Zefanias 3 – TCB & KSS

Tagalog Contemporary Bible

Zefanias 3:1-20

Ang Hinaharap ng Jerusalem

1Sinabi ni Zefanias: Nakakaawa ang Jerusalem! Ang mga naninirahan dito ay nagrerebelde sa Dios at gumagawa ng karumihan. Ang kanyang mga pinuno ay mapang-api. 2Hindi sila nakikinig kahit kanino, at ayaw nilang magpaturo. Hindi sila nagtitiwala sa Panginoon na kanilang Dios, ni lumalapit sa kanya. 3Ang kanilang mga opisyal ay parang leon na umaatungal. Ang kanilang mga pinuno ay parang mga lobo na naghahanap ng makakain kung gabi, at walang itinitira pagsapit ng umaga. 4Ang kanilang mga propeta ay padalos-dalos sa kanilang mga ginagawa at hindi mapagkakatiwalaan. Nilalapastangan ng kanilang mga pari ang mga bagay na banal at sinusuway ang Kautusan ng Dios. 5Pero naroon pa rin ang presensya ng Panginoon sa kanilang lungsod. Ginagawa ng Panginoon ang mabuti at hindi ang masama. Araw-araw ipinapakita niya ang kanyang katarungan, at nananatili siyang tapat. Pero ang masasama ay patuloy na gumagawa ng masama at hindi sila nahihiya.

6Sinabi ng Panginoon, “Nilipol ko ang mga bansa; giniba ko ang kanilang mga lungsod pati ang kanilang mga pader at mga tore. Wala nang natirang mga mamamayan, kaya wala nang makikitang taong naglalakad sa kanilang mga lansangan. 7Dahil sa mga ginawa kong ito akala ko igagalang na ako ng aking mga mamamayan at tatanggapin na nila ang aking pagsaway sa kanila, para hindi na magiba ang kanilang lungsod ayon sa itinakda ko sa kanila. Pero lalo pa silang nagpakasama.

8Kaya kayong tapat na mga taga-Jerusalem, hintayin ninyo ang araw na uusigin ko ang mga bansa. Sapagkat napagpasyahan kong tipunin ang mga bansa at ang mga kaharian para ibuhos sa kanila ang matindi kong galit na parang apoy na tutupok sa buong mundo. 9Pagkatapos, babaguhin ko ang mga tao,3:9 babaguhin … tao: sa literal, papalitan ko ng malinis na labi ang labi ng mga tao. para lahat silaʼy lalapit sa akin at magkakaisang maglilingkod sa akin. 10Ang aking mga mamamayang nangalat sa kabilang ibayo ng mga ilog ng Etiopia3:10 Etiopia: sa Hebreo, Cush. ay magdadala ng mga handog sa akin.

11“Sa araw na iyon, kayong mga taga-Jerusalem ay hindi na mapapahiya sa lahat ng mga kasalanang ginawa ninyo sa akin, dahil aalisin ko sa inyo ang mga mapagmataas at mayayabang. Kaya wala nang magyayabang doon sa aking banal na bundok.3:11 banal na bundok: o, bundok ng Zion. 12Pero mag-iiwan ako sa Jerusalem ng mga taong aba at mahihirap na hihingi ng tulong3:12 hihingi ng tulong sa akin: o, aasa. sa akin. 13Ang mga Israelitang ito ay hindi gagawa ng masama; hindi sila magsisinungaling o mandadaya. Kakain at matutulog silang payapa at walang kinatatakutan.”

Matutuwa ang mga Israelita

14Sinabi ni Zefanias: Kayong mga mamamayan ng Israel, sumigaw kayo sa tuwa! Kayong mga mamamayan ng Zion, ang lungsod ng Jerusalem, umawit kayo at magalak nang buong puso! 15Sapagkat hindi na kayo parurusahan ng Panginoon. Palalayasin niya ang inyong mga kaaway. Kasama ninyo ang Panginoon, ang Hari ng Israel, kaya wala nang kasawiang dapat pang katakutan.

16Sa araw na iyon, sasabihin ng mga tao sa mga taga-Jerusalem, “Mga mamamayan ng Zion, huwag kayong matakot; magpakatatag kayo. 17Sapagkat kasama ninyo ang Panginoon na inyong Dios. Katulad siya ng isang makapangyarihang sundalo na magliligtas sa inyo. Magagalak siya sa inyo, at sa pamamagitan ng kanyang pag-ibig ay babaguhin niya ang inyong buhay. Aawit siya nang may kagalakan dahil sa inyo, 18gaya ng taong nagsasaya sa araw ng kapistahan.”

Sinabi pa ng Panginoon, “Ililigtas ko kayo sa kasawian para hindi na kayo malagay sa kahihiyan. 19Sa araw na iyon, parurusahan ko ang lahat ng umaapi sa inyo. Kayo ay parang mga tupang napilay at nangalat, pero ililigtas ko kayo at titipuning muli. Inilagay kayo sa kahihiyan noon, pero pararangalan ko kayo at gagawing tanyag sa buong mundo. 20Oo, titipunin ko kayo sa araw na iyon at pababalikin ko kayo sa inyong bansa. Pararangalan ko kayo at gagawing tanyag sa buong mundo. Mangyayari ito sa araw na panumbalikin ko ang inyong mabuting kalagayan at makikita ninyo mismo ito. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Kurdi Sorani Standard

سەفەنیا 3:1-20

داهاتووی ئۆرشەلیم

1قوڕبەسەر شاری ستەمکارەکان

ئەوەی یاخی بووە و گڵاوە!

2گوێی لە کەس نەگرت،

تەمبێ نەبوو،

پشتی بە یەزدان نەبەست،

لە خودای خۆی نزیک نەبووەوە.

3میرەکانی ناوەڕاستی شێرن دەنەڕێنن،

دادوەرەکانی گورگی ئێوارانن،

هیچ بۆ بەیانی ناهێڵنەوە.

4پێغەمبەرەکانی لەخۆبایین،

خەڵکانێکی ناپاکن،

کاهینەکانی پیرۆزگایان گڵاو کردووە،

تەوراتیان پێشێل کردووە.

5یەزدان لەو شارەدا ڕاستودروستە،

ناڕەوایی ئەنجام نادات.

بەیانییان دادپەروەرییەکەی پەیڕەو دەکات،

کەموکوڕی تێدا نییە،

بەڵام ستەمکار واتای سەرشۆڕی نازانێت.

تۆبەنەکردنی ئۆرشەلیم

6«نەتەوەکانم ڕیشەکێش کرد،

قەڵاکانیان وێران بوون،

شەقامەکانی ئەوانم چۆڵ کرد،

بەبێ ڕێبوارن،

شارەکانیان وێران کران،

بەبێ مرۆڤن، بێ دانیشتووان.

7ئینجا سەبارەت بە ئۆرشەلیم گوتم:

”بێگومان ئیتر لێم دەترسیت و

تەمبێ دەبیت!“

هەتا نشینگەکەی ڕیشەکێش نەکرێت،

هەموو سزای خۆم بەسەریدا ناسەپێنم.

بەڵام چالاک بوون

لە گەندەڵکردنی هەموو کردەوەکانیان.»

8یەزدان دەفەرموێت: «لەبەر ئەوە چاوەڕێم بکەن،

هەتا ئەو ڕۆژەی هەڵدەستم بۆ شایەتیدان،

چونکە بڕیارم دا نەتەوەکان کۆبکەمەوە،

پاشایەتییەکان خڕبکەمەوە،

بۆ ئەوەی هەڵچوونم بەسەریاندا هەڵبڕێژم،

هەموو گڕی تووڕەییم،

بە ئاگری ئیرەییم

هەموو زەوی هەڵدەلووشێت.

چاکسازی پاشماوەی ئیسرائیل

9«ئینجا لێوی هەموو گەلان پاک دەکەمەوە،

هەتا هەموویان بە ناوی یەزدانەوە نزا بکەن،

تاکو هاوشانی یەکتر خزمەتی بکەن.

10لەوبەری ڕووبارەکانی کوشەوە

ئەوانەی دەمپەرستن، گەلە پەرتوبڵاوکراوەکەم،

دیارییەکانم پێشکەش دەکەن.

11لەو ڕۆژەدا بەهۆی کردەوەکانت سەرشۆڕ نابیت

کە پێیان لە من یاخی بوویت،

چونکە من لەم شارە دایاندەماڵم،

ئەوانەی بە لووتبەرزییان دڵخۆشن.

ئیتر ناگەڕێیتەوە بۆ سەر لووت بەرزی

لە کێوی پیرۆزم.

12بەڵام گەلێکت تێدا دەهێڵمەوە

سادە و ساکار،

پشت بە ناوی یەزدان دەبەستێت.

13پاشماوەی ئیسرائیلیش چیدی خراپە ناکەن،

درۆ ناکەن،

لە دەمیاندا زمانی هەڵخەڵەتێنەر نامێنێت،

چونکە بە ئاسوودەیی دەخۆن و ڕادەکشێن،

کەسیش نییە بیانترسێنێت.»

14ئەی سییۆنی کچ، گۆرانی بڵێ،

ئەی ئیسرائیل، هاواری خۆشی بکە!

بە هەموو دڵتەوە شادمان و دڵخۆشبە،

ئەی ئۆرشەلیمی کچ!

15یەزدان سزاکەی تۆی داماڵی،

دوژمنەکەت کشایەوە.

یەزدان، پاشای ئیسرائیل، لەگەڵ تۆیە،

جارێکی دیکە لە خراپە ناترسیت.

16لەو ڕۆژەدا بە ئۆرشەلیم دەگوترێت:

«ئەی سییۆن مەترسە،

دەستت شل مەکە.

17یەزدانی پەروەردگارت لەگەڵتدایە،

لە ڕزگارکردن قارەمانە.

بە شادییەوە پێت دڵخۆش دەبێت،

لەناو خۆشەویستییەکەی دەتبووژێنێتەوە،

بە گۆرانییەوە پێت شاد دەبێت.»

18«ئەوانەی بۆ نەمانی جەژن دەگریێن

لە تۆ دایاندەماڵم،

لەمەودوا شەرمەزاری هەڵناگریت.

19لەو کاتەدا من سزایان دەدەم

هەموو ئەوانەی زەلیلیان کردیت؛

شەلەکە ڕزگار دەکەم و

ئەوانەی دوورخراوبوونەوە کۆیان دەکەمەوە.

ستایش و ناوبانگیان پێ دەبەخشم

لە هەموو خاکێک کە شەرمەزار بوون.

20لەو کاتەدا کۆتان دەکەمەوە،

لەو کاتەدا دەتانگەڕێنمەوە خاکی خۆتان.

ستایش و ناوبانگتان پێ دەبەخشم

لەنێو هەموو گەلانی زەوی،

کاتێک ڕاپێچکراوەکانتان و بەختیاریتان

لەبەرچاوتان دەگەڕێنمەوە.»

ئەوە فەرمایشتی یەزدانە.