Zefanias 2 – TCB & CARS

Tagalog Contemporary Bible

Zefanias 2:1-15

Panawagan para Magsisi

1Sinabi ni Zefanias sa mga taga-Juda: Bansang walang kahihiyan, magtipon kayo at magsisi 2bago dumating ang itinakdang araw na kayoʼy palalayasin2:2 palalayasin: o, lilipas. at ipapadpad na parang mga ipa. Magsisi na kayo bago dumating ang araw ng pagbuhos ng Panginoon ng kanyang matinding galit. 3Kayo namang mga mapagpakumbaba at sumusunod sa mga utos ng Panginoon, lumapit kayo sa kanya. Magpatuloy kayong gumawa ng matuwid at magpakumbaba. Baka sakaling ingatan kayo ng Panginoon sa araw na ibuhos niya ang kanyang galit.

Parusa sa Bansang Filistia

4Wala nang titira sa Gaza at Ashkelon. Ang mga mamamayan ng Ashdod ay palalayasin sa loob lamang ng kalahating araw. Palalayasin din ang mga mamamayan ng Ekron sa kanilang bayan. 5Nakakaawa kayong mga Filisteo2:5 Filisteo: sa Hebreo, Kereteo. Mga taong sakop ng Filistia. At sa talatang ito ay kumakatawan sila sa lahat ng taga-Filistia. na nakatira sa tabing-dagat. Ito ang sinasabi ng Panginoon laban sa inyo: “Kayong mga Filisteo sa Canaan, lilipulin ko kayo, at walang matitira sa inyo.” 6Kaya ang inyong mga lupain sa tabing-dagat ay magiging pastulan at kulungan ng mga tupa. 7Sasakupin iyon ng natitirang mga taga-Juda. Doon sila magpapastol ng kanilang mga hayop at pagsapit ng gabi ay matutulog sila sa mga bahay sa Ashkelon. Kahahabagan sila ng Panginoon na kanilang Dios at pauunlarin silang muli.

Parusa sa mga Bansa ng Moab at Ammon

8-9Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel, “Narinig ko ang pang-iinsulto at panunuya ng mga taga-Moab at taga-Ammon sa aking mga mamamayan. Ipinagyayabang nilang kaya nilang sakupin ang lupain ng aking mga mamamayan. Kaya isinusumpa kong wawasakin ko ang Moab at Ammon katulad ng Sodom at Gomora. At ang kanilang lupain ay hindi na mapapakinabangan habang panahon. Tutubuan ito ng mga matitinik na damo, at mapupuno ng mga hukay na gawaan ng asin. Lulusubin ito ng natitira kong mga mamamayan at sasamsamin nila ang mga ari-arian nito.”

10Sinabi ni Zefanias: Iyan ang ganti sa pagyayabang ng mga taga-Moab at taga-Ammon. Sapagkat ipinapahiya nila at nilalait ang mga mamamayan ng Panginoong Makapangyarihan. 11Sisindakin sila ng Panginoon dahil lilipulin niya ang lahat ng mga dios-diosan sa buong mundo. At sasambahin siya ng mga tao sa lahat ng bansa sa kani-kanilang bayan.

Ang Parusa sa mga Bansa ng Etiopia at Asiria

12Sinabi ng Panginoon, “Kayo ring mga taga-Etiopia2:12 taga-Etiopia: sa Hebreo, taga-Cush. ipapapatay ko kayo sa digmaan.

13“Parurusahan ko rin ang Asiria na nasa hilaga. Magiging tulad ng ilang ang Nineve,2:13 Nineve: Ito ang kabisera ng Asiria. tigang na parang disyerto. 14Magiging pastulan ito ng mga baka, kambing, at ng ibaʼt ibang uri ng mga hayop. Dadapo ang mga kuwago sa mga nasirang haligi, at maririnig ang kanilang huni sa mga bintana. Masisira ang mga pintuan at matatanggal ang mga sedrong kahoy nito. 15Ganyan ang mangyayari sa lungsod ng Nineve, na nagmamalaki na walang sasalakay sa kanila at walang hihigit sa kanila. Pero lubusang mawawasak ang lungsod na iyon at titirhan na lamang ng mga hayop sa gubat. At ang bawat dadaan doon ay tatawa ng pakutya sa kinasapitan nito.”

Священное Писание

Софония 2:1-15

Призыв к покаянию

1Собирайся, собирайся,

народ бесстыжий,

2пока не исполнилось определённое Вечным,

и не пролетели благоприятные дни,

как гонимая ветром мякина,

пока не опалил вас пылающий гнев Вечного,

пока не пришёл к вам день Его ярости.

3Ищите Вечного, все смиренные на земле,

творящие Его волю.

Ищите праведности, ищите кротости –

может быть, вам удастся укрыться

в день Его гнева.

Суд над филистимлянами

4Будет покинута Газа,

и Ашкелон превратится в руины.

Опустеет в полдень Ашдод,

и с корнем будет исторгнут Экрон.

5Горе вам, жители побережья,

народ с Крита2:5 Остров Крит был прародиной филистимлян.;

Вечный оглашает тебе приговор,

Ханаан, земля филистимлян:

– Я погублю тебя –

и не останется уцелевших.

6Станет пастбищем ваше побережье,

с пастушьими хижинами

и загонами для овец.

7Достанется побережье уцелевшим из Иудеи;

там они будут пасти свои стада

и будут ложиться спать

в домах Ашкелона.

Вечный, их Бог, позаботится о них

и вернёт им благополучие.

Суд над Моавом и Аммоном

8– Я услышал брань Моава

и насмешки аммонитян –

как они ругали народ Мой

и угрожали его земле.

9Поэтому верно, как и то, что Я живу, –

возвещает Вечный, Повелитель Сил, Бог Исраила, –

с Моавом будет то же, что и с Содомом,

с аммонитским народом – что и с Гоморрой2:9 См. Нач. 18:20–19:29.

станут царством крапивы, соляной ямой

и мёртвой пустошью навеки.

Оставшиеся из Моего народа разграбят их,

уцелевшие из Моего народа унаследуют их землю.

10Вот что они получат за свою кичливость,

за то, что они издевались и заносились

над народом Вечного, Повелителя Сил.

11Страшен будет для них Вечный,

когда истребит всех богов земли.

Народы всех побережий поклонятся Ему,

каждый в своём краю.

Суд над Эфиопией

12– И вы, эфиопы,

от Моего меча падёте.

Суд над Ассирией

13Он протянет Свою руку на север

и погубит Ассирию,

сделает Ниневию пустошью мёртвой,

сухой, как пустыня.

14Там будут ложиться на отдых стада

и разные дикие звери.

Пустынная сова и ёж будут ночевать

в капителях колонн, лежащих повсюду,

и голос их будет доноситься из окон.

На пороге будет запустение,

и обнажится кедровая обшивка дверей.

15Тот ли это ликующий город,

живший беспечно,

говоривший себе:

«Со мной никто не сравнится»?

Он обратился в руины,

стал логовом для зверья!

Все, кто мимо идёт, издеваются

и презрительно машут рукой.