉的子孙占领了基列,赶走了那里的亚摩利人。 40摩西就把基列赐给玛拿西的儿子玛吉,作他的居所。 41玛拿西的子孙雅珥占领了基列的村庄,将它们改名为哈倭特·雅珥42挪巴占领了基纳及其周围的村庄,就按自己的名字称基纳挪巴

Tagalog Contemporary Bible

Bilang 32:1-42

Ang mga Lahi sa Silangan ng Ilog ng Jordan

(Deu. 3:12-22)

1Napakaraming hayop ng mga lahi nina Reuben at Gad. Kaya nang makita nila na masagana ang lupain ng Jazer at Gilead para sa mga hayop 2nagpunta sila kina Moises, Eleazar at sa mga pinuno ng mamamayan ng Israel at sinabi, 3“Ang Atarot, Dibon, Jazer, Nimra, Heshbon, Eleale, Sebam, Nebo at Beon – 4ang mga lugar na sinakop ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita – ay mabuting lugar para sa mga hayop at kami na mga alagad ninyo ay napakaraming hayop. 5Kaya kung nalulugod kayo sa amin, ibigay ninyo ang mga lupaing ito sa amin, bilang bahagi namin at huwag na ninyo kaming dalhin sa kabila ng Ilog ng Jordan.”

6Sinabi ni Moises sa mga lahi nina Gad at Reuben, “Ano ang ibig ninyong sabihin, magpapaiwan na lang kayo rito habang ang mga kapwa ninyo Israelita ay pupunta sa labanan? 7Pahihinain lang ninyo ang loob ng mga Israelita na pumunta sa lupaing ibinigay ng Panginoon sa kanila. 8Ganito rin ang ginawa noon ng inyong mga ninuno nang ipinadala ko sila mula sa Kadesh Barnea para tingnan ang lupaing ito. 9Nang makarating sila sa Lambak ng Eshcol, at nakita nila ang lupain, pinahina nila ang loob ng mga Israelita na pumunta sa lupaing ibinigay ng Panginoon sa kanila. 10Matindi ang galit ng Panginoon nang araw na iyon at sumumpa siya: 11‘Dahil sa hindi sila sumunod sa akin nang buong puso nila, wala ni isa man sa kanila na 20 taong gulang pataas na nagmula sa Egipto, ang makakakita ng lupaing ipinangako ko kay Abraham, Isaac, at Jacob, 12maliban lang kay Caleb na anak ni Jefune na Kenizeo at kay Josue na anak ni Nun, dahil sumunod sila sa akin nang buong puso nila.’ 13Nagalit nang matindi ang Panginoon sa mga Israelita, kaya pinaikot-ikot niya sila sa ilang sa loob ng 40 taon hanggang sa nangamatay ang buong henerasyon na gumawa ng masama sa kanyang paningin.

14“At ngayon, kayo namang lahi ng mga makasalanan ang pumalit sa inyong mga ninuno at dinagdagan pa ninyo ang galit ng Panginoon sa mga Israelita. 15Kung hindi kayo susunod sa Panginoon, pababayaan niyang muli kayong mga mamamayan dito sa ilang at kayo ang magiging dahilan ng pagkalipol ng mga Israelita.”

16Pero lumapit pa sila kay Moises at sinabi, “Gagawa na lang po kami rito ng mga kulungan para sa aming mga hayop at mga lungsod para sa aming mga kababaihan at anak. 17Pero handa po kaming pangunahan ang aming mga kapwa Israelita sa pakikipaglaban hanggang sa madala namin sila sa kanilang mga lugar. Habang nakikipaglaban kami, dito po maninirahan ang aming mga anak sa napapaderang lungsod na aming ipapatayo para maging ligtas sila sa mga naninirahan sa lupaing ito. 18Hindi po kami uuwi hanggang sa matanggap ng lahat ng mga Israelita ang lupaing kanilang mamanahin. 19Pero ayaw naming makatanggap ng lupa kasama nila sa kabila ng Jordan. Mas gusto po namin dito sa bandang silangan ng Jordan dahil nakakuha na kami ng parte namin dito sa silangan ng Jordan.”

20Sinabi ni Moises sa kanila, “Kung talagang gagawin ninyo yan, na handa kayo sa pakikipaglaban kasama ang Panginoon, 21at tatawid ang lahat ng sundalo ninyo sa Jordan hanggang sa maitaboy ng Panginoon ang kanyang mga kaaway 22at maangkin ang lupa, maaari na kayong makabalik dito dahil natupad na ninyo ang inyong tungkulin sa Panginoon at sa kapwa ninyo Israelita. At magiging inyo na ang lupaing ito sa harapan ng Panginoon.

23“Pero kung hindi ninyo ito gagawin, magkakasala kayo sa Panginoon at siguradong pagbabayaran ninyo ang inyong mga kasalanan. 24Sige, magtayo kayo ng mga lungsod para sa inyong mga asawaʼt anak at gumawa ng mga kulungan para sa inyong mga hayop, pero dapat ninyong tuparin ang inyong ipinangako.”

25Sumagot ang mga lahi nina Gad at Reuben kay Moises, “Susundin namin ang inyong mga utos. 26Maiiwan dito sa mga lungsod ng Gilead ang aming mga asawa, mga anak at mga hayop. 27Pero kami na iyong mga lingkod na may kakayahang makipaglaban ay tatawid sa Jordan para makipaglaban ayon sa utos mo sa amin.”

28Kaya nag-utos si Moises sa paring si Eleazar, kay Josue na anak ni Nun at sa mga pinuno ng lahi ng Israel. 29Sinabi niya, “Kung ang mga tauhan ng lahi nina Gad at Reuben na may kakayahang makipaglaban ay tatawid sa Jordan para sumama sa pakikipaglaban sa laban ng Panginoon at kung maagaw na ninyo ang lupaing iyon, ibigay ninyo sa kanila ang lupain ng Gilead bilang lupain nila. 30Pero kung hindi sila tatawid kasama ninyo dapat silang tumanggap ng lupa kasama ninyo, roon sa lupain ng Canaan.”

31Sinabi ng mga lahi nina Gad at Reuben, “Susundin namin kung ano ang sinabi ng Panginoon. 32Tatawid kami sa Jordan sa presensya ng Panginoon, pero ang mamanahin naming lupain ay ang nasa silangan sa tabi ng Jordan.”

33Kaya ibinigay ni Moises sa mga lahi nina Gad, Reuben at sa kalahati ng lahi ni Manase na anak ni Jose ang kaharian ni Sihon na hari ng mga Amoreo at ang kaharian ni Haring Og ng Bashan – ang buong lupain pati na ang lungsod at mga teritoryo sa palibot nito.

34Itinayong muli ng lahi ni Gad ang Dibon, Atarot, Aroer, 35Atrot Shofan, Jazer, Jogbeha, 36Bet Nimra at Bet Haran. Ang mga lungsod na ito ay pinalibutan nila ng pader. Gumawa rin sila ng mga kulungan para sa kanilang mga hayop. 37At itinayong muli ng mga lahi ni Reuben ang Heshbon, Eleale, Kiriataim 38pati ang mga lugar na tinatawag noon na Nebo at Baal Meon at ang Sibma. Pinalitan nila ang mga pangalan ng mga lungsod na muli nilang itinayo.

39Sinalakay ng mga angkan ni Makir na anak ni Manase ang Gilead at naagaw nila ito, at itinaboy nila ang mga Amoreo na naninirahan doon. 40Kaya ibinigay ni Moises ang Gilead sa mga angkan ni Makir, na lahi rin ni Manase at doon sila nanirahan. 41Naagaw ni Jair na mula rin sa lahi ni Manase, ang mga baryo sa Gilead at tinawag niya itong, “Mga Bayan ni Jair”. 42Naagaw ni Noba ang Kenat at ang mga baryo sa palibot nito at tinawag niya itong, “Noba” ayon sa pangalan niya.