ลูกา 19 – TNCV & TCB

Thai New Contemporary Bible

ลูกา 19:1-48

ศักเคียสคนเก็บภาษี

1พระเยซูเสด็จเข้าเมืองเยรีโค ขณะกำลังผ่านไป 2ชายคนหนึ่งที่นั่นชื่อศักเคียส เป็นหัวหน้าคนเก็บภาษีผู้ร่ำรวย 3เขาอยากเห็นว่าพระเยซูเป็นใคร แต่มองไม่เห็นเนื่องจากเขาเตี้ยและเพราะคนแน่นมาก 4เขาจึงวิ่งขึ้นหน้าแล้วปีนขึ้นต้นมะเดื่อเพื่อดักมองพระองค์ เพราะพระเยซูกำลังเสด็จไปทางนั้น

5เมื่อพระเยซูเสด็จมาถึงที่นั่น ทรงแหงนพระพักตร์แล้วตรัสกับเขาว่า “ศักเคียสเอ๋ย รีบลงมาเถิด วันนี้เราต้องพักที่บ้านท่าน” 6เขาจึงลงมาทันที และต้อนรับพระองค์ด้วยความยินดี

7คนทั้งปวงเห็นดังนั้นก็เริ่มบ่นพึมพำกันว่า “พระองค์ไปเป็นแขกของ ‘คนบาป’ ”

8แต่ศักเคียสยืนขึ้นทูลองค์พระผู้เป็นเจ้าว่า “พระองค์เจ้าข้า ดูเถิด! ที่นี่เวลานี้ ข้าพระองค์ขอยกทรัพย์สมบัติครึ่งหนึ่งให้แก่คนยากจน และหากข้าพระองค์ได้โกงอะไรใคร จะใช้คืนให้สี่เท่า”

9พระเยซูตรัสกับเขาว่า “วันนี้ความรอดมาถึงบ้านนี้แล้ว เพราะชายผู้นี้ก็เป็นบุตรของอับราฮัมด้วย 10เพราะบุตรมนุษย์ได้มาเพื่อเสาะหาและช่วยผู้ที่หลงหายไปให้รอด”

คำอุปมาเรื่องเงินสิบมินา

(มธ.25:14-30)

11ขณะคนทั้งหลายกำลังฟังอยู่ พระองค์ตรัสคำอุปมาต่อไป เนื่องจากพระองค์เสด็จมาใกล้กรุงเยรูซาเล็มแล้ว และผู้คนคิดว่าอาณาจักรของพระเจ้าจะปรากฏทันที 12พระองค์ตรัสว่า “ชายคนหนึ่งในราชตระกูลไปแดนไกลเพื่อรับการแต่งตั้งให้เป็นกษัตริย์ แล้วจะกลับมา 13เขาจึงเรียกคนรับใช้สิบคนมามอบเงินให้คนละหนึ่งมินา19:13 1 มินามีค่าเท่ากับเงินค่าแรง 3 เดือน และสั่งว่า ‘จงนำเงินนี้ไปประกอบกิจการจนกว่าเราจะกลับมา’

14“แต่คนในปกครองของเขาเกลียดชังเขา พวกเขาจึงส่งทูตตามหลังเขาไปแจ้งว่า ‘เราไม่ต้องการให้ชายผู้นี้มาเป็นกษัตริย์ปกครองเรา’

15“อย่างไรก็ตามเขาผู้นี้ได้รับการแต่งตั้งให้เป็นกษัตริย์และได้กลับมาบ้าน แล้วเขาให้ไปตามคนรับใช้ที่เขามอบเงินให้นั้นมาพบ เพื่อดูว่าพวกเขาทำกำไรมาได้เท่าใด

16“คนแรกมาทูลว่า ‘ข้าแต่ฝ่าพระบาท เงินหนึ่งมินาของพระองค์ได้กำไรมาอีกสิบมินา’

17“เจ้านายตรัสว่า ‘ดีมาก คนรับใช้ที่ดีของเรา! เพราะเจ้าซื่อสัตย์ ไว้ใจได้ในสิ่งเล็กน้อย จงดูแลสิบเมืองเถิด’

18“คนที่สองมาทูลว่า ‘ข้าแต่ฝ่าพระบาท เงินหนึ่งมินาของพระองค์ได้กำไรมาอีกห้ามินา’

19“เจ้านายตรัสตอบว่า ‘ให้เจ้าดูแลห้าเมือง’

20“จากนั้นคนรับใช้อีกคนมาทูลว่า ‘ข้าแต่ฝ่าพระบาท นี่คือเงินหนึ่งมินาของพระองค์ ข้าพระบาทได้เอาผ้าห่อเก็บไว้ 21ข้าพระบาทกลัวฝ่าพระบาท เพราะฝ่าพระบาทเป็นคนไร้ความปรานี ยึดเอาสิ่งที่ไม่ได้ให้ไว้ และเก็บเกี่ยวสิ่งที่ไม่ได้หว่าน’

22“เจ้านายตรัสตอบว่า ‘เจ้าคนรับใช้ชั่วช้า! เราจะตัดสินโทษเจ้าจากคำพูดของเจ้าเอง เจ้ารู้ใช่ไหมว่าเราเป็นคนไร้ความปรานี ยึดเอาสิ่งที่ไม่ได้ให้ไว้และเก็บเกี่ยวสิ่งที่ไม่ได้หว่าน? 23ก็แล้วทำไมไม่นำเงินไปฝากไว้ เพื่อว่าเมื่อเรากลับมาจะได้รับเงินคืนพร้อมดอกเบี้ย?’

24“แล้วเขาก็สั่งคนที่ยืนอยู่ใกล้ๆ ว่า ‘จงเอาเงินมินานั้นไปจากเขาและมอบให้แก่คนที่มีสิบมินา’

25“พวกเขาทูลว่า ‘ข้าแต่ฝ่าพระบาท คนนั้นมีอยู่ตั้งสิบมินาแล้ว!’

26“เขาตอบว่า ‘เราบอกพวกเจ้าว่า ทุกคนที่มีจะได้รับมากขึ้น ส่วนผู้ที่ไม่มี แม้ที่เขามีอยู่ก็จะถูกยึดไป 27สำหรับเหล่าศัตรูที่ไม่ต้องการให้เราเป็นกษัตริย์ปกครองพวกเขานั้น จงนำตัวมาที่นี่และฆ่าต่อหน้าเรา’ ”

เสด็จเข้าสู่กรุงเยรูซาเล็มอย่างผู้พิชิต

(มธ.21:1-9; มก.11:1-10; ยน.12:12-15)

28หลังจากพระเยซูตรัสดังนี้แล้ว พระองค์ก็เสด็จนำหน้าขึ้นไปยังเยรูซาเล็ม 29เมื่อเสด็จมาใกล้หมู่บ้านเบธฟายีและเบธานีบนภูเขามะกอกเทศ พระองค์ทรงส่งสาวกสองคนไป พร้อมตรัสสั่งว่า 30“จงไปที่หมู่บ้านข้างหน้านั่น เมื่อเข้าไปท่านจะพบลูกลาซึ่งยังไม่เคยมีใครขึ้นขี่เลยตัวหนึ่งผูกอยู่ จงแก้เชือก จูงมาที่นี่ 31หากใครถามท่านว่า ‘ปล่อยลูกลาทำไม?’ จงบอกเขาว่า ‘องค์พระผู้เป็นเจ้าต้องการลูกลานี้’ ”

32ทั้งสองก็ไปและพบตามที่พระองค์ทรงบอกพวกเขาไว้ 33ขณะที่เขากำลังแก้เชือกที่ผูกลูกลา เจ้าของก็ถามว่า “ปล่อยลูกลาทำไม?”

34พวกเขาตอบว่า “องค์พระผู้เป็นเจ้าต้องการลูกลานี้”

35ทั้งสองนำลูกลามาให้พระเยซู เขาเอาเสื้อคลุมของตนปูบนหลังลาให้พระเยซูประทับ 36ขณะพระเยซูเสด็จไป ประชาชนก็เอาเสื้อคลุมของตนปูลงบนทาง

37เมื่อพระองค์เสด็จมาใกล้ที่ซึ่งเป็นทางลงจากภูเขามะกอกเทศ เหล่าสาวกกลุ่มใหญ่ต่างพากันสรรเสริญพระเจ้าเสียงดังด้วยความชื่นชมยินดีในการอัศจรรย์ทั้งสิ้นที่พวกเขาได้เห็นว่า

38“สรรเสริญกษัตริย์ผู้เสด็จมาในพระนาม

ขององค์พระผู้เป็นเจ้า!”19:38 สดด.118:26

“ขอจงมีสันติสุขในสวรรค์ และพระเกียรติสิริในที่สูงสุด!”

39ฝ่ายฟาริสีบางคนในฝูงชนทูลพระเยซูว่า “ท่านอาจารย์ จงห้ามสาวกของท่าน!”

40พระองค์ตรัสตอบว่า “เราบอกท่านว่า ถ้าพวกเขานิ่งเสีย ก้อนหินทั้งหลายก็จะเปล่งเสียงร้อง”

41เมื่อพระองค์เสด็จมาใกล้และเห็นกรุงเยรูซาเล็ม ก็ทรงร้องไห้สงสารกรุงนั้น 42และตรัสว่า “ถ้าเพียงแต่เจ้าได้รู้ในวันนี้ว่าอะไรจะนำสันติสุขมาสู่เจ้า แต่บัดนี้สิ่งนั้นถูกซ่อนจากสายตาของเจ้าแล้ว 43วาระนั้นจะมาถึง เมื่อศัตรูของเจ้าก่อเชิงเทินโจมตีและล้อมเจ้าไว้ทุกด้าน 44พวกเขาจะเหวี่ยงเจ้าลงกับพื้น ทั้งเจ้ากับลูกหลานภายในกำแพงของเจ้า เขาจะไม่ปล่อยให้ศิลาเหลือซ้อนทับกันสักก้อน เพราะเจ้าไม่ได้ตระหนักถึงเวลาที่พระเจ้าเสด็จมาหาเจ้า”

พระเยซูที่พระวิหาร

(มธ.21:12-16; มก.11:15-18; ยน.2:13-16)

45จากนั้นพระองค์ทรงเข้าสู่บริเวณพระวิหารและเริ่มขับไล่บรรดาผู้ที่กำลังค้าขายอยู่ออกไป

46พระองค์ตรัสกับพวกเขาว่า “มีคำเขียนไว้ว่า ‘นิเวศของเราจะได้ชื่อว่านิเวศแห่งการอธิษฐาน’19:46 อสย.56:7 แต่พวกเจ้ามาทำให้กลายเป็น ‘ซ่องโจร’19:46 ยรม.7:1147พระองค์ทรงสั่งสอนที่พระวิหารทุกวัน ฝ่ายพวกหัวหน้าปุโรหิต เหล่าธรรมาจารย์ และผู้นำในหมู่ประชาชน พยายามหาทางจะฆ่าพระองค์ 48แต่เขาไม่พบช่องทางที่จะลงมือ เพราะประชาชนทั้งปวงสนใจฟังพระดำรัสของพระองค์อย่างมาก

Tagalog Contemporary Bible

Lucas 19:1-48

Si Zaqueo

1Pumasok si Jesus sa Jerico dahil doon siya dadaan papuntang Jerusalem. 2May isang lalaki roon na ang pangalan ay Zaqueo. Siya ay mayaman at isa sa mga pinuno ng mga maniningil ng buwis. 3Gusto niyang makita kung sino talaga si Jesus, pero dahil pandak siya at marami ang tao doon ay hindi niya ito magawa. 4Kaya patakbo siyang nagpauna at umakyat sa isang puno ng sikomoro upang makita si Jesus na dadaan doon. 5Pagdating ni Jesus sa lugar na iyon, tumingala siya at sinabi, “Zaqueo, bumaba ka agad, dahil kailangan kong tumuloy sa bahay mo ngayon.” 6Kaya nagmadaling bumaba si Zaqueo at masayang tinanggap si Jesus. 7Nang makita ng mga tao na roon siya tumuloy sa bahay ni Zaqueo, nagbulung-bulungan sila, “Tumuloy siya sa bahay ng isang masamang tao.” 8Sa loob ng bahay niya ay tumayo si Zaqueo at sinabi, “Panginoon, ibibigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng kayamanan ko. At kung may nadaya akong sinuman, babayaran ko ng apat na beses ang kinuha ko sa kanya.” 9Sinabi sa kanya ni Jesus, “Dumating na ngayon ang kaligtasan sa sambahayang ito, dahil siya ay mula rin sa lahi ni Abraham. 10Sapagkat ako na Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naliligaw.”

Ang Talinghaga tungkol sa Tatlong Alipin

(Mat. 25:14-30)

11Habang nakikinig ang mga tao, ikinuwento ni Jesus sa kanila ang isang talinghaga, dahil malapit na sila sa Jerusalem at ang akala ng mga tao ay makikita na nila ang paghahari ng Dios. 12Sinabi ni Jesus, “May isang kilala at mayamang tao na pumunta sa malayong lugar upang tanggapin ang awtoridad bilang hari sa kanyang lugar, at pagkatapos nitoʼy babalik siya agad sa kanyang bayan. 13Bago siya umalis, tinawag niya ang sampu sa mga alipin niya at binigyan sila ng magkakaparehong halaga ng pera. Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, ‘Gawin ninyo itong puhunan sa negosyo hanggang sa bumalik ako.’

14“Pero ayaw sa kanya ng mga kababayan niya. Kaya pagkaalis niya, nagpadala sila ng mga kinatawan doon sa pupuntahan niya para sabihin sa kinauukulan na ayaw nila na maghari siya sa kanila. 15Pero ginawa pa rin siyang hari. Nang makauwi na siya sa bayan niya, ipinatawag niya ang sampung alipin na binigyan niya ng puhunan para malaman kung magkano ang tinubo ng bawat isa. 16Lumapit sa kanya ang una at sinabi, ‘Ang perang ibinigay nʼyo sa akin ay tumubo po ng sampu.’ 17Sinabi ng hari, ‘Magaling! Mabuti kang alipin! At dahil naging tapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, pamamahalain kita sa sampung lungsod.’ 18Lumapit ang ikalawa at nagsabi, ‘Ang pera po na ibinigay nʼyo sa akin ay tumubo ng lima.’ 19Sinabi ng hari, ‘Mamamahala ka sa limang lungsod.’ 20Lumapit ang isa pang alipin at nagsabi, ‘Ito po ang pera ninyo. Binalot ko po sa isang panyo, 21dahil natatakot ako sa inyo. Alam ko kasing mabagsik kayo; kinukuha ninyo ang hindi ninyo pinaghirapan, at inaani ninyo ang hindi ninyo itinanim.’19:21 inaani … itinanim: o, kinukuha ninyo ang kita ng iba. 22Sinabi ng hari, ‘Masamang alipin! Hahatulan kita ayon sa sinabi mo. Alam mo palang mabagsik ako, na kinukuha ko ang hindi ko pinaghirapan at inaani ko ang hindi ko itinanim. 23Bakit hindi mo na lang idineposito sa bangko ang pera ko para sa pagbalik ko ay makuha ko ito ng may tubo?’ 24Sinabi ng hari sa mga naroon, ‘Kunin nʼyo sa kanya ang pera, at ibigay sa tumubo ng sampu.’ 25Sinabi nila, ‘Kumita na po siya ng sampu.’ 26Sumagot ang hari, ‘Tandaan ninyo: ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kaunting nasa kanya ay kukunin pa. 27Tungkol naman sa mga kaaway ko na ayaw pasakop sa akin bilang hari, dalhin nʼyo sila rito at patayin sa harap ko.’ ”

Ang Matagumpay na Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem

(Mat. 21:1-11; Mar. 11:1-11; Juan 12:12-19)

28Pagkatapos magkwento ni Jesus, nagpatuloy siya sa paglalakad at nanguna sa kanila papuntang Jerusalem. 29Nang malapit na sila sa mga nayon ng Betfage at Betania, sa bundok na kung tawagin ay Bundok ng mga Olibo, pinauna niya ang dalawa niyang tagasunod. 30Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok nʼyo roon makikita ninyo ang isang batang asno na nakatali. Hindi pa ito nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo at dalhin dito. 31Kung may magtanong kung bakit ninyo kinakalagan ang asno, sabihin ninyong kailangan ng Panginoon.” 32Kaya lumakad ang dalawang inutusan, at nakakita nga sila ng asno ayon sa sinabi ni Jesus. 33Nang kinakalagan na nila ang asno, tinanong sila ng mga may-ari, “Bakit ninyo kinakalagan iyan?” 34Sumagot sila, “Kailangan ito ng Panginoon.” 35Dinala nila ang asno kay Jesus, at isinapin nila ang kanilang mga balabal nila sa likod ng asno at pinasakay si Jesus. 36Habang nakasakay siya sa asno papuntang Jerusalem, inilatag ng mga tao ang kanilang mga balabal sa dadaanan niya. 37Nang pababa na siya sa Bundok ng mga Olibo at malapit na sa Jerusalem, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng tagasunod niya at nagpuri nang malakas sa Dios dahil sa mga himalang nasaksihan nila. 38Sinabi nila, “Pinagpala ng Panginoon ang haring kanyang ipinadala.19:38 Salmo 118:26. Mayroon na tayong magandang relasyon19:38 magandang relasyon: o, kapayapaan. sa Dios. Purihin ang Dios sa langit!”

39Sinabi sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan, “Guro, sawayin mo ang mga tagasunod mo.” 40Pero sinagot sila ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo: kung tatahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw ng papuri.”

Umiyak si Jesus para sa mga Taga-Jerusalem

41Nang malapit na si Jesus sa Jerusalem at nakita niya ang lungsod, umiyak siya para sa mga taga-roon. 42Sinabi niya, “Sana nalaman ninyo sa araw na ito kung ano ang makapagbibigay sa inyo ng kapayapaan. Ngunit natakpan ang inyong pang-unawa. 43Darating ang araw na papaligiran kayo ng kuta ng inyong mga kaaway. Palilibutan nila kayo at kabi-kabilang lulusubin. 44Lilipulin nila kayo at ang inyong mga anak, at wawasakin nila ang lungsod ninyo. Wala silang iiwang bato na magkapatong. Mangyayari ang lahat ng ito sa inyo, dahil binalewala ninyo ang araw ng pagliligtas sa inyo ng Dios.”

Ang Pagmamalasakit ni Jesus sa Templo

(Mat. 21:12-17; Mar. 11:15-19; Juan 2:13-22)

45Pagdating nila sa Jerusalem, pumunta si Jesus sa templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda roon. 46Sinabi niya sa kanila, “Sinasabi ng Dios sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay bahay-panalanginan.’19:46 Isa. 56:7. Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga tulisan!”19:46 Jer. 7:11.

47Nagtuturo si Jesus sa templo araw-araw, habang pinagsisikapan naman ng mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan, at ng mga pinuno ng bayan na patayin siya. 48Pero wala silang makitang paraan upang maisagawa ito dahil nakikinig nang mabuti ang mga tao sa mga itinuturo niya.