Zacarias 7 – TCB & CARSA

Tagalog Contemporary Bible

Zacarias 7:1-14

Tinuligsa ang Pakunwaring Pag-aayuno

1May sinabi ang Panginoon kay Zacarias noong ikaapat na araw ng buwan ng Kislev (ikasiyam na buwan), nang ikaapat na taon ng paghahari ni Darius. 2-3Nangyari ito matapos ipadala ng mga mamamayan ng Betel si Sharezer at si Regem Melec, kasama ang kanilang mga tauhan, upang hilingin sa mga pari sa templo at sa mga propeta na tanungin ang Panginoon kung talagang kailangan pa nilang magluksa at mag-ayuno sa ikalimang buwan upang alalahanin ang pagkagiba ng templo, gaya ng maraming taon na nilang ginagawa. 4At ito ang sinabi ng Panginoong Makapangyarihan kay Zacarias: 5“Sabihin mo sa lahat ng mga mamamayan ng Israel pati sa mga pari, na ang kanilang pag-aayuno at pagluluksa sa bawat ikalima at ikapitong buwan sa loob ng 70 taon ay hindi nila ginagawa para sa akin. 6At kung silaʼy kumakain at umiinom, ginagawa nila iyan para lamang sa sarili nilang kaligayahan. 7Ito rin ang mensahe na ipinasabi ko sa mga propeta noon, nang masagana pa ang Jerusalem at marami pa itong tao pati ang mga bayang nasa paligid nito, at pati na ang Negev7:7 Negev: Lugar na nasa bandang timog ng Juda. at ang kaburulan sa kanluran.”7:7 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela.

8-9Sinabi muli ng Panginoong Makapangyarihan kay Zacarias, “Ito ang sinabi ko sa aking mga mamamayan: ‘Humatol kayo nang makatarungan. Ipakita ninyo ang inyong kabutihan at habag sa isaʼt isa. 10Huwag ninyong gigipitin ang mga biyuda, mga ulila, mga dayuhan, at ang mga mahihirap. Huwag kayong magbalak ng masama laban sa isaʼt isa.’

11“Ngunit hindi nila pinansin ang aking sinabi. Tinanggihan nila ito at hindi sila nakinig. 12Pinatigas nilang parang bato ang kanilang mga puso, at hindi sila nakinig sa Kautusan at mga salitang ipinasasabi ng aking Espiritu sa pamamagitan ng mga propeta noon. Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay talagang galit na galit. 13At dahil hindi sila nakinig sa mga sinabi ko, hindi rin ako makikinig kapag tumawag sila sa akin. 14Para akong buhawing nagpangalat sa kanila sa ibaʼt ibang lugar na hindi pa nila napupuntahan. Iniwanan nila ang kanilang magandang lupain na hindi na mapapakinabangan at hindi na rin matitirhan.”

Священное Писание (Восточный перевод), версия с «Аллахом»

Закария 7:1-14

Пост лицемеров

1На четвёртом году правления царя Дария, в четвёртый день девятого месяца, месяца кислева (7 декабря 518 г. до н. э.), было слово Вечного к Закарии. 2Народ Вефиля послал Сарецера и Регем-Малика вместе с их людьми искать у Вечного расположения 3и спросить у священнослужителей дома Вечного, Повелителя Сил, и у пророков: «Скорбеть ли нам и поститься ли в пятом месяце7:3 См. сноску на 8:19., как мы делаем это уже много лет?»

4И было ко мне слово Вечного, Повелителя Сил:

5– Спроси у всего народа страны и у священнослужителей: «Когда вы постились и скорбели последние семьдесят лет в пятом и седьмом месяце7:5 См. сноску на 8:19., то для Меня ли вы постились? 6А когда вы ели и пили, то не для самих ли себя вы пировали? 7Не те ли это слова, которыми Вечный взывал через прежних пророков, когда Иерусалим с окрестными городами был населён и покоился в мире и Негев с западными предгорьями был обитаем?»

8И было к Закарии слово Вечного:

9– Так говорил Вечный, Повелитель Сил: «Судите справедливо, будьте милостивы и сострадательны друг к другу. 10Не притесняйте вдову и сироту, чужеземца и бедняка. Не замышляйте зло друг против друга». 11Но они отказались внимать; они упрямо повернулись спиной и заткнули уши, чтобы не слышать. 12Они сделали свои сердца твёрдыми, как кремень, чтобы не слушать Закона и слов, которые Вечный, Повелитель Сил, посылал Своим Духом через прежних пророков. И поэтому Вечный, Повелитель Сил, сильно разгневался. 13«Когда Я звал их, они не слушали; поэтому, когда они будут звать, Я тоже не стану слушать, – говорит Вечный, Повелитель Сил. – 14Я ураганом развеял их среди народов, которых они не знали. Страна после них осталась в таком запустении, что через неё перестали ездить. Так они привели прекрасную землю в запустение».