民数记 33 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

民数记 33:1-56

从埃及到约旦河

1以下是以色列人在摩西亚伦的领导下离开埃及列队行军的路线。 2摩西遵照耶和华的吩咐记录启行的地点,以下是他们停留过的地方。

3一月十五日,即逾越节的第二天,埃及人眼睁睁地看着以色列人昂首挺胸地离开了兰塞4当时埃及人正埋葬他们的长子,耶和华击杀了他们的长子,并借此惩罚了他们的众神明。 5以色列人从兰塞启行,至疏割扎营; 6疏割启行,至旷野边界的以倘扎营; 7以倘启行,又折回巴力·洗分对面的比哈·希录,在密夺附近扎营; 8比哈·希录启行,经过红海到书珥旷野,在伊坦旷野走了三天,至玛拉扎营; 9玛拉启行,至以琳扎营,那里有十二股水泉和七十棵棕树; 10以琳启行,至红海岸边扎营; 11从红海启行,至旷野扎营; 12旷野启行,至脱加扎营; 13脱加启行,至亚录扎营; 14亚录启行,至利非订扎营,在那里民众没有水喝; 15利非订启行,至西奈旷野扎营; 16西奈旷野启行,至基博罗·哈他瓦扎营; 17基博罗·哈他瓦启行,至哈洗录扎营; 18哈洗录启行,至利提玛扎营; 19利提玛启行,至临门·帕烈扎营; 20临门·帕烈启行,至立拿扎营; 21立拿启行,至勒撒扎营; 22勒撒启行,至基希拉他扎营; 23基希拉他启行,至沙斐山扎营; 24沙斐山启行,至哈拉大扎营; 25哈拉大启行,至玛吉希录扎营; 26玛吉希录启行,至他哈扎营; 27他哈启行,至他拉扎营; 28他拉启行,至密加扎营; 29密加启行,至哈摩拿扎营; 30哈摩拿启行,至摩西录扎营; 31摩西录启行,至比尼·亚干扎营; 32比尼·亚干启行,至曷·哈吉甲扎营; 33曷·哈吉甲启行,至约巴他扎营; 34约巴他启行,至阿博拿扎营; 35阿博拿启行,至以旬·迦别扎营; 36以旬·迦别启行,至旷野的加低斯扎营; 37加低斯启行,至以东边界的何珥山扎营。

38以色列人离开埃及后的第四十年五月一日,亚伦祭司遵照耶和华的吩咐上了何珥山,并在那里离世, 39享年一百二十三岁。

40在南地的迦南亚拉得王得知了以色列人要来的消息。

41以色列人从何珥山启行,至撒摩拿扎营; 42撒摩拿启行,至普嫩扎营; 43普嫩启行,至阿伯扎营; 44阿伯启行,至摩押边境的以耶·亚巴琳扎营; 45以耶·亚巴琳启行,至底本·迦得扎营; 46底本·迦得启行,至亚门·低比拉太音扎营; 47亚门·低比拉太音启行,至尼波对面的亚巴琳山扎营; 48亚巴琳山启行,至耶利哥对面、约旦河边的摩押平原扎营。 49他们沿着约旦河在摩押平原扎营,营地从伯·耶施末一直延伸到亚伯·什亭

50耶和华在耶利哥对面、约旦河边的摩押平原对摩西说: 51“你告诉以色列人,‘你们过约旦河进了迦南以后, 52一定要赶走当地的居民,毁掉他们一切的石像和铸像,拆毁他们所有的丘坛。 53你们要占领那片土地,住在那里,因为我已经把那里赐给你们作产业了。 54你们要按宗族家系抽签分配土地,人口多的多分,人口少的少分,抽到哪块地就得哪块地。 55如果你们不赶走那里的居民,留下来的人必成为你们眼里的刺和肋旁的荆棘,在你们所居之地搅扰你们, 56我也会用预备对付他们的方法来对付你们。’”

Tagalog Contemporary Bible

Bilang 33:1-56

Ang mga Lugar na Dinaanan ng mga Israelita mula Egipto Papuntang Moab

1Ito ang mga lugar na dinaanan ng mga Israelita nang umalis sila sa Egipto na nakagrupo ang bawat lahi sa ilalim ng pangunguna nina Moises at Aaron. 2Ayon sa utos ng Panginoon, inilista ni Moises ang kanilang dinaanan na mga lugar mula sa kanilang pinanggalingan. 3Umalis sila sa Rameses nang ika-15 araw ng unang buwan pagkatapos ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Umalis silang may lakas ng loob, habang nakatingin ang mga Egipcio 4na naglilibing ng lahat ng panganay nilang lalaki na pinatay ng Panginoon dahil hinatulan sila ng Panginoon sa kanilang pagsamba sa mga dios-diosan nila.

5Mula sa Rameses, nagkampo sila sa Sucot.

6Mula sa Sucot, nagkampo sila sa Etam, na tabi ng disyerto.

7Mula sa Etam, nagbalik sila papunta sa Pi Harirot na nasa silangan ng Baal Zefon, at nagkampo malapit sa Migdol.

8Mula sa Pi Harirot, tumawid sila sa dagat at pumunta sa disyerto. Naglakbay sila sa loob ng tatlong araw sa disyerto ng Etam at nagkampo sila sa Mara. 9Mula sa Mara, nagkampo sila sa Elim, kung saan may 12 bukal at 70 puno ng palma.

10Mula sa Elim nagkampo sila sa tabi ng Dagat na Pula. 11Mula sa Dagat na Pula nagkampo sila sa ilang ng Sin.

12Mula sa ilang ng Sin, nagkampo sila sa Dofka.

13Mula sa Dofka, nagkampo sila sa Alus.

14Mula sa Alus, nagkampo sila sa Refidim, kung saan walang tubig na naiinom ang mga tao.

15Mula sa Refidim, nagkampo sila sa disyerto ng Sinai.

16-36Ito pa ang mga lugar na kanilang pinagkampuhan nang naglalakbay sila mula sa disyerto ng Sinai papunta sa Kadesh, sa ilang ng Zin: Kibrot Hataava, Hazerot, Ritma, Rimon Perez, Libna, Risa, Kehelata, Bundok ng Shefer, Harada, Makelot, Tahat, Tera, Mitca, Hasmona, Moserot, Bene Jaakan, Hor Hagidgad, Jotbata, Abrona, Ezion Geber at hanggang sa makarating sila sa Kadesh sa ilang ng Zin.

37Mula sa Kadesh, nagkampo sila sa Bundok ng Hor, sa hangganan ng lupain ng Edom. 38-39Sa utos ng Panginoon, umakyat si Aaron sa Bundok ng Hor at doon siya namatay sa edad na 123 taon. Nangyari ito noong unang araw ng ikalimang buwan, nang ika-40 taon mula nang umalis ang mga Israelita sa Egipto.

40Ngayon, ang hari ng Canaan na si Arad na naninirahan sa Negev ay nakabalita na paparating ang mga mamamayan ng Israel.

41-48Mula naman sa Bundok ng Hor, nagpatuloy ang mga Israelita sa kanilang paglalakbay. Ito ang mga lugar na kanilang pinagkampuhan: Zalmona, Punon, Obot, Iye Abarim, na nasa hangganan ng Moab, Dibon Gad, Almon Diblataim, sa mga bundok ng Abarim na malapit sa Nebo, at hanggang sa nakarating sila sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico. 49Nagkampo sila roon sa tabi ng Jordan mula sa Bet Jeshimot hanggang sa Abel Shitim na sakop pa rin ng kapatagan ng Moab. 50At habang nagkakampo sila roon sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico, sinabi ng Panginoon kay Moises, 51“Sabihin mo sa mga Israelita na kung tatawid sila sa Ilog ng Jordan papunta sa Canaan, 52palayasin nila ang lahat ng naninirahan doon at gibain ang lahat ng dios-diosan nila na gawa sa mga bato at metal, at ang lahat ng kanilang sambahan sa matataas na lugar.33:52 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. 53Sasakupin ninyo ang mga lupaing iyon at doon kayo titira dahil ibinibigay ko ito sa inyo. 54Partihin ninyo ang lupa sa pamamagitan ng palabunutan ayon sa dami ng bawat lahi. Ang lahi na may maraming bilang ay partihan ninyo ng malaki, at ang lahi na may kakaunting bilang ay partihan ninyo ng maliit. Kung ano ang mabunot nila, iyon na ang kanilang parte. Sa pamamagitan nito, mahahati ang lupa sa bawat lahi.

55“Pero kung hindi ninyo palalayasin ang mga naninirahan doon, ang mga matitira sa kanilaʼy magiging parang puwing sa inyong mga mata at tinik sa inyong mga tagiliran. Magbibigay sila ng kaguluhan sa inyong paninirahan doon. 56At gagawin ko sa inyo ang parusa na dapat para sa kanila.”