Santiago 4 – TCB & CCBT

Tagalog Contemporary Bible

Santiago 4:1-17

Huwag Ibigin ang Mundo

1Ano ba ang pinagmumulan ng mga pag-aaway at alitan ninyo? Hindi baʼt ang masasamang kagustuhan na naglalaban-laban sa puso nʼyo? 2May mga ninanais kayo pero hindi nʼyo makamtan, kaya handa kayong pumatay dahil dito. May mga gusto kayong makuha at kapag hindi ito nangyari, nag-aaway-away kayo. Hindi nʼyo nakakamtan ang mga ninanais nʼyo dahil hindi kayo humihingi sa Dios. 3At kung humihingi naman kayo, wala kayong natatanggap dahil humihingi kayo nang may masamang motibo para mapagbigyan ang sarili nʼyong kasiyahan. 4Kayong mga hindi tapat sa Dios, hindi nʼyo ba alam na kaaway ng Dios ang umiibig sa mundo? Kaya ang sinumang nagnanais makipagkaibigan sa mundo ay ginagawa niyang kaaway ng Dios ang sarili niya. 5Huwag ninyong isipin na walang kabuluhan ang sinasabi ng Kasulatan, “Ayaw ng Espiritung pinatira sa atin na may kaagaw sa pag-ibig niya.”4:5 Ayaw ng … pag-ibig niya: o, Nais ng Dios na siya lang ang mamahalin ng espiritung ibinigay niya sa atin. 6Ngunit sapat ang biyayang ibinigay ng Dios. Kaya nga sinasabi sa Kasulatan, “Kinakalaban ng Dios ang mga mapagmataas, pero kinakaawaan niya ang mapagpakumbaba.”4:6 Kaw. 3:34.

7Kaya magpasakop kayo sa Dios. Labanan nʼyo ang diyablo at lalayo ito sa inyo. 8Lumapit kayo sa Dios at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin nʼyo ang inyong puso. 9Maging malungkot kayo at maghinagpis dahil sa mga kasalanan nʼyo. Palitan nʼyo ng pagdadalamhati ang pagsasaya ninyo. 10Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo.

Paalala sa Paghuhusga sa Kapwa

11Mga kapatid, huwag ninyong siraan ang isaʼt isa. Ang naninira o humahatol sa kapatid niya ay nagsasalita laban sa Kautusan at humahatol sa Kautusan. At kung ikaw ang humahatol sa Kautusan, hindi ka na tagatupad nito kundi isa nang hukom. 12Ngunit ang Dios lang ang nagbigay ng Kautusan at siya lamang ang hukom. Tanging siya ang may kakayahang magligtas at magparusa.4:12 magparusa: sa literal, mamuksa. Kaya sino ka para husgahan ang kapwa mo?

Paalala sa Pagmamalaki

13Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas, pupunta kami sa isang bayan. Mamamalagi kami roon ng isang taon, magnenegosyo, at kikita ng malaki.” 14Sa katunayan, hindi nʼyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo bukas. Sapagkat ang buhay ay parang hamog na lilitaw nang sandali at mawawala pagkatapos. 15Kaya nga, ito ang dapat ninyong sabihin: “Kung loloobin ng Panginoon at mabubuhay pa tayo, ganito o kaya ganoon ang gagawin natin.” 16Ngunit sa ngayon, nagmamalaki at nagmamayabang kayo. Ang ganyang pagyayabang ay masama.

17Kung alam ng isang tao ang mabuti na dapat niyang gawin, pero hindi naman ginagawa, nagkakasala siya.

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

雅各書 4:1-17

不要與世俗為友

1你們彼此衝突、互相鬥毆的起因是什麼呢?不就是你們身體中不斷交戰的慾望嗎? 2你們貪心,得不到就去殺人。你們嫉妒,得不到就爭吵、打鬥。你們得不到是因為你們不向上帝祈求。 3你們求也得不到是因為你們動機不純,只求享樂和滿足自己的慾望。 4你們這些對主不忠的人啊,難道還不明白與世俗為友就是與上帝爲敵嗎?所以,凡是與世俗為友的,都是上帝的敵人。 5聖經上說:「上帝所賜、住在我們心裡的聖靈深願我們完全屬於祂。」你們以為這是空談嗎? 6但上帝賜給我們更大的恩典,所以聖經上說:「上帝阻擋驕傲的人,恩待謙卑的人。」

7因此,你們要服從上帝,抵擋魔鬼,魔鬼必逃離你們。 8你們親近上帝,上帝就必親近你們。有罪的人啊,洗淨你們的手吧!三心二意的人啊,潔淨你們的心吧! 9你們要悲傷、憂愁、痛哭,轉歡笑為悲哀,變歡樂為愁苦。 10你們要在主面前謙卑,祂必擢升你們。

不要論斷

11弟兄姊妹,不要彼此批評。批評、論斷弟兄姊妹就等於是批評、論斷律法。如果你論斷律法,你就不是遵行律法的人,而是以審判者自居。 12設立律法和審判人的只有一位,就是能拯救人也能毀滅人的上帝。你是誰,竟然論斷別人呢?

警戒自誇

13你們有些人說:「今天或是明天,我們要往某某城去,在那裡逗留一年半載,做生意賺錢。」 14其實你們根本不知道明天會發生什麼事。你們的生命是什麼呢?你們只不過像一陣霧氣,出現片刻,就無影無蹤了。 15你們只當說:「如果主許可,我們就可以活著,可以做這事或做那事。」 16現在,你們竟敢傲慢自誇,這實屬邪惡。 17所以人若知道善而不去行,就是犯罪。