ลูกา 13 – TNCV & TCB

Thai New Contemporary Bible

ลูกา 13:1-35

จงกลับใจใหม่ มิฉะนั้นจะพินาศ

1ขณะนั้นมีบางคนทูลพระเยซูเรื่องชาวกาลิลีกลุ่มหนึ่งซึ่งปีลาตเอาเลือดของพวกเขาผสมกับเครื่องบูชาของพวกเขา 2พระเยซูตรัสตอบว่า “ท่านคิดว่าชาวกาลิลีเหล่านั้นเป็นคนบาปยิ่งกว่าชาวกาลิลีคนอื่นๆ เพราะเขาเผชิญทุกข์ภัยเช่นนี้หรือ? 3เราบอกท่านว่า ไม่ใช่! แต่หากพวกท่านไม่กลับใจใหม่ พวกท่านก็จะพินาศเช่นกัน 4หรืออย่างสิบแปดคนนั้นที่ถูกหอสิโลอัมพังลงมาทับตาย ท่านคิดว่าเขามีความผิดมากกว่าคนอื่นๆ ทั้งปวงที่อาศัยอยู่ในกรุงเยรูซาเล็มหรือ? 5เราบอกท่านว่า ไม่ใช่! แต่หากท่านไม่กลับใจใหม่ พวกท่านก็จะพินาศเช่นกัน”

6จากนั้นพระองค์ตรัสคำอุปมาดังนี้ “ชายคนหนึ่งปลูกมะเดื่อต้นหนึ่งไว้ในสวนองุ่น เขาไปหาดูผลแต่ไม่พบ 7เขาจึงบอกคนดูแลสวนองุ่นว่า ‘เรามาหาผลจากต้นมะเดื่อนี้สามปีแล้ว แต่ไม่เคยพบเลย จงโค่นมันทิ้ง! จะปลูกมันให้ดินจืดไปทำไม?’

8“แต่คนดูแลสวนตอบว่า ‘นายเจ้าข้า ขอปล่อยมันไว้อีกปีหนึ่ง ข้าพเจ้าจะพรวนดินใส่ปุ๋ย 9ถ้าปีหน้าให้ผลก็ดีอยู่! แต่ถ้าไม่มีผลก็จะโค่นมันลง’ ”

หญิงหลังโกงหายโรคในวันสะบาโต

10ในวันสะบาโตหนึ่ง ขณะพระเยซูทรงสั่งสอนอยู่ในธรรมศาลา 11ที่นั่นมีหญิงคนหนึ่งถูกผีสิงมาสิบแปดปี หลังโกงยืดตัวตรงไม่ได้เลย 12เมื่อพระเยซูทรงเห็นนางก็ทรงเรียกนางออกมาข้างหน้าและตรัสว่า “หญิงเอ๋ย ท่านหายจากความพิการนี้แล้ว” 13จากนั้นพระองค์ทรงวางพระหัตถ์ทั้งสองบนนาง ทันใดนั้นนางก็ยืดตัวตรงและสรรเสริญพระเจ้า

14นายธรรมศาลาไม่พอใจที่พระเยซูทรงรักษาโรคในวันสะบาโตจึงกล่าวกับประชาชนว่า “มีหกวันให้ทำงาน ดังนั้นจงมารับการรักษาในวันเหล่านั้นสิ ไม่ใช่ในวันสะบาโตอย่างนี้”

15องค์พระผู้เป็นเจ้าตรัสตอบเขาว่า “เจ้าคนหน้าซื่อใจคด! เจ้าแต่ละคนก็ปล่อยวัวหรือลาของเจ้าจากคอกและพามันออกไปกินน้ำในวันสะบาโตไม่ใช่หรือ? 16ก็แล้วหญิงคนนี้ผู้เป็นลูกหลานของอับราฮัมถูกซาตานผูกมัดมาตลอดสิบแปดปี ไม่ควรหรือที่จะปลดปล่อยนางให้เป็นอิสระในวันสะบาโต?”

17เมื่อพระองค์ตรัสเช่นนี้ก็ทำให้ปฏิปักษ์ทั้งปวงของพระองค์อับอายขายหน้า แต่ประชาชนยินดีกับสิ่งอัศจรรย์ทั้งปวงที่ทรงกระทำ

คำอุปมาเรื่องเมล็ดมัสตาร์ดและเชื้อขนม

(มธ.13:31-33; มก.4:30-32)

18แล้วพระเยซูตรัสถามว่า “อาณาจักรของพระเจ้าเป็นเหมือนอะไร? เราจะเปรียบเทียบกับอะไรดี? 19ก็เหมือนเมล็ดมัสตาร์ดซึ่งมีคนเอาไปเพาะในสวนของตน มันเติบโตขึ้นเป็นต้นให้นกในอากาศมาเกาะที่กิ่ง”

20พระองค์ตรัสถามอีกครั้งว่า “เราจะเปรียบอาณาจักรของพระเจ้ากับอะไรดี? 21ก็เป็นเหมือนเชื้อขนมซึ่งผู้หญิงเอาไปผสมในแป้งกองใหญ่13:21 ภาษากรีกว่า3 สาตอน(ประมาณ 20 กิโลกรัม) จนแป้งทั้งก้อนฟูขึ้น”

ประตูแคบ

22จากนั้นพระเยซูเสด็จไปสั่งสอนทั่วหมู่บ้านและเมืองต่างๆ ขณะทรงมุ่งหน้าไปยังกรุงเยรูซาเล็ม 23บางคนทูลถามพระองค์ว่า “พระองค์เจ้าข้า มีเพียงไม่กี่คนเท่านั้นที่จะรอดหรือ?”

พระองค์ตรัสกับพวกเขาว่า 24“จงพยายามทุกวิถีทางที่จะเข้าไปทางประตูแคบ เพราะเราบอกท่านว่า คนเป็นอันมากจะพยายามเข้าไป แต่เข้าไม่ได้ 25เมื่อเจ้าของบ้านตื่นและปิดประตูแล้ว ท่านจะยืนเคาะประตูอยู่ข้างนอกและอ้อนวอนว่า ‘นายเจ้าข้า ขอเปิดประตูให้เราด้วย’

“แต่เขาจะตอบว่า ‘เราไม่รู้จักเจ้า และไม่รู้ว่าเจ้ามาจากไหน’

26“เมื่อนั้นท่านจะกล่าวว่า ‘เราเคยกินดื่มกับท่าน และท่านมาสั่งสอนที่ถนนของพวกเรา’

27“แต่เขาจะตอบว่า ‘เราไม่รู้จักเจ้า และไม่รู้ว่าเจ้ามาจากไหน จงไปให้พ้น เจ้าคนทำชั่วทั้งปวง!’

28“ที่นั่นจะมีการร่ำไห้และขบเขี้ยวเคี้ยวฟัน เมื่อท่านเห็นอับราฮัม อิสอัค และยาโคบ กับผู้เผยพระวจนะทั้งปวงในอาณาจักรของพระเจ้า แต่ตัวท่านเองถูกโยนออกมา 29ผู้คนจากทิศเหนือ ทิศใต้ ตะวันออกและตะวันตก จะเข้ามาประจำที่ของตนที่งานฉลองในอาณาจักรของพระเจ้า 30อันที่จริงบรรดาผู้ที่เป็นคนสุดท้ายจะเป็นคนต้น และคนต้นจะเป็นคนสุดท้าย”

พระเยซูทรงสงสารกรุงเยรูซาเล็ม

(มธ.23:37-39; ลก.19:41)

31ครั้งนั้นพวกฟาริสีบางคนมาทูลพระเยซูว่า “ท่านจงออกจากที่นี่ไปที่อื่นเถิด เฮโรดต้องการจะฆ่าท่าน”

32พระองค์ตรัสว่า “ไปบอกเจ้าสุนัขจิ้งจอกนั้นว่า ‘เราจะขับผีและรักษาโรคให้ผู้คนในวันนี้และวันพรุ่งนี้ และในวันที่สามเราจะบรรลุเป้าหมายของเรา’ 33อย่างไรก็ตามเราต้องดำเนินต่อไปใน วันนี้ วันพรุ่งนี้ และวันถัดไป เพราะย่อมไม่มีผู้เผยพระวจนะคนใดตายนอกกรุงเยรูซาเล็ม!

34“โอ เยรูซาเล็ม เยรูซาเล็มเอ๋ย เจ้าผู้เข่นฆ่าเหล่าผู้เผยพระวจนะและเอาหินขว้างบรรดาผู้ที่ทรงส่งมาหาเจ้า เราปรารถนาอยู่เนืองๆ ที่จะรวบรวมลูกๆ ของเจ้ามาเหมือนแม่ไก่ที่กกลูกๆ ไว้ใต้ปีก แต่เจ้าไม่ยอมเลย! 35ดูเถิด นิเวศของเจ้าถูกทิ้งร้าง เราบอกเจ้าว่า เจ้าจะไม่ได้เห็นเราอีกจนกว่าเจ้าจะพูดว่า ‘สรรเสริญพระองค์ผู้เสด็จมาในพระนามขององค์พระผู้เป็นเจ้า’13:35 สดด.118:26

Tagalog Contemporary Bible

Lucas 13:1-35

Kailangan ng Pagsisisi

1May ilang tao roon na nagbalita kay Jesus tungkol sa mga taga-Galileang ipinapatay ni Pilato habang naghahandog sila sa templo. 2Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang akala ba ninyo ay mas makasalanan sila kaysa sa ibang mga taga-Galilea dahil sa nangyari sa kanila? 3Hindi! Ngunit tinitiyak ko sa inyo: mapapahamak din kayo tulad nila kung hindi nʼyo pagsisisihan ang mga kasalanan ninyo. 4Katulad din ng 18 taong nabagsakan ng tore ng Siloam at namatay. Ang akala ba ninyo ay higit silang makasalanan kaysa sa ibang mga taga-Jerusalem? 5Hindi! Ngunit tinitiyak ko sa inyo: mapapahamak din kayo tulad nila kung hindi nʼyo pagsisisihan ang mga kasalanan ninyo.”

Ang Punong Hindi Namumunga

6Pagkatapos, ikinuwento ni Jesus ang talinghaga na ito: “May isang taong may tanim na puno ng igos13:6 puno ng igos: sa Ingles, “fig tree.” sa ubasan niya. Pinuntahan niya ito upang tingnan kung may bunga, pero wala siyang nakita. 7Kaya sinabi niya sa tagapag-alaga ng kanyang ubasan, ‘Tatlong taon na akong pabalik-balik dito para tingnan kung may bunga na ang igos na ito, pero wala pa akong nakikita kahit isa. Putulin mo na lang ang punong iyan. Nasasayang lang ang lupang kinatatayuan niyan!’ 8Pero sumagot ang tagapag-alaga, ‘Hayaan nʼyo na lang po muna ang puno sa taon na ito. Huhukayan ko po ang palibot nito at lalagyan ng pataba. 9Baka sakaling magbunga sa darating na taon. Ngunit kung hindi pa rin, putulin na natin.’ ”

Pinagaling ni Jesus ang Babaeng Baluktot ang Katawan

10Isang Araw ng Pamamahinga, nagtuturo si Jesus sa sambahan ng mga Judio. 11May isang babae roon na 18 taon nang may karamdaman dahil sa ginawa sa kanya ng masamang espiritu. Baluktot ang katawan niya at hindi ito maituwid. 12Nang makita siya ni Jesus, tinawag siya at sinabi, “Babae, magaling ka na sa sakit mo.” 13Pagkatapos, ipinatong niya ang mga kamay niya sa babae, at noon din ay naituwid ng babae ang kanyang katawan at nagpuri siya sa Dios. 14Pero nagalit ang namumuno sa sambahan ng mga Judio dahil nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pamamahinga. Sinabi niya sa mga tao, “May anim na araw kayo para magtrabaho. Sa mga araw na iyon kayo pumarito upang magpagaling, at huwag sa Araw ng Pamamahinga.” 15Sinagot siya ni Jesus, “Mga pakitang-tao! Hindi baʼt kinakalagan ninyo ang inyong mga baka o asno at dinadala sa painuman kahit Araw ng Pamamahinga? 16Kung sa mga hayop nga ay naaawa kayo, bakit hindi sa babaeng ito na mula rin sa lahi ni Abraham? 18 taon na siyang ginapos ni Satanas, kaya nararapat lang na palayain siya kahit na Araw ng Pamamahinga.” 17Napahiya ang mga kumakalaban kay Jesus sa sinabi niyang ito. Natuwa naman ang mga tao sa mga kahanga-hangang bagay na ginawa ni Jesus.

Ang Paghahalintulad sa Buto ng Mustasa

(Mat. 13:31-32; Mar. 4:30-32)

18Nagpatuloy si Jesus sa pagtuturo niya, “Ano kaya ang katulad ng paghahari ng Dios? Sa ano ko kaya ito maihahambing? 19Katulad ito ng isang buto ng mustasa13:19 mustasa: Itoʼy isang uri ng mustasa na mataas. na itinanim ng isang tao sa kanyang taniman. Tumubo iyon at lumaki na parang punongkahoy ang taas, at pinamugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.”

Ang Paghahalintulad sa Pampaalsa

(Mat. 13:33)

20Sinabi pa ni Jesus, “Sa ano ko pa kaya maihahambing ang paghahari ng Dios? 21Katulad ito ng pampaalsang inihalo ng isang babae sa malaking planggana ng harina, at napaalsa nito ang buong masa ng harina.”

Ang Makipot na Pintuan

(Mat. 7:13-14, 21-23)

22Nagpatuloy si Jesus sa paglalakbay niya papuntang Jerusalem. Dumaan siya sa mga bayan at nayon at nagturo sa mga tao roon. 23May isang nagtanong sa kanya, “Panginoon, kakaunti po ba ang maliligtas?” Sumagot si Jesus, 24“Pagsikapan ninyong makapasok sa makipot na pintuan. Tandaan ninyo: marami ang magsisikap na pumasok ngunit hindi makakapasok. 25Kapag isinara na ng may-ari ang pinto, maiiwan kayo sa labas na nakatayo, kumakatok at tumatawag, ‘Panginoon, papasukin nʼyo po kami!’ Ngunit sasagutin niya kayo, ‘Hindi ko kayo kilala!’ 26At sasabihin ninyo, ‘Nakasalo po ninyo kami sa pagkain at pag-inom, at nagturo po kayo sa mga lansangan sa bayan namin.’ 27Sasagot naman siya, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na gumagawa ng masama!’ 28Iiyak kayo at magngangalit ang inyong ngipin13:28 magngangalit ang inyong ngipin: Maaaring dahil sa galit o hinagpis. kapag nakita ninyo sina Abraham, Isaac, Jacob at ang lahat ng propeta na napabilang sa paghahari ng Dios, habang kayo naman ay itinaboy sa labas.13:28 itinaboy sa labas: o, hindi napabilang. 29Makikita rin ninyo ang mga hindi Judio mula sa ibaʼt ibang dako13:29 mula sa ibaʼt ibang dako: sa literal, mula sa silangan, kanluran, hilaga at timog. ng mundo na kasalo sa handaan ng paghahari ng Dios. 30May mga hamak ngayon na magiging dakila, at may mga dakila ngayon na magiging hamak.”

Ang Pag-ibig ni Jesus sa mga Taga-Jerusalem

(Mat. 23:37-39)

31Nang mga sandaling iyon, dumating ang ilang Pariseo at sinabi kay Jesus, “Umalis na po kayo rito dahil gusto kayong ipapatay ni Herodes.” 32Sumagot si Jesus, “Sabihin ninyo sa asong-gubat13:32 asong-gubat: o, mandaraya. na iyon na patuloy akong magpapalayas ng masasamang espiritu at magpapagaling ng may sakit ngayon at hanggang bukas, at sa ikatlong araw ay tatapusin ko na ang gawain ko. 33Basta kailangang ipagpatuloy ko ang aking paglalakbay ngayon, bukas at sa makalawa, dahil hindi dapat mamatay ang propeta sa labas ng Jerusalem.

34“Kayong mga taga-Jerusalem, binabato ninyo at pinapatay ang mga propeta na isinugo ng Dios sa inyo. Maraming beses ko na kayong gustong tipunin at alagaan gaya ng isang inahing manok na nagtitipon ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, pero ayaw ninyo. 35Kaya bahala na kayo sa sarili ninyo. Sapagkat hindi nʼyo na ako makikita hanggang sa dumating ang panahon na sabihin ninyo, ‘Pagpalain ang dumarating sa pangalan ng Panginoon.’ ”13:35 Salmo 118:26.