Santiago 3 – TCB & NSP

Tagalog Contemporary Bible

Santiago 3:1-18

Ang Dila

1Mga kapatid, huwag basta-bastang maghangad na maging tagapagturo ang marami sa inyo, dahil alam ninyong mas mabigat ang paghatol sa aming mga nagtuturo. 2Lahat tayo ay madalas magkamali. Kung mayroon mang hindi nagkakamali sa pananalita niya, isa siyang taong ganap at may kakayahang pigilin ang kanyang sarili. 3Nirerendahan natin ang mga kabayo para sumunod saan man natin gustong papuntahin. 4Isipin nʼyo rin ang mga barko na kahit napakalaki at itinutulak ng malakas na hangin ay napapabaling ng maliit na timon at napapapunta ng kapitan saan man niya gustuhin. 5Ganoon din naman ang dila natin; kahit na maliit na bahagi ng katawan, nakakagawa ng malaking kayabangan. Isipin nʼyo kung gaano kalawak na gubat ang masusunog na galing lang sa maliit na apoy. 6Ang dila ay tulad ng apoy. Napakaraming kasamaan ang nagmumula sa ating dila at ito ay nagpaparumi sa buong pagkatao natin. Katulad ito ng apoy na nanggagaling sa impyerno, at sumisira sa buong buhay natin. 7Lahat ng uri ng hayop na lumalakad, lumilipad, gumagapang o nakatira sa tubig ay napapaamo ng tao. 8Pero walang taong nakakagawa nito sa dila. Wala itong tigil sa kasamaan at puno ng lasong nakamamatay. 9Sa pamamagitan ng dila, pinupuri natin ang ating Panginoon at Ama, pero sa pamamagitan din nito ay isinusumpa natin ang ating kapwa na nilikhang kalarawan ng Dios. 10Mula sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at pagsumpa. Mga kapatid, hindi dapat ganyan. 11Maaari bang lumabas sa iisang bukal ang matabang na tubig at ang maalat na tubig? Hindi! 12Mga kapatid, hindi rin maaaring mamunga ng olibo ang puno ng igos o ng igos ang ubas. Hindi rin maaaring makakuha ng tubig-tabang sa tubig-alat.

Ang Karunungang Mula sa Dios

13Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya na talagang marunong siya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay na may pagpapakumbaba. 14Kung pagkainggit at pagkamakasarili naman ang umiiral sa inyong puso, huwag ninyong ipagyabang na may karunungan kayo, dahil pinasisinungalingan nʼyo ang katotohanan. 15Ang ganitong karunungan ay hindi nagmumula sa Dios kundi sa mundo. Mula ito sa diyablo at hindi sa Banal na Espiritu. 16Sapagkat kung saan umiiral ang pagkainggit at pagkamakasarili, naroon din ang kaguluhan at lahat ng uri ng kasamaan. 17Ngunit ang taong may karunungang mula sa Dios, una sa lahat ay may malinis na pamumuhay. Maibigin siya sa kapayapaan, mahinahon, masunurin, puno ng awa at kabutihan, walang pinapaboran, at hindi nagkukunwari. 18Ang taong maibigin sa kapayapaan at nagpapalaganap nito ay nagdudulot ng maayos na relasyon sa iba.

New Serbian Translation

Јаковљева 3:1-18

Зауздавање језика

1Браћо моја, нека не буде међу вама много учитеља, знајући да ћемо бити строже суђени. 2Јер сви ми на много начина грешимо. Ако ко у речи не греши, тај је савршен човек, способан да заузда цело своје тело.

3Када коњима стављамо узде у уста да би нам се покоравали, ми управљамо целим њиховим телом. 4Погледајте и лађе: тако су велике и јаки ветрови их покрећу, а њима управља врло мало кормило онамо куда кормилар науми. 5Тако је и језик мали уд али се дичи великим делима. Гле, како мала ватра запали велику шуму! 6Тако је и језик ватра, свет неправде међу нашим удовима. Он погани читаво наше тело и пали читав животни ток, а пакао га потпаљује.

7Све врсте животиња, птица, гмизаваца и морских животиња дају се укротити и човек их је укротио, 8а језик, то немирно зло пуно смртног отрова, нико не може укротити. 9Њим благосиљамо Господа и Оца и њим проклињемо људе који су створени по слици Божијој. 10Из истих уста излази благослов и проклетство. То тако не треба да буде, браћо моја. 11Може ли са истог врела извирати слатка и горка вода? 12Може ли, браћо моја, смоква рађати маслине или лоза смокве? Тако ни слан извор не може дати слатку воду.

Права мудрост

13Ко је мудар и разуман међу вама? Нека добрим живљењем покаже своја дела у мудрој кроткости. 14Али ако у себи носите горку завист и себично истицање, онда се немојте поносити и говорити оно што се противи истини. 15Таква мудрост не долази одозго, него је земаљска, људска, од злог духа је. 16Јер, где је завист и себично истицање, онде је неред и свако зло.

17А мудрост која долази одозго, пре свега је чиста, затим миротворна, кротка, прилагодљива, пуна милосрђа и добрих плодова, непристрана, нелицемерна. 18А праведност је плод који ће убрати они који сеју у миру – они који чине мир.