Nnwom 109 – AKCB & TCB

Akuapem Twi Contemporary Bible

Nnwom 109:1-31

Dwom 109

Dawid dwom.

1Me Nyankopɔn a mekamfo wo,

nyɛ komm,

2na amumɔyɛfo ne nkontompofo

atu wɔn ano agu me so;

wɔde atoro tɛkrɛma akasa atia me.

3Wɔde nitansɛm atwa me ho ahyia

na wɔtow hyɛ me so a menkaa wɔn.

4Wɔka nsɛm to me so de tua mʼadɔeyɛ so ka,

nanso meyɛ obi a mepɛ mpaebɔ.

5Wɔde bɔne tua me papayɛ so ka,

na wɔde ɔtan tua mʼadɔeyɛ so ka.

6Ma onipa bɔne bi nsɔre ntia no;

na Satan nnyina ne nsa nifa so.

7Wodi nʼasɛm a, ma onni fɔ,

na ne mpaebɔ mmu no kumfɔ.

8Ma ne nkwa nna nyɛ kakraa bi;

na ɔfoforo nsi nʼanan mu sɛ ɔkannifo.

9Ma ne mma nyɛ ayisaa

na ne yere nyɛ okunafo.

10Ma ne mma nkyinkyin nsrɛsrɛ ade;

ma wɔmpam wɔn mfi wɔn afi a abubu no mu.

11Ma ɔdefirifo bi mfa nea ɔwɔ nyinaa;

na ananafo mfom nʼadwuma so aba.

12Mma obiara nhu no,

anaa ne ayisaa mmɔbɔ.

13Ma nʼase nhyew,

na wɔn din nyera wɔ awo ntoatoaso a ɛreba no mu.

14Ma wɔnkae nʼagyanom nnebɔne wɔ Awurade anim;

na ne na bɔne no ntena hɔ daa.

15Wɔn bɔne nyinaa nka Awurade anim,

na wɔankae wɔn bio wɔ asase so.

16Efisɛ wannwene da sɛ ɔbɛyɛ adɔe,

na mmom ɔtaa ahiafo

mmɔborɔfo ne wɔn a wɔn werɛ ahow de kɔɔ owu mu.

17Nʼani gyee sɛ ɔbɛdome

enti nnome mmra no so;

wampɛ sɛ obehyira

enti nhyira mmɔ no.

18Ɔhyɛɛ nnome sɛ atade;

ɛno kɔɔ ne nipadua mu sɛ nsu,

ne ne nnompe mu sɛ ngo.

19Ma ɛnyɛ sɛ atade a ɛkyekyere ne ho,

ne abɔso a ɛbɔ no daa.

20Ma eyi nyɛ Awurade akatua a ɔde ma me sobobɔfo,

wɔn a wɔka nsɛmmɔne fa me ho no.

21Nanso wo Asafo Awurade,

wo din nti wo ne me nni no yiye;

fi wʼadɔe mu gye me.

22Efisɛ meyɛ ohiani ne nea onni bi,

na me koma atɔ beraw wɔ me mu.

23Mitwaa mu sɛ anwummere sunsuma;

wopia me kyene sɛ mmoadabi.

24Mmuadadi ama me nkotodwe mu agugow;

mafɔn, na ama aka me nnompe.

25Mayɛ aserewde ama wɔn a wɔbɔ me sobo;

sɛ wohu me a, wɔwosow wɔn ti.

26Boa me, Awurade me Nyankopɔn;

gye me sɛnea wʼadɔe te.

27Ma wonhu sɛ ɛyɛ wo nsa,

na wo na woayɛ, Awurade.

28Wɔbɛdome, nanso wubehyira;

sɛ wɔtow hyɛ me so a wɔn anim begu ase,

nanso wo somfo ani begye.

29Mʼatamfo befura animguase;

na akyekyere wɔn ho sɛ atade.

30Mede mʼano bɛma Awurade so ayɛ no kɛse;

mɛkamfo no wɔ dɔm mu.

31Efisɛ ogyina ohiani nsa nifa so

sɛ obegye no nkwa afi wɔn a wobu no kumfɔ nsam.

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 109:1-31

Salmo 109109 Salmo 109 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni David para sa direktor ng mga mang-aawit.

Ang Daing ng Taong Nasa Kahirapan

1O Dios na aking pinapupurihan, dinggin nʼyo ang aking panawagan!

2Dahil akoʼy pinagbibintangan ng mga sinungaling at masasamang tao.

Nagsasalita sila ng kasinungalingan laban sa akin.

3Sinisiraan nila ako at sinusugod ng walang dahilan.

4Kahit nakikipagkaibigan ako sa kanila ay kinakalaban pa rin nila ako,

ngunit ipinapanalangin ko pa rin sila.

5Sa kabutihang ginagawa ko sa kanila, masama ang iginaganti nila.

At sa aking pag-ibig, ibinabalik nilaʼy galit.

6Sinasabi nila,109:6 Sinasabi nila: o, Sinasabi ko.

“Maghanap tayo ng masamang tao na kakalaban sa kanya,

at magsasampa ng kaso sa hukuman laban sa kanya.

7At kapag hinatulan na siya, lumabas sana na siya ang may kasalanan,

at ituring din na kasalanan ang kanyang mga panalangin.

8Mamatay na sana siya agad at ibigay na lang sa iba ang katungkulan niya.

9At nang maulila ang kanyang mga anak at mabiyuda ang kanyang asawa.

10Maging palaboy sana at mamalimos ang kanyang mga anak

at palayasin sila kahit na sa kanilang ginibang tahanan.

11Kunin sana ng kanyang pinagkakautangan ang kanyang mga ari-arian,

at agawin ng mga dayuhan ang kanyang pinaghirapan.

12Wala sanang maawa sa kanya at sa mga naulila niyang mga anak kapag namatay na siya.

13Mamatay sana ang kanyang mga angkan upang silaʼy makalimutan na ng susunod na salinlahi.

14-15Huwag sanang patawarin at kalimutan ng Panginoon ang mga kasalanan ng kanyang mga magulang at mga ninuno;

at lubusan na sana silang makalimutan sa mundo.

16Dahil hindi niya naiisip na gumawa ng mabuti,

sa halip ay inuusig at pinapatay niya ang mga dukha, ang mga nangangailangan at ang mga nawalan ng pag-asa.

17Gustong-gusto niyang sumpain ang iba, kaya sa kanya na lang sana mangyari ang kanyang sinabi.

Ayaw niyang pagpalain ang iba kaya sana hindi rin siya pagpalain.

18Walang tigil niyang isinusumpa ang iba; parang damit na lagi niyang suot.

Bumalik sana ito sa kanya na parang tubig na nanunuot sa kanyang katawan,

at parang langis na tumatagos sa kanyang mga buto.

19Sanaʼy hindi na ito humiwalay sa kanya na parang damit na nakasuot sa katawan o sinturon na palaging nakabigkis.”

20Panginoon, sanaʼy maging ganyan ang inyong parusa sa mga nagbibintang at nagsasalita ng masama laban sa akin.

21Ngunit Panginoong Dios, tulungan nʼyo ako upang kayo ay maparangalan.

Iligtas nʼyo ako dahil kayo ay mabuti at mapagmahal.

22Dahil akoʼy dukha at nangangailangan, at ang damdamin koʼy nasasaktan.

23Unti-unti nang nawawala ang aking buhay. Itoʼy parang anino na nawawala pagsapit ng gabi,

at parang balang na lumilipad at nawawala kapag nagalaw ang dinadapuan.

24Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa pag-aayuno.

Akoʼy payat na payat na.

25Akoʼy kinukutya ng aking mga kaaway.

Iiling-iling sila kapag akoʼy nakita.

26Panginoon kong Dios, iligtas nʼyo ako ayon sa pag-ibig nʼyo sa akin.

27At malalaman ng aking mga kaaway na kayo Panginoon ang nagligtas sa akin.

28Isinusumpa nila ako, ngunit pinagpapala nʼyo ako.

Mapapahiya sila kapag sinalakay nila ako ngunit ako na inyong lingkod ay magagalak.

29Silang nagbibintang sa akin ay lubusan sanang mapahiya,

mabalot sana sila sa kahihiyan tulad ng damit na tumatakip sa buong katawan.

30Pupurihin ko ang Panginoon,

pupurihin ko siya sa harapan ng maraming tao.

31Dahil tinutulungan niya ang mga dukha upang iligtas sila sa mga nais magpahamak sa kanila.